Pauwi na ako galing sa school. Mag-isa lang ako ng mga sandaling iyon dahil may gagawin pa raw na project si Arthur na kailangang ipasa this week. Inalok ko siya ng tulong pero tumanggi siya. Para na rin daw makapaghinga ako at makagawa pa ng ibang bagay.
Ganoon pa rin ang senaryo. Nilalakad ko pa rin ang kahabaan ng kalsada patungo sa dorm. Alas-siyete na rin ng gabi at buhay na buhay na ang mga tao rito – night life ika nga. Simula na naman ng bakbakan – sa inuman at gimikan, at may pasingit na harutan.
Sa mga ganito ring oras, mas mabilis na ang lakad ko. Dahil kung hindi mo bibilisan, may dalawa lang na lalapit sa ‘yo – HIV o EJK. Mas pipiliin ko ‘yong o.
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Minsan, maaaliw ka na lang sa daan dahil kung anu-anong nakikita mo. Hanggang sa hindi mo na lang mamalayan, nasa harapan ka na ng dorm.
Ilang saglit lang, narating ko rin ang kalawanging gate ng dorm. Mula sa nakabukas na bintana, natanaw ko si Miko, isa rin sa mga dormmate ko. Sa lahat, siya ang pinakamadalang kong makita rito. Hindi ko nga rin alam kung bakit nag-dorm pa ‘to kung wala naman lagi. Akala mo OFW na minsan lang umuwi. Sa umaga, sa school ang diretso at sa gabi naman, sa trabaho niya bilang bokalista ng banda.
Halos gabi-gabi siya kung magka-gig. Mabenta rin naman kasi siya sa mga bar dahil pare-parehas silang may itsura ng mga kabanda. Sila nga siguro ang dahilan kung bakit napupuno ‘yong mga venue. Pero kahit gano’n, never pa siyang nagka-girlfriend.
“Nandito ka pala, Miko. Napadalaw ka ‘ata sa amin,” pagbibiro ko sa kanya.
Nakita kong napangiti rin siya na nagpalabas ng kanyang dimples sa magkabilaang pisngi.
“Oo nga, pre. Miss ko na kasi kayo.”
“Oh? Nasaan na chocolate namin mula sa balikbayan? Wala man lang d’yan kahit kiss-es?” natatawa kong sabi.
Nakita kong nagseryoso na siya ng mukha. “Wala na. Titigil na ako sa mga gig ko. Nakuha ko ‘yong classcards ko kanina, halos lagapak. Kumbaga, naghihingalong matanda. 50/50 na.”
“Eh ‘di ba ‘yon lang naman ang kasiyahan mo? Napapagsabay mo naman dati, ah?” tanong ko.
Tumango lang siya nang dahan-dahan. “Kung hindi ko naman ititigil, baka magka-landslide naman sa grades ko. Hindi ko naman kayang pabayaan ‘yong pag-aaral ko.”
Doon ko lang napansin na school book pala ang binabasa niya. Madalas kasi ay song hits na nabibili sa recto ng tig-sampu na minsan ay banda ng Parokya ni Edgar ang pabalat ang hawak niya.
“Eh kung ganoon naman pala, itigil mo na muna pansamantala. Makakapaghintay naman siguro ‘yang pagbabanda mo,” payo ko at saka hinawakan siya sa likod.
Mainit ang kanyang likod. Marahil ay dahil na rin sa init ng panahon.
Hinawakan niya ‘yong kamay kong nakadampi sa kanyang likod. Mas mainit ang kanyang palad.
“Thank you. Wala rin naman kasi akong mapagsabihan. Paniguradong magagalit lang nito si Ate. Alam mo namang siya lang ang nagpapaaral sa akin,” aniya.
Napangiti ako sa ideya na may natulungan ako kahit hindi sadya.
“Oh sige, aakyat na muna ako. Magpapalit lang ako ng damit. Sino pang nandito?” tanong ko.
“Nakita ko kanina si Dominic pero umalis din ‘ata kaagad. Dumating din si Luke pero may importanteng lakad. Si Eugene naman, nand’yan lang sa kwarto niya. Nag-wet dreams na ‘ata,” natatawa niyang sabi sa huli.
“Kumain ka na ba? Kung hindi pa, sabay-sabay na lang tayo nila Eugene kumain kina Aling Bebang,” pag-aalok ko.
Tumango naman siya bilang tugon. Matapos ‘yon ay umakyat na ako sa aking kwarto. Wala pa rin pala si Manang ngayon kaya nagagawa namin ang gusto namin. Puro pinaghubaran naming mga damit ang nakakalat sa buong bahay. Wala kasing sasaway kaya wala ring magliligpit.
Pag-akyat ko sa kwarto ko, nakita kong nakabukas ng bahagya ang pinto ng kwarto ni Eugene. Nakahilata siya sa kanyang kama habang walang saplot pang-itaas at abala sa kanyang cellphone.
“Mamaya ko na nga lang siya aalukin na kumain pagkatapos ko magbihis,” bulong ko sa sarili.
Pagkapasok ko, mabilis akong nagpalit ng damit. Sa gilid lang naman kami ng dorm kakain, sa karinderya ni Aling Bebang, kaya nagsuot lang ako ng puting sando at boxer shorts. Bawas labahin na rin.
Bago pa man ako lumabas ng kwarto, nag-ring ang cellphone ko. Si Artur, tumatawag.
“Oh bakit?” tanong ko sa kanya mula sa kabilang linya.
“Kumain na kayo?”
“Hindi pa naman. Pero inaya ko na silang kumain – sina Miko at Eugene.”
“Sabay na ako sa inyo. Hintayin niyo na ako. Pauwi na rin naman ako, e. Ayokong mag-isang kumain. Alam mo namang mahirap mag-isa,” aniya saka natawa sa huling sinabi.
“Oh sige na. Hintayin ka na namin. Kapag wala ka pa rito nang fifteen minutes, ililibre mo na kami kina Aling Bebang ng hapunan,” pagbabanta ko na tinawanan lang niya.
“Bibilisan ko na kilos ko. Basta hintayin niyo ako. Hindi ko kayo papaasahin,” banat na naman niya.
“Okay, okay. Ang dami mong drama sa buhay, e. Ingat na lang sa paglalakad pauwi.”
“Thank you, Bye!” saad niya at saka pinutol na rin ang tawag.
Nakapagtatakang maaga siyang natapos sa sinasabi niyang project at kakauwi ko lang rin. Samantalang paminsan-minsan, nagpapahintay naman ‘yon kung alam niyang maaga siyang matatapos.
Napakunot na lang ako ng noo at iwinaglit ang iniisip.
Tumingin muna ako sa salamin. Napangiti ako sa sarili kong repleksyon pero mabilis ring binawi.
Pabalik na ako sa baba ng daanan ko muna si Eugene sa kwarto niya. Sinilip ko muli siya sa nakaawang na pinto. Ganoon pa rin. Nakahiga pa rin siya at abala sa kanyang cellphone.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang mas malaki para sabihan siya pero mas ikinagulat ko kung ano pa ang kanyang ginagawa.
Mula sa natatanaw ng mata ko, kita ko ang paghaplos niya sa kanyang matigas na katawan na lumalakbay paibaba. Hindi ko maalis ang aking mata mula sa pagkakatitig. Gusto kong isara ang pinto pero tila ninanamnam ng mga mata ko ang nakikitang eksibisyon.
Mula sa paghagod sa itaas, natatapos ang paglalaro sa kanyang ibaba. Nakikita ko ang paninigas ng kanyang babad sa gym na katawan sa tuwing hahawak siya sa kanyang sandata. Marahan ang paghaplos na kanyang ginagawa na bumibilis rin makailang saglit.
Napalunok ako.
“Tama pa ba ‘tong nararamdaman ko?” bulong ng isip ko.