MPSL Part 2

2009 Words
My Plus Size Lover AiTenshi May 20, 2020   Part 2 "Oh diba, sabi ko naman sa iyo magugustuhan ni Luke ang boses mo. Ganyan ang gusto niyang timbre yung parang international singer. Im sure ito na ang simula ng career mo." ang excited na wika ni Migs habang nag hihintay kami sa opisina ni Luke. "Hindi nga ako nag kamali, may tiwala naman talaga ko kay Migs, alam kong maganda ang boses ng kaibigan mong si Hans." ang naka ngiting wika ni Luke. "Salamat po sir." ang sagot ko. Natawa siya. "Huwag kana mag PO sa akin dahil mag kasing edad lang tayo. Nag kataon lang na maaga akong pinag hawak ni papa ng company. I really like your voice Hans. May kakaiba dito na hindi ko pa mafigure out. Anyway narito ang contract mo. Welcome sa Mega Music Recording company. Basahin mo muna ang details bago mo pirmahan. At kung mayroon kang hindi gusto ko ay maaari mong sabihin agad sa akin." Hinawakan ko ang kontrata at napangiti ako. "Heto na iyon." bulong ko. "Sabi sa iyo e. Basahin mo muna bago ka mag sign." ang masaya at excited na tugon ni Migs. "Salamat ulit Sir Luke." wika ko. "Luke nalang. Ayoko ng masyadong formal." ang sagot niya sabay tapik sa aking balikat. "Maiwan ko muna kayo dito sa loob, naroon si Amir sa kabilang silid at nag dedemand nanaman ng kung ano ano. Iyan ang mahirap sa mga starlet na nais agad sumikat." ang pag papa alam niya sabay labas sa silid. Naiwan kami ni Migs sa loob. Dito ay binasa ko ang kontrata.. "Ayos, singer kana Hans. Maririnig na ang boses mo sa mga Album, radyo at mga music station. Sa wakas ay maiishare mo na rin ang talent mo sa buong mundo!" ang masayang hirit ni Migs. "Teka, ayos lang ba talaga itong mga gusto nilang ipagawa sa akin? Kaya ko ba to?" "Syempre naman. Kaya nga kinuha ka nila kasi alam nila na kaya mo. Saka ayaw mo ba nun less toxic ang work mo. Ikaw ang main singer at ako naman ang back singer mo. Ayos diba? Excited na ako!" wika nito sabay abot ng ballpen. Ngumiti ako at pinirmahan ang mga papeles.. Ito na ang simula ng pagiging singer ko.. MAKALIPAS ANG DALAWANG BUWAN.. Hindi mahulugang karayom ang venue kung nagaganap ang aking unang concert. Masigla ang musika, kumakalabog ang malalaking speaker, ang mga tao nag sisigawan, nag wawala para lang marinig ang aking tinig. Mas lalong nag wild ang mga audience noong lumabas ang mga back ground dancers at singers habang sumasayaw ang makukulay na liwanag entablado.. Sumenyas sa akin si Luke kaya huminga ako ng malalim at inalis ang kaba sa aking dibdib.. Tuloy pa rin ang masiglang musika.. MUSIC PLAYING CAN’T STOP THE FEELING Justine Timberlake   Ah, yeah, ah, yeah I got this feelin' inside my bones It goes electric, wavy when I turn it on All through my city, all through my home We're flyin' up, no ceilin', when we in our zone   I got that sunshine in my pocket Got that good soul in my feet I feel that hot blood in my body when it drops (ooh) I can't take my eyes up off it, movin' so phenomenally Room on lock, the way we rock it, so don't stop   "In 3, 2, 1. Get ready Hans!" ang wika ni Luke. Tumango ako at hinawakan ng mic.. Mula sa screen ng entablado ay nag flash ang pangalang. "AMIR" dahilan para lalong mag titili ang mga tao.. Umangat ang gitnang bahagi ng stage at dito ay lumabas si Amir na tinabihan ng kanyang mga back up dancers. Samantalang ako naman ay naiwan lang sa ilalim at nag simula akong umawit para sa kanya. Habang kumakanta ako sa ilalim ng entablado ay sumasayaw si Amir sa itaas at nag l-lip sync. Damang dama niya ang aking boses habang sumasayaw ng ubod ng gilas. And under the lights when everything goes Nowhere to hide when I'm gettin' you close When we move, well, you already know So just imagine, just imagine, just imagine   Nothin' I can see but you when you dance, dance, dance Feel a good, good creepin' up on you So just dance, dance, dance, come on All those things I shouldn't do But you dance, dance, dance And ain't nobody leavin' soon, so keep dancin' I can't stop the feelin' So just dance, dance, dance I can't stop the feelin' So just dance, dance, dance, come on   Mula sa monitor ng aking screen ay nakita ko si Luke na nag t-thumbs up sa akin. Ang kanyang ngiti ay matamis na matamis. Batid kong humahanga siya sa aking ginagawa kaya naman mas lalo ko pang ginalingan. Ang aking simpleng pag awit ay sinabayan ko na rin ng pag indak. Napansin ko rin kasi na masyadong mabilis at mahusay sumayaw si Amir, kung pinag sasabay niya ang kanta at sayaw malamang ay hingal na rin siya pero dahil ako ang nag boboses sa kanya ay powerful pa rin at walang hingal ang boses niya. Tuloy ang kalabog ng musika.. Umindak ako at nag padala sa masiglang musika. Habang umaawit ay nakatitig lang ako sa monitor kung saan naroon si Luke. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa tuwing pinupuri niya ako at naappreciate niya ang mga bagay na ginagawa ko. Kaya naman pag huhusayan ko pa para mas maimpress siya. "Para sa iyo ito Luke! Gagalingan ko para sa iyo!" ang sigaw ko sa aking sarili habang umiindak. Ooh, it's something magical It's in the air, it's in my blood, it's rushin' on (rushin' on) I don't need no reason, don't need control (need control) I fly so high, no ceiling, when I'm in my zone   'Cause I got that sunshine in my pocket Got that good soul in my feet I feel that hot blood in my body when it drops (ooh) I can't take my eyes up off it, moving so phenomenally Room on lock, the way we rock it, so don't stop (stop, stop, stop)   Sa entablado ay lumulundag, tumatalon, nag t-thumbling at gumigiling si Amir.. Maya maya ay nadala ako ng musika hanggang sa aksidenteng nag c***k ang kahoy na set up sa aking tinatapakan at nawasak ito. Hindi nakayanan ang aking bigat kaya nahulog ako sa ilalim dahilan para mag panic si Luke. "Hans! Si Hans! Tulungan niyo!" ang sigaw niya. (Samantala ipinakita sa senaryo na si Amir ay nag wawala pa rin habang kumakanta at bumubukas ang bibig pero wala na ang aking boses.) "Amir! Tumalikod ka! Back up singers take over!!" ang utos ni Luke sabay pindot sa mga stage effects, pausok, fireworks para di mahalata na walang boses si Morris. Nag take over din ang mga back up dancer at kanya kanya sila ng thumbling bilang pag cover.. Agad na nag tungo sa akin ang ilang crew at hinala ako para makabangon. Samantalang tinulungan ko naman ang sarili ko para makasampa sa natitirang buong parte ng entabladong nasira. Noong makabawi ako ay agad kong kinuha ang mic. "Hans, okay kana ba?" tanong ni Luke. "Okay lang ako Luke." ang sagot ko. "Good, in 3 2 1!" pag cue niya. Huminga ako ng malalim at muling kumanta. Doon sa entablado ay muling lumabas si Amir na may magandang boses.. Palakpakan at hiyawan ang mga tao. Sumasabog ang magarbong ilaw.. Alas 11 ng gabi noong matapos ang show. Pag baba palang ng stage ay binati nila agad si Amir pero galit ito at halatang dismayado. "Congrats Amir, wala ka pa ring kupas! Ang husay mong sumayaw!" ang bati ng mga producers. "Oo nga, ang bongga mong mag lip sync Amir. Pasok na pasok sa banga!" ang hirit ni Diego sabay takip sa kanyang bibig. "Oopss!" Hindi sila pinansin ni Amir. Lumapit ito sa akin at sinita ako. "Next time wag ka na sasayaw. Muntik mo nang sirain yung show ko. Saka bakit ganyan yung suot mo? Makintab talaga? Mag coconcert ka ba?" tanong niya. "Sumayaw ako para mas maramdaman ko yung kanta ko." sagot ko naman. "Alisin mo na nga yang damit mo. Para kang suman." ang wika pa ni Amir at noong makita niya si Luke na kinakamayan ng mga producer at sponsors ng concert ay agad ito lumapit sa kanya. "Congrats sa atin Luke, success ang concert ko." ang wika nito. Ngumiti si Luke at tinapik siya sa balikat. "Good job Amir." ang wika niya sabay harap sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin at iniwan si Amir sa kanyang kinatatayuan. "Hans, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" ang tanong niya na may pag aalala sa mga mata. "Hindi, ayos lang ako. Congrats, successful ang concert." ang sagot ko. "Success ang concert dahil sa husay mo. Goodjob sa iyo Hans." ang wika ni Luke sabay yakap sa akin kaya niyakap ko rin siya at na-out of balance pa ito saka naipit sa aking katawan. "Teka, sandali hindi ako makahinga." ang natatawang biro niya. Bumitiw ako. "Sorry, sobrang saya ko lang talaga." "Masaya rin ako Hans, maraming salamat sa talent mo." tugon niya sabay gusot sa akin buhok. Samantalang ako naman ay parang tutang nabibighani sa kanyang magandang ngiti. Habang nasa ganoong posisyon kami ay sumulpot naman si Diego kasama ang manager ni Amir na si Jon. "Tama na nga iyang pag yakap mo kay Luke, baka mapiga ang katawan niya dahil para siyang niyakap ni Kingkong." ang wika ni Diego. "Ikaw naman kasi Luke kaya nag seselos yung alaga kong si Amir dahil di mo siya niyayakap. Mamaya after ng celebration puntahan mo siya sa unit niya at mag romansa kayong dalawa. Char. Congratulations my dear Luke." ang maarte hirit ni Jon sabay irap sa akin. "Nga pala, may celebration tayo pag katapos nito. Sana makarating ka Hans." wika ni Luke. Ngumiti ako. "Susubukan ko." sagot ko naman noong bigla akong hilalin ni Migs. "Bakit?" tanong ko sa kanya. "Huwag na tayo sumama sa party nila dahil tiyak na gagawin lang tayong pulutan doon, lalo na ikaw. Pag tatampulan ka lang ng tuwa ni Diego at ni Jon. Ayaw na ayaw pa naman niyang nasasapawan ang alaga niya. Tayong dalawa nalang ang mag celebrate." pag yaya niya. "Teka mag papa alam ako kay Luke." "Wag na, busy na iyan. Hindi kana niya mapapansin na umalis ka." sagot ni Migs sabay turo kay Luke na abala na sa pakikipag usap sa ilang miyembro ng media nag tatawanan pa ang mag ito kaya naman nag pasya na rin ako sumama kay Migs. "Kukuha nalang ako ng taxi tapos coconvoy ako sa iyo. Baka kasi ma flat nanaman yung gulong ng sasakyan mo dahil pareho tayong malaki." ang wika ko. "Ano ka ba, bago na yung gulong ng kotse ko hindi na to ma fflat. Alam mo may napapansin ako sa iyo." "Ano iyon?" "Yung pag papasikat mo kay Luke. Kaya ka nasilat doon sa back stage kasi nag papa impress ka sa kanya. Alam mo ba na para kang maitim na version ni Barney na sumasayaw doon sa likod. Hay naku Hans, umayos ka nga." "Na carried away lang ako sa kanta. Saka maganda yung music, nakaka indak." paliwanag ko. "Nag papa cute ka kay Luke. Kung sa bagay talaga namang gwapo siya at napaka sarap pa. Pero kahit na, huwag kana umawra dahil masasaktan ka lang." ang hirit ni Migs. "Si Luke lang yung tanging tao nakaka appreciate sa akin. Hindi siya nag sasawa na sabihing mahusay ako, talented, gifted, parang anghel daw ang boses ko. Tapos mabait daw ako, sobrang bait, at para santo sa kabaitan. Basta paulit ulit siya ng sinasabi sa akin." ang naka ngiti kong sagot. "Mabait, sobrang bait, pinaka mabait? Ano yan comparison degree of adjective? Nature lang ni Luke ang maging mabait. Huwag kang masyadong mag papadala. Saka huwag ka ngang marupork. Mataba ka na nga, marupok ka pa. Kaya marupork ang tawag sa iyo." hirit niya dahilan para mapanguso ako. Sa halos 3 months na training ko under kay Luke ay naging close kaming dalawa. Ngayon lang may naka appreciate sa akin. Ngayon lang ako nakatagpo ng taong hindi nilalait o pinag tatawanan ang aking pisikal na anyo. Busog na busog rin ako sa papuri niya sa akin, ni walang minuto na hindi niya sinabi na magaling ako, talented at blessing sa Mega Music. Para sa isang katulad ko na parating nirereject at hindi naappreciate ng nakararami ay ibayong saya na ang aking nararamdaman sa kabutihang kanyang (Luke) ipinakita. At sa tingin ko ay sapat na rin iyon para ako ay ngumiti at maging masaya. Itutuloy..          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD