CHAPTER ELEVEN: Agony “Sht!” marahan kong sabi habang patuloy pa rin sa pagpupunas na nagkalat na likido sa sahig. Matapos ay nag-aatubili akong tumayo at umarte na kunyaring walang nangyari. Naglakad ako bitbit ang damit na pinamunas ko papunta sa hagdan upang kasalubungan ang papaakyat. Si Dominic. Napatigil ako sandali habang parehas kaming nagkatinginan. Malalim ang kanyang mga mata na marahil ay dahil sa pagpupuyat. Nakatiim-bagang siyang tutok sa akin. Ito na siguro ang pinakamatagal naming pagtitingan. Kadalasan kasi ay inililihis niya agad ang tingin niya. Hindi rin ay nagtagal ay naglakad muli siya hanggang sa malagpasan ako. “Dominic...” mahina kong sabi. Tumigil siya. “Tungkol sa sinabi mo – tungkol sa pagiging bakla. Bakit mo sinabi ‘yon?” tanong ko habang nakayukom. Pin