Hell 4

2858 Words
Zaire Emerald Xermin's Pov Tulad ng sinabi ko kagabi, maaga akong umalis ng unit ko dahil may gaganapin pang Opening Ceremony bago kami pumasok sa mga klase namin. At kasalukuyan na nga akong papunta dun. Ang sabi ng mga nakasabayan ko sa elevator kanina, maliban daw sa speech ng ilan sa mga officials nitong Academy, may nagaganap din daw na activity para sa lahat ng estudyante particularly ang mga new students na tulad ko. Surprise daw yun para mas nakaka-excite. Kaya ganun nalang ang excitement at kaba na nararamdaman ng mga kapwa ko new students. Haha, ano kayang mangyayari mamaya?? Sa laki ng school na ito, malaki ang posibilidad na maligaw ang mga baguhang tulad ko. Masyado kasing maraming pasikot-sikot at magkakalayo ang distansya ng bawat facility pero dahil biniyayaan ako ng photographic memory, madali na para sa akin ang makarating doon. Napag-aralan ko na naman ang buong school kaya 100% na hindi ako maliligaw dito. At dahil nga din sa malaki ang school na ito, kinakailangan pang gumamit ng sasakyan para makapunta sa bawat facility na gustong puntahan ng isang estudyante.. Since, karamihan sa nag-aaral dito eh galing sa mayamang angkan, may sari-sarili na silang kotse. Yung iba namang walang kotse, may ilang mini bus naman na pwede nilang sakyan na syang umiikot sa buong school. Ipinark ko na ang kotse ko di kalayuan sa Auditorium. Mukha namang marami na ding tao dun dahil sa dami ng mga naka-park na kotse dito. Siniguro kong naka-lock ang kotse ko tsaka ako tumakbo papunta dun. Napanganga ako ng tuluyan akong makapasok dito. Grabe, sobrang laki. Pwede na nga yatang mag-laro ng football dito dahil sa lawak. Well, ano pa bang aasahan?? Pumwesto ako sa bandang harapan para naman makita ko ng malapitan ang mga nasa stage. Tsaka ko inilibot ang tingin ko sa paligid. Amaze na amaze kasi talaga ako. Ilang sandali lang, napuno na ang buong auditorium na syang dahilan ng lalong pag-ingay ng paligid. Pero bigla din ang pananahimik nila nang may labing limang tao na naka-half mask ang umakyat sa stage at naupo sa mga nakapwestong upuan dun. Medyo napakunot pa ako sa mga suot nila.. Walo sa kanila ang naka-itim na outfit pero puti ang mask nila na may itim na drawing ng piyesa ng larong chess. Tapos, yung pito pa, naka-white outfit sila habang itim naman ang mask nila na may puting drawing ng piyesa ng Chess. Sino kaya sila?? Nawala ang atensyon ko sa kanila at nabaling sa isa pang lalaki na syang huling umakyat ng stage. Naka-full mask naman ito pero kakaiba. Kalati kasi nito ay puti habang yung kalahati naman ay itim. Naka-formal suit din sya at may nakakatakot na aura. Kahit hindi ko nakikitaang expression ng mukha nya, nakakaramdam talaga ako ng takot. "Good Morning, Hellion Students.." Bati nito. "Sa mga new students na hindi pa ako nakikilala, you can call me Heil.. Headmaster of this Academy.." Ehh?? Sya ang Headmaster?? Kung sa tinding at boses ang pagbabasehan, masasabi kong bata pa sya. Wala pa nga yatang 30 eh. Ang akala ko, matandang hukluban na ang Headmaster sa Academy na ito kaya nagulat talaga ako nang makaharap ito. "Welcome to Hellion Academy, New Students.. And welcome back, Old students.." Aniya. "Well, wala na naman siguro akong sasabihin sa lahat ng narito kundi, goodluck.. Makayanan nyo sanang lagpasan ang hamon ng Academy sa darating na mga araw. Inaasahan kong hindi agad kayo susuko at gagawin ang lahat para matapos ang buong taong ito sa abot ng inyong makakaya.. Just do your best at enjoyin lang ang buong taon.. Again, Welcome sa inyong lahat.." Bahagya syang nag-bow at tumalikod na sa amin. May ilan pang nagsalita para ipakilala ang mga Department Head ng bawat college na hindi na pinansin ng ibang estudyante. Kaming mga new students nalang yata ang nakikinig eh.. Pero tumahimik uli sila nang tumayo ang dalawa sa labing limang tao na nakaupo sa stage. Pumwesto sila sa gitna ng stage at may hawak na mic. "Now, let's start our simple but exciting activity for this year's Opening Ceremony.." Masiglang sabi ng babaeng naka-black sexy dress. Sa white mask nito, may naka-drawing na black knight. Mukhang nabuhayan na ng loob ang mga nandito dahil ito na ang pinakahihintay nila. "Lahat ng new students, pwede ba kayong tumayo.." Sabi naman nung lalaking nakaputing suit at sa black mask nito, may naka-drawing na white knight. At dahil isa ako sa mga new students, tumayo ako. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid at halo-halo ang emosyong nararamdaman ng mga kawa ko new students. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harap. "I see, mukhang marami pala kayo masyado.." Sambit ni Ateng Black Knight. Well, hindi ko sila kilala kaya babase nalang ako sa kung anong naka-drawing sa mask nila. "Anyway, kayong mga new students ang magiging main characters ng activity na ito.." "So, all other students must participate in this activity.. Our main character will run as fast as they can at the count of 5.. We will give you 1minute para makalayo dito and after that time limit, other students will start chasing all of you.." Sabi ni Kuyang White Knight. Hala!! Hala!! Ipapahabol nila kami sa ganito karami?? Langya, first day na first day papagurin agad nila kami?? "Para naman sa mga other students here, kailangan nyo lang madala dito ang 1st badge ng mga new students sa kahit na anong paraan. Wala naman tayong rules dito so, diskarte nyo nalang kung paano nyo iyon makukuha sa kanila.." Paliwanag pa ni Kuyang White Knight. May lima kaming school badge na nakakabit sa lace ng identification card namin. Isa yun sa required na isuot dahil wala naman kaming uniform dito. Choice namin kung ano ang susuotin namin kapag papasok kami sa klase basta, lagi lang namin suot ang i.d at yung mga badge namin. Wala naman sinabi kung para saan ang mga badge na yun basta ang bilin eh ingatan lang yun at wag hahayaan na makuha ng iba dahil may malaking punishment na naghihintay. Tapos eto, maliban sa ipapahabol kami sa buong school eh ipapakuha pa ang 1st badge namin. Waaahhh!! Kapag nakuha nila yung akin, siguradong mapaparusahan ako.. "Sa makakakuha ng limang badge, mabibigyan kayo ng 5points sa final grade nyo this semester. Plus a chance to date one of us.." Dagdag ni Ateng Black Knight. "Anyway, para naman sa mga new students na makukuhanan ng 1st badge, alam nyo naman siguro ang mangyayari kapag nangyari yun di ba?? A serious punishment ang naghihintay.. Pero syempre, kung sakaling walang makakuha nyan sa loob ng isang oras, pwede naming ibigay ang kahit na anong prize na gustuhin nyo.." Woah, may prize naman pala.. Okey na din. "So, kung malinaw na ang lahat, pumunta na kayo sa exit." Bakas ang kaba sa mga kasama mo. Kahit naman ako, nakakaramdam din ng kaba pero sa totoo lang, mas nangingibabaw ang excitement. Ewan ko ba, hindi ko naman alam kung anong posibleng mangyari mamaya. Pero sobra-sobra naman ang excitement na nararamdaman ko.. Woohh!! "So, at the count of 5, tatakbo na kayo and make sure na makakalayo agad, okey??" Sabay-sabay kaming tumango. Huminga nalang ako malalim tsaka tumingin sa paligid. Kailangan kong mag-isip ng plano para hindi nila makuha ang badge ko. "1.. 2 3 4 5!!" At tumakbo na kami papunta sa iba't-ibang direksyon. Unang pumasok sa isip ko ang gubat. Walang mag-iisip na may posibleng magpunta dun lalo na at baguhan lang ako. So, tinahak ko ang daan papunta sa kabilang side ng school. Mas okey na siguro kung dun ako pu-pwesto pero hindi pa man ako nakakalayo nang maisipan ko ang isang bagay na siguradong magliligtas sa akin. Bumalik ako sa auditorium at nagtago sa gilid ng pintuan nito. Tingnan ko lang kung may makakuha ng badge ko. ********** Chess Pieces Dark King's Pov Maliban kay Heil, isa ang grupong Chess Pieces ang katulong nya sa pamamahala ng buong Academy. Ito ang nagsisilbi bilang student council na syang kinabibilangan ng mga top students ng buong school. At isa ako sa miyembro ng grupong iyon. McKenzie Henry Cohen, 21 years old. 3rd year, Class A ng Business Management at ang Dark King ng Chess Pieces. Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na ang Hellion Academy ay hindi ordinaryong eskwelahan. Malayong-malayo ito sa mga college schools at university na nasa mga isip nyo.. Dahil sa lugar na ito, namumuhay ng apat na taon ang mga buhay na demonyong posibleng magparanas sa inyo ng impyernong buhay. Well, hindi naman literal. Maihahambing lang ang lahat ng mga estudyante dito sa demonyo. Bakit?? Dahil ang mga itinuturo dito ay mga bagay na may kinalaman sa pagpatay. Paghawak ng baril, paggawa ng bomba, iba't-ibang klase ng martial arts na maaaring makapatay ng tao, tamang paghawak ng kutsilyo o espada at marami pang iba. May mga academics din naman tungkol sa course na pinili namin pero kaunti lang.. Mas mababad ang katawan at isip ng mga estudyante dito sa training at sports. Walang exemption.. Lahat ng nag-enroll dito, kailangang danasin ang hirap ng bawat training. Dahil sa lugar na ito, hindi nakakalabas ang mga taong mahina.. Namamatay ang lahat ng mahihina at natitira lamang ang mga malalakas tulad namin.. Nakadepende naman sa kung paani gagamitin ang mga itinuturo dito pero dahil sa impyernong dinadanas ng lahat ay ginagamit nila ito sa pagpatay. Iyon na ang masasabing libangan ng mga estudyanteng nag-aaral dito. Oo, pwedeng pumatay dito. Wala naman kasing rules ang school. Hindi na bago ang ganung pangyayari at normal na normal na para sa mga tao dito ang p*****n. Lahat ng nandito, matatawag na kriminal pero dahil masyadong maimpluwensya si Heil, lahat ng kaganapang nangyayari sa loob nito ay hindi nakakalabas. Kaya naman marami ang nalilinlang nito at taun-taon kung makatanggap ng mga bagong estudyante na nag-aakalang ang Hellion Academy ay isang paraiso para sa kanila.. Ang hindi nila alam, isa itong halimbawa ng imyerno sa ibabaw ng mundo. Isang lugar na ipinagbabawal ang mga anghel.. The only school that surely love by your demon side.. Welcome to the place of living demons.. Welcome to Hellion Academy.. . . . Welcome to Hell ********** Zaire Emerald Xermin's Pov Kanina pa ako nakaupo dito sa dulong part ng auditorium. Kanina pa nga ako nandito habang yung ibang estudyante, paisa-isa kung bumalik habang may hawak na mga badge. Yung mga old students, abot tenga ang ngiti habang yung mga new students naman na nakuhanan ng badge eh bakas na bakas ang kaba at takot. Napabuntong hininga nalang ako tsaka bumalik sa pwesto ko kanina. Wala na din naman akong magagawa kundi hintayin ang iba.. Hanggang sa makabalik na ang lahat ng mga estudyante. Napakunot noo nga ako dahil karamihan sa mga new students eh may sugat o kaya naman pasa.. Ano kayang nangyari sa kanila? Ibinalik ko na ang tingin ko sa stage kung saan naroon ang mga nakakuha ng tig-lilimang badge. "Kulang pa ng isang badge.." Sabi ni Ateng Black Knight matapos bilangin ang mga badge na hawak nya. Bumaling sya sa amin. "May hindi pa ba nakakabalik??" Tumingin naman kami sa paligid namin at wala namang bakanteng upuan so, meaning nakabalik na nga ang lahat. "Mukhang nakabalik na ang lahat. May isang new student lang ang hindi nakuhanan ng badge.." Sabi nung isa pa sa mga itim na lalaki. May itim na rook sya sa mask nya. Tumayo yung lalaking nakaitim na suit at may puting maskara kung saan may itim na King. Lumapit sya sa edge ng stage at diretsong nakatingin sa.. Eh?? Sa akin?? Bumaling ako sa tabi ko at sa likod ko baka sakaling sila ang tinitingnan pero nang muli kong ibalik ang tingin ko dun sa lalaking yun eh sa akin talaga sya nakatingin. Napakunot noo naman ako. Problema ng isang ito?? "Pwede ka bang lumapit dito??" He said nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Muli akong bumaling sa mga katabi at likod ko pero lahat sila nakatingin sa akin kaya itinuro ko ang sarili ko. Sabay-sabay pa silang tumayo at pinagtulakan ako patayo. Wala naman akong choice kundi ang lumapit dun at umakyat sa stage. "Ahm, bakit nyo ako pinalapit dito??" Mahina kong tanong. Nakakailang kasi, lahat ng estudyante dito sa auditorium, sa akin nakatingin. Nilapitan ako ni Dark King at tumayo sya sa harap ko. Mas lalo yata akong nailang dahil ang intense ng tingin nya sa akin. Parang hinahalukay nya buong pagkatao ko. Grabe lang.. Pero infairness, ang ganda ng mga mata nya.. Napaigtad ako ng hawiin nya ang buhok ko na naging dahilan kaya na-expose ang tenga ko. "What the hell?? Ginawa nyang hikaw yung badge??" Napahawak ako sa kanang tenga ko kung saan nakalagay yung badge ko.. Oo, dito ko inilagay ang first badge ko. Sinabi naman kasi nilang walang rules kaya imbes na magpakapagod ako sa pagtakbo eh inilagay ko nalang dito. Isa pa, para din kasi itong pin kaya pwede talagang gawing hikaw. Tapos ayun nga,, nagtago ako sa likod ng puntuan. Lumabas lang ako at muling pumasok ng auditorium ng makalabas na lahat ng estudyante. Dun lang ako sa likod pumwesto para hindi masyadong pansinin ng mga nasa stage. Kaya nga kilala ko na ang grupo nila eh. Habang naghihintay kasi ako, naisipan kong mag-research sa website ng school at ayun nga, lumabas ang ilang information tungkol sa kanila. Well, maliban nga lang sa mga itsura nila. Wala kasing picture. At ayun nga, nalaman ko kung anong tawag sa grupo nila. Sila ang tinatawag na Chess Pieces Officers o CPO na nagsisilbing student council ng school. Katulong ni Headmaster Heil sa pamamahala nitong Academy. Yung mga nakaputing damit, sila yung tinatawag na White Pieces habang Dark Pieces naman yung mga nakaitim. Kabilang sila sa mga top students ng school kaya naman pala ganun ang mga aura nila. Alanganin akong ngumiti sa kanila. "Ahm, diba sabi nyo naman, walang rules.. Eh ayokong mapagod kaya itinago ko nalang itong 1st badge ko at umiwas sa kanila. Wala naman akong nagawang mali di ba??" Umiling si Dark King. "Just like what you said, wala namang rules kaya wala kang ginawang mali.." Napangiti ako. "Thanks.." "So ikaw lang ang hindi nakuhanan ng badge, meaning may prize ka.." Masayang sabi ni Kuyang White Knight. Nilapitan nya ako at inakbayan. "Ang galing mo talaga, Zaire.." Kunot noo ko syang tiningnan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko??" Itinaas nya ang Id ko. "Zaire Miguel.." Sinimangutan ko sya.. Sa totoo lang, pamilyar kasi ang boses nya at kanina ko pa iniisip kung saan ko ba narinig ang boses nyang yun. Imposible namang makalimutan ko yun dahil may photographic memory nga ako di ba?? Pero sino nga kaya ito?? Balak ko sanang hawiin ang magulo nyang buhok na nakatabing sa mga mata nya pero lumayo agad sya sa akin. Sayang naman.. "Anyway, pumunta ka nalang sa Chess Pieces Headquarters after lunch.. Isipin mo muna kung anong prize ang gusto mo, okey??" Ginulo nya ang buhok ko tsaka bumalik dun sa mga nakakuha ng badge. "Guluhin daw ba ang buhok ko.." Mahina kong bulong. Napalingon uli ako kay Dark King na nakatayo pa din pala dito sa harap ko at nakatingin sa akin. "M-may dumi ba ako sa mukha??" Umiling sya tsaka inayos ang buhok ko. "Just take care." At tumalikod na ako. Ano?? Take care daw?? Saan naman ako dapat mag-ingat?? Nagkibit balikat nalang ako. Ang weird naman ng mga tao dito. Bumalik na ako sa upuan ko at binalingan ang katabi kong babae. "Excuse me.." Nilingon nya ako at bahagyang ngumiti. Inilahad ko ang kamay ko. "I'm Zaire Miguel.. Pwedeng makipag-friends??" Tinanggap naman nya nag kamay ko at nakipag-shake hands. "Sure.. Emerlyn Quinx.." "Wala kasi akong kakilala dito kahit isa. Tapos nag-aalangan pa akong makipag-usap sa ibang new students. Baka kasi supladahan lang nila ako.." sabi ko tsaka naupo ng maayos pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang ilang pasa nya sa braso dahil sleeveless ang suot nyang damit. "Tamang-tama, pwede kang sumama sa akin mamaya. May dalawa pa akong kaibigan. Yun nga lang, Second year na sila.." aya nya sa akin. "Talaga?? Pwede akong sumama??" Nakangiti syang tumango. "Mas okey kasi kung marami tayo.." "Sige, sige.." Masaya kong sang-ayon. "Ano nga palang class at course mo??" "Class A, Business Management.." "Woah, pareho tayo.." hinawakan ko ang kamay nya. "Hulog ka ng langit para sa akin.. Sabay na tayo lagi huh.. Para naman hindi ako mapag-iwanan dito, please.." sinamahan ko pa ng pagpapa-cute. Natawa naman sya. "okey, okey.. Tama na ang pagpapa-cute mo.. Sabay tayo lagi.." "Yes.. May friend na din ako sa wakas.." Na-miss ko tuloy sina Frey at Shen. Kung bakit naman kasi hindi sila pinayagang mag-aral dito at wala dito yung subject na talagang interest nila.. Ayan tuloy, nakahanap ako ng bagong friend.. Iinggitin ko nga sila pag-uwi ko dun.. Wahahahha.. After ng ilan pang paalala ng CPO, pinaalis na din nila agad kami at pinapasok ng klase namin. At base sa schedule ko, dalawang major subject lang ang meron ako this morning habang mamaya ng after luch eh target shooting at physical test lang ang subject ko. Well, nalaman ko lang naman ang school na ito sa isang kaibigan ni Xeric. Maganda daw dito dahil maliban sa mga academic stuffs, may mga martial arts at sports ding itinuturo dito.. Unlike sa ibang school na puro academics habang extra curricular activity na ang mga martial arts or sports. Dito, talagang required pag-aralan at ipasa. Idagdag pa yung car and motor race subject.. Oo, may ganung subject dito. Itinuturo ang lahat ng style sa pagda-drive maging ang mga paraan para manalo sa isang race. Kahit nga ang tamang pag-aayos ng mga kotse at motor, sakop na din ng subject na ito. Kaya enganyong-enganyo akong mag-aral dito kahit malayo sa amin. Pero syempre, kailangan ko pa ding i-maintain na mataas ang mga grade ko. Baka kasi kapag may bagsak akong subject eh bigla nalang nila akong ipa-transfer sa ibang school na malapit kay Ate Zea. Mahigpit pa naman sila pagdating sa grade kaya kailangan kong mag-ingat. Lalo pa ngayong nag-eenjoy na ako dito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD