MPSL Part 5

1845 Words
My Plus Size Lover AiTenshi May 21, 2020   Part 5 Huminga ako ng malalim at inirelax ang aking sarili. Kasabay nito ang pag hawak ko ng mic at nag simulang umawit. "When the night has come, and the way is dark, And that moon is the only light you see. No I won't be afraid, no I-I-I won't be afraid.Just as long as the people come and stand by me." ang simula ng aking pag awit pero agad rin itong pinatay ni Luke. "Maganda yung pasok mo pero walang feelings. Lagyan mo naman ng sweetness. Isipin mo kasama mong nag lalakad yung taong gusto mo sa ilalim ng liwanag ng buwan." Tumango ako at ngumiti. Ipinikit ko ang aking mga mata at muli akong kumanta. Sa aking imahinasyon ay nakita ko ang aking sarili na nag lalakad sa ilalim ng buwan kasama si Luke, mag hawak kami ng kamay habang masyadong nag kkwentuhan. Hindi ko lubos maisalarawan ang kaligayahan kong iyon, pakiwari ko ay lumulutang ako sa ika pitong alapaap. Alam kong kathang isip ko lamang ang mga senaryong ito pero bakit ang saya? Bakit tumitibok ng mabilis ang puso ko? Bakit pakiwari ko ay para itong totoo? Idinilat ko ang aking mata at humarap kay Luke sabay bigkas ng mga katangang. "Oh darling, darling stand by me, oh stand by me, Oh please stand, stand by me, stand by me." Damang dama ko ang kanta habang nakatingin kay Luke at noong lumingon siya sa akin ay natawa siya kaya't nahiya ako at ipinaling ko sa iba ang aking atensiyon.. When the night has come, and the way is dark, And that moon is the only light you see. No I won't be afraid, no I-I-I won't be afraid Just as long as the people come and stand by me.   Darlin' darlin' stand by me, ooh stand by me Oh stand Stand stand by me C'mon stand by me stand by me   If the sky that we look upon Well should tumble and fall And the mountains should crumble to the sea I won't cry, I won't cry, no I won't she'd a tear Just as long as you stand, stand by me   (Habang tumutugtog ang musika ay ipinakita sa senaryo ang patuloy na pag rerecording ni Hans at sa kanyang tabi ay laging naka gabay si Luke. May mga pag kakataon na napapatulala si Hans habang nag didiscuss si Luke sa kanyang tabi kaya naman mas ginagalingan pa niya ang trabaho para mas mapahanga ito. Ipinakita rin sa senaryo na unti unting nauubos sa mga store ang album ni Amir kung saan talagang tinangkilik ito ng mga tao. Nag karoon rin siya ng meet and greet at album signing para sa mga fans. Sikat na sikat si Amir at kahit saan siya mag punta ay pinag kakaguluhan siya. Nandito rin ang senaryong nakatayo si Amir sa magarbong entablado habang kumakanta ng Stand By Me pero sa ilalim ng stage ay nandoon si Hans na nakatitig at ginagawang inspirasyon si Luke para maging maganda ang kanyang awitin na punong puno ng damdamin at pag mamahal para sa taong hinahangaan. Nag thumbs up si Luke sa kanya. "Good job Hans! The best ka talaga!" ang wika nito.) When the night has come, and the way is dark And the moon, is the only light you see I won't be afraid, lala nomie, I won't be afraid Not as long, not as long as you stand by me.   Report: Talaga namang hindi na mapigilan ang pag sikat ni Amir, kalalabas pa lamang ng kanyang album ay sold out na ito. At ngayon naman ay hindi mahulugang karayom ang Ultra Mall dahil sa nagaganap na album signing. Pila pila ang kanyang mga fans at talaga naman all out ang support nila sa natural singer. Malakas rin ang usap usapan na si Amir ang gaganap bilang male version ni Dorina Pineda sa gaganapin male version ng Bituing Walang Ningning at mayroon na ring nakahandang bagong sitcom at maraming tv guestings para sa kanya. Sadyang binihag ng kanyang tinig ang sambayanan kaya ganito na lamang ang pag angat ng kanyang career patungo sa pedestal. Pinag aaralan na rin ang proposal ng mga Fans ni Amir na gawin siyang isang national hero. Ako po si Pening Gersia ng GBA New TV! Ang supeReporTeen Princess ng pinalakang tabing na nag iiwan ng mga katagang. "Huwag mong iputok dahil malas daw iyon! Palag?!" Magandang hapon po. End of Report "Bravo bravo, magaling talagang mag report si Pening. Tama lang na sa kanya ko ibigay ang scoop tungkol kay Amir. Hindi katulad ng Cherry Mae na iyan na pilit ginagaya ang kanyang inang may lawit rin." ang wika ni Jon. "Kaya naman pala laging ahead at latest ang report ni Pening dahil binibigyan mo ng scoop. Bakla ka, mag iingat ka dahil baka magalit sa iyo ang ibang member ng press at katayin nila ang alaga mong si Amir, baklang Jonjina Wilson." ang wika ni Diego. "Bakit ang tagal ni Luke?" tanong ni Migs habang nakatingin sa orasan. "Waley si Papa Luke ngayon. May dinner date s***h meeting date sila ni Amir dahil sa success nito. At im sure mag eeut sila mamaya right after dinner. Kaya wag niyo na siya hintayin at bukas na sila mag papakita. Ikaw naman Godzilla pumunta kana doon kay Andrew upang pag aralan ang areglo ng bagong kanta ni Amir na Careless Whisper at huwag kang mag kakamaling pangitan dahil malilintikan ka sa akin! Dapat sexy, dapat mas seductive pa sa version ni Katrina." ang gigil na wika ni Jon. "Gusto mong daganan kita? Huwag mo nga akong takutin." ang sagot ko sabay tayo. Hindi ko alam ngunit may kung anong kirot ang naramdaman ko noong marinig ko na may date sina Amir at Luke. Para bang bumagsak ang metro ang kaligayahan ko, kanina lang ay sabik na sabik akong makita siya pero ngayon ay sakit nalang ang lumukob sa aking pag katao. Lumabas ako ng silid at sa halip na dumiretso ako kay Andrew ay nag pasya nalang ako umuwi at mag pahinga. Kahit naman gawin ko ang pag eensayo ay hindi rin naman makikisama ang bibig ko kaya hindi rin ako makakanta ng maayos dahil sa kakaibang bagay na lumukob sa aking dibdib. Masakit ito, mabigat, makirot at hindi ko maunawaan, basta ayoko ng ganitong pakiramdam. Tahimik.. Naka upo ako sa sofa habang kumakain ng ice cream at pizza. Dito ko nalang ibinuhos ang aking inis, baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ko kapag sumama ito sa dighay ko. Report: Samantala, Amir at ang director ng Mega Music ay naspottan sa isang romantic date sa isang hotel. Pinag kaguluhan sa social media ang larawan ng dalawang gwapong lalaking ito habang kumakain ng dinner. Kilig na kilig ang mga netizens sa kanilang ka sweetan. Bukod pa rito ay pinag kaguluhan rin ang sexy photo ni Amir na naka suot lamang ng trunks at ibinuyangyang ang kanyang magandang katawan sa isang pictorial ng summer magazine sa susunod sa buwan. Sa iba pang balita. Inaasahan naman ng supporters ng BXB writer na si Ai Tenshi na mag kakaroon ng collaboration kasama ang kanyang idolo na si Mike Juha sa mga darating na buwan. Isang makasaysayang kaganapan daw itong maituturing para sa kanilang mga taga hanga. Samantala, ADS CGN pinangambahang hindi mairerenew ang franchise sa susunod na dalawang buwan dahil sa samu't saring issue na kinakaharap nito. At iyan ang mga balita sa oras na ito. Ako po si Pening Gersia ang Mega Ultra Supersonic na Reporter ng pinilakang tabing. At ito ang GBA News TV! Huwag mong iputok! Yeahh! End of Report Lalong nanikip ang aking dibdib sa balitang nakita ko. Ang ngiti nina Luke at Amir sa larawan ay perfect. Bagay na bagay silang dalawa. Kung sa bagay, sino ba naman ako? Walang mag kakagusto sa isang mataba, maitim at panget na katulad ko. Tahimik.. Humarap ako sa salamin at pinag masdan ang aking mukha. Ilang minuto rin akong nakatitig dito hanggang sa unti unting pumatak ang aking luha at napa hagulgol nalang ako dahil sa matinding emosyon ng lungkot, sakit at inggit. Sinubukan kong mag hilamos at kaskasin ang aking mukha, ibinuhos ko dito ang aking galit pero nasaktan lang ako.. Ilang minuto rin ako nasa ganoong emosyon bago ako mag tungo sa aking desk at kinuha ang mga tableta ng sleeping pills. Itinaktak ko ito sa aking kamay ay nilagok ko lahat.. Huminga ako at saka ipinikit ang aking mga mata.. Hindi ko alam kung ilang oras akong nahiga, paulit ulit bumabalik sa aking isipan na maaaring ngayon ay mag kasama na si Amir at Luke, pareho silang nag papakasaya sa piling ng isa't isa. Lalo lang akong napapaluha kapag sumasagi ito sa aking isipan. Kahit uminom ako ng katakot takot na pampatulog ay tila hindi ako tinalaban. Sa halip na antukin ako ay nahilo lang ako, umuga ang aking paligid, umikot ito at nang hina ang aking katawan.. Hindi ako maka kilos ng maayos kaya naman natakot ako at agad na tinawagan si Migs para mag patulong. Kada galaw ko ay umiikot ang aking paningin at naduduling ako ng todo. Nanatili akong nakahiga hanggang sa marinig ko ang wang wang ng ambulansiya sa harap ng aking tinitirhan. Bumukas ang pinto at dito ay agad na pumasok si Migs. "Hans! Ano bang nangyayari sa iyo? Nag lason ka ba? Bakit ginawa mo iyon? Gumising kaaaa!" ang natatarantang wika nito. "Sir, hindi nag lason ang pasyente. Uminom siya ng maraming sleeping pills pero sa laki ng katawan niya ay hindi ito tumalab kaya biglang side effect nahilo lang siya. Ngayon para siyang isang osong nalasing at pinasabugan ng tear gas. Hindi iyan mapapaano. Ang kailan lang nating gawin ay ilipat siya dito sa stretcher para maipasok sa ambulansiya at madala sa ospital." ang wika ng nurse. "O, lakasan ninyo. Kailangan natin ng full power dito. On 3.. 1, 2, 3! Buhat!" ang wika ng isa at sabay sabay nila akong inangat pati si Migs ay tumulong na rin pero wala. "Teka, ayaw niya. Masyado siyang mabigat at malaki." ang reklamo ng isa. Parang nag tatawanan pa sila.. "Huwag niyo ngang pag tawanan ang kaibigan ko. Kawawa naman siya, buhatin pa natin baka kung mapano na siya." ang natatarantang wika ni Migs. "Hindi mapapano yan sir. Para lang iyang isang osong nag h-hibernate ngayon. O, on 3 ulit! 1.. 2.. 3!! Buhat!!" Binuhat nila ako pero wala pa rin.. "Alam ko na pagulungin nalang natin siya! Ready!" ang wika nila. Sinubukan nila akong itulak para gumulong pero walang nangyari.. Isang ulit pa, pero ayaw pa rin kaya naman dumilat ako at tinapik ang isang nurse. "Wait lang, ako nalang po. Ako nalang ang gugulong." ang wika ko. Inilapit nila ang stretcher at dito ay gumulong ako mula sa aking hinihigaan patungo dito. Natawa sila ng impit.. Samantalang ako naman ay nakatingin lang sa kisame at pilit na inaayos ang aking sarili. Natutunan ko noong gabing iyon na hindi rin sagot ang pag tulog para takasan mo ang sakit na nararamdaman mo. Dahil tiyak na pag gising mo ay mas doble kirot pa ang lulukob sa pag katao mo at mag dudulot nanaman ito ng panibagong luha sa puso at mga mata mo. May mga sakit na hindi nakukuha sa pag tulog bagamat kung minsan ay mas maganda ang panaginip kaysa sa reyalidad na mararanasan mo. Pero sa tingin ko ay hanggang doon lang iyon.. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD