Hell 4.1

2788 Words
Zaire Emerald Xermin's Pov Lunch time na at naisipan namin ni Emerlyn na magluch sa isang fast food chain nalang kasama sina Zeke at Bryan. Mga kaibigan sila ni Emerlyn na mga 2nd year ng Engineering Department. Ang kukulit nga nilang magkakaibigan kaya pati ako, nagiging makulit din. Talagang nakakasundo ko sila at mukha namang magiging magkakasundo talaga kami ng matagal. "Target shooting ang next class nyo, di ba??" Tanong ni Bryan. Sabay kaming tumango ni Emerlyn. "Excited na nga ako eh.. Matagal ko na kasing pangarap ang makahawak ng baril.." Sabi ko. "Hahaha, halata ngang excited ka eh.." Natatawang sabi ni Zeke. "Kasi naman, lagi akong sinasama ng Daddy ko sa isang shooting range at dun ko sya napapanood gumamit ng baril.." Kwento ko. "Tsaka nakaka-amaze kasi kapag gumagamit ka nun.. Feeling mo, ang lakas-lakas mo.." "Yeah, ganyan din ang feeling ko nung unang beses akong tinuruan ng kuya ko.." Sabi ni Emerlyn. "Eh?? Marunong ka nang gumamit ng baril??" Tumango sya. "Almost a year na din.." "Wow.. Ang galing naman.." Grabe, si Daddy kasi ayaw akong turuan nun.. Masyado pa daw akong bata.. Buti nalang hindi nya alam ang tungkol sa subject na ito. Paniguradong ita-transfer ako nun kapag nalaman nya. Pero syempre, hindi ko naman sasabihin noh.. Haha, takot ko lang sa kanya. "Anyway, di ba pupunta ka pa sa Headquarters ng Chess Pieces??" Biglang tanong ni Zeke. "Hala, oo nga pala noh.." Tumingin ako sa relo ko at may 30 minutes pa naman ako. "Maya-maya pa naman.." "May naisip ka na bang prize na hihingin sa kanila??" Tanong ni Bryan. Umiling ako. "Hindi ko pa alam kung ano bang hihingin kong prize. Biglaan naman kasi.." "Eh kung humingi ka nalang ng date sa isa sa kanila.." Suggestion ni Emerlyn na mabilis kong inilingan. "Ayoko nga nun.. Hindi ko alam ang mga itsura nila noh.. Di ba naka-mask sila kanina.. Paano kaya kung panget sila??" "Gaga, wala namang panget sa mga estudyante ng Hellion noh.." Depensa agad nitong si Emerlyn. "Mga anak mayaman ang karamihan ng narito at isa ang good looks sa requirements para makapag-enroll dito.. Kaya kahit hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila, masasabi kong gwapo ang CPO Boys, right??" Bumaling pa sya kina Zeke at Bryan na mabilis namang tumango. "Tradisyon na kasi ng CPO na hindi agad ipakita ang mukha nila sa Opening Ceremony. Kaya siguradong magpapakilala din sila sayo ng maayos ng walang mask na nakatakip sa mga mukha nila.." paliwanag pa ni Bryan. "Well, i don't really care about that matter.." Pranka kong sabi. "Kasi kahit gaano sila ka-gwapo, hindi pa din ako makikipag-date sa kanila.." Pare-pareho silang napakunot-noo. "Bakit naman??" Tanong ni Zeke. "Masyadong strick ang mga kapatid ko. Hangga't maaari nga daw, umiwas ako sa mga lalaki.. Pero syempre, hindi kayo kasali dun kasi, mababait naman kayo sa akin.." sabi ko. "Isa pa, may gusto na akong iba at sobrang loyal ko sa kanya.." Tumangu-tango sila. "So, kung ayaw mo talaga silang maka-date, anong plano mong hingin??" Napaisip naman ako. Wala na naman kasi akong kakailanganin sa mga oras na ito eh. Isa pa, kung may gustuhin man ako, pwede ko namang bilhin dahil may sarili naman akong pera. Maliban nalang sa.. "Kahit ano ba ang pwedeng hingin sa kanila??" Alanganin kong tanong. Sabay-sabay silang tumango. Ngumiti ako. "Alam ko na ang hihingin ko at siguradong magagamit ko yun sa isang subject natin." Natapos din naman agad kami sa pagkain at nagpasya nang mahiwa-hiwalay. May klase pa sina Bryan at Zeke kaya diretso na sila sa Taurus Building. Si Emerlyn naman, tumambay muna sa field habang hinihintay ang next class namin. At ako naman, papunta na sa field na nasa harap ng Dorm Building.. Yung mansion kasi na nasa gitna nito ang sinasabing Headquarters ng Chess Pieces Officers. Kaya pala ganun nalang sila kahigpit sa part na yun ng Academy. Private property na kasi ng mga Top Students. Ipinark ko na ang kotse ko di kalayuan sa field at nagsimulang maglakad palapit sa Mansion. Pinagtitinginan pa nga ako ng ilang estudyanteng nagkalat sa paligid. Hindi ko nalang sila pinansin. Hanggang sa marating ko na ang main door ng mansion. Nag-door bell ako ng dalawang beses at ilang saglit lang, isang lalaki ang nagbukas ng pintuan. Ngumiti sya nang makita ako. "Hi, Ms. Miguel.." "Hello.." Tipid kong bati. Siguro isa sya sa member ng CPO. "Pasok ka.." Nilakihan nya ang pagkakaawang ng pintuan at pinapasok ako. Namangha pa ako pagpasok na pagpasok ko palang.. Mukha kasi talaga syang bahay pero para akong nasa isang malaking Chess board dahil sa sahig nito. Alternate ang black and white na tiles tapos white lang yung mga dingding habang puro itim naman ang mga gamit. Tama nga lang talagang Chess Pieces ang itawag sa kanila. "Anyway, I'm Tristan Lewis.." Pakilala nya nang makarating kami sa sala nitong mansion. "One of the Dark Knight ng Chess Pieces.." (Ryo Yoshizawa as Tristan Anthony Lewis) Tumangu-tango ako. "Nice meeting you.." "Maupo ka muna.. Tatawagin ko lang sila.." Sabi nya tsaka umakyat ng hagdanan. Naupo naman ako at inilibot ang tingin sa kabuuan ng living room. Walang masyadong naka-display na kung anu-ano dito maliban sa mga paintings na hindi ko naman maintindihan kung anong naka-drawing. Abstract yata ang isang ito. Pero wala naman akong mabuong image kahit na pinakatitigan ko pa. Tumayo ako at nilapitan ang isang painting na syang mas nakaagaw ng pansin ko. Isa itong portrait. Labing anim na tao. Pero nakakapagtaka na ilan lang sa kanila ang may mukha. Blanko kasi ang mukha ng siyam sa kanila. Limang lalaki at dalawang babae lang may naka-drawing na mukha. Bakit kaya?? "Mukhang nagustuhan mo yan huh." Napaigtad ako nang marinig ang boses na yun at mabilis na bumaling sa likod ko. Dun, bumungad sa akin ang isang lalaking nakasuot ng puting t-shirt at faded maong pants at.. At hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Waaahhh!! Sino ba itong lalaking ito?? Bakit bigla akong kinabahan?? Hindi yung kaba dahil natatakot ako sa kanya huh.. AhH, basta, mahirap ipaliwanag.. Ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa mga mata nya. Naka-mask pa din sya kaya naman nakita ko agad ng isang puting hari na naka-drawing sa left side nito. Ibig sabihin.. Ito ang White King ng Chess Pieces?? "Maupo ka muna.." Aniya. Dun ko napansin na pababa na pala ng hagdan ang iba pang Chess Pieces Officers. Wala na silang mask maliban nalang sa dalawang Hari. At masasabi kong tama si Emerlyn. Gwapo at magaganda nga sila. Kung wala siguro akong Xeric, baka naisipan ko ngang makipagdate sa isa sa kanila pero syempre, masyado akong loyal kay Xeric my labs ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Hunter. "Waaahhh!! Member ka din pala ng CPO.." Natawa sya tsaka tumango. "Yup.. Akala ko nakilala mo ako kanina.." Napakunot ang noo ko at naituro ko yung tattoo sa braso nya. "Ikaw din yung nanggulo ng buhok ko.." "Yeah, yeah.." Nilapitan nya ako at inakbayan. "Ipapakilala ko muna sayo ang lahat ng nandito." Aniya tsaka itinuro ang dalawang lalaki na syang naka-mask. "Sila ang Kings ng Chess Pieces.. Henry Cohen, sya ang Dark King at si Dominic naman ang Whte King.." Nag-bow ako sa kanilang dalawa pero hindi maalis ang tingin ko sa mga mata ni White King. Pamilyar kasi masyado o baka naman kahawig lang?? Ewan.. Basta alam ko, kilala ko ang mga matang yun.. Pero imposible naman kasi. Kung sya nga yun eh di sana sinabihan na nya agad ako. Naibaling ko ang tingin ko sa isang babae na nasa tabi nila. She's wearing knee lenght backless black dress. Mukha naman syang matangkad sa tulong na din siguro ng black high heels na suot nya. Maganda naman sya at maputi, yun nga lang, hindi ko trip ang make up nya.. Masyado syang gumagamit ng dark colors. Then violet pa yung lipstick nya. "She's Hillary Moore, our Dark Queen.." Sambit ni Hunter ng mapansin nya kung kanino ako nakatingin. "Ito namang kambal na nasa tabi nya ay sina Quincess Froust, one of the Dark Bishop and Princess Froust, one of the Dark Knight." (Horikita Maki as Hillary Yukina Moore) (Mao Inoue as Princess Aquil and Quincess Raquil Froust) Magkamukhang-magkamukha talaga silang dalawa. Wala nga yatang mapapansin na pagkakaiba sa kaya medyo nakakalito. Pareho pa silang naasuot ng black blouse at black pants with matching black wedge. "Kung nalilito ka sa aming dalawa, tingnan mo nalang lagi itong braso namin.." At ipinakita nila sa akin ang kanang braso nila kung saan may naka-tattoo ng kung anong piyesa sila sa chess. Tumangu-tango nalang ako. "Then, this lady.." Nilapitan ni Hunter yung babaeng mukhang inaantok pa dahil half closed pa ang mga mata. Medyo magulo pa ang buhok nya at humihikab-hikab pa sya. "This is Aerona Pierce, one of the White Bishop." (Yuriko Yoshitaka as Aerona Louise Pierce) Bahagya lang itong nag-wave ng kamay nya tsaka sumubsob sa sandalan ng sofa'ng inuupuan nya. "Pagpasensyahan mo na yan, antukin kasi masyado.." Natatawang sambit ng katabi ni Aerona. "Dylan Egawa, one of the Dark Rook." (Mahiro Takasugi as Dylan Ace Egawa) "I'm Blake Anderson, isa sa White Rook.." He took my hand at akmang hahalikan ang likod nito. (Renn Kiriyama as Blake Rey Anderson) Pero mabilis ko yung binawi at bahagyang umatras. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito. "Sorry, pero hindi pwedeng halikan ng sinuman ang anumang parte ng katawan ko. Strick kasi masyado ang Kuya ko.." Ngumiti lang si Blake at hinawi ang buhok nyang tumatakip sa mga mata nya. "It's okey, Missy.." Lalapit pa sana sya sa akin ng pigilan sya ng isang babae. "Know your place, Anderson.." Kinilabutan ako sa lamig ng boses nya na sinabayan pa ng mga mata nyang walang emosyong nakatingin kay Blake. Kahit si Blake, mukhang natakot at napalunok pa ng sarili nyang laway. At walang nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan nya Bumaling naman sa akin yung babaeng yun at unti-unti, nagka-emosyon ang mga mata nya at binigyan ako ng malapad na ngiti. Nilapitan nya ako at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hi, I'm Whendy McPerson. Isa pa sa White Rook.." (Yu Aoi as Whendy Mhay McPerson) "Eh?? AhH, nice to meet you.." "Kyaa!! Ang cute-cute mo naman.. Pwede ba tayong maging friends?? Huh?" "Ha?? AhH, oo naman.." nginitian ko sya. "Waaahhh!! May bago na akong kaibigan." At niyakap pa nya ako habang nagtatatalon sa tuwa. "Tama na yan, Whendy.." Awat ni Hunter at sapilitang inilayo si Whendy sa akin. "Tsaka mo na sya kulitin.." "Tss, ang kj mo talaga kahit kelan.. Hmp.." Inirapan nya si Hunter at muling naupo. (Kie Kitano as Shania Anne Meagan) (Goro Kurihara as Damel Kyo Klavan) "Anyway, ito naman sina Shania Meagan, isa pa sa White Knight at Damel Klavan, isa pang Dark Bishop namin.." Itinuro ni Hunter yung dalawa na parang may sariling mundo at walang kainte-interes na makilala ako. Binalingan nila ako at tinanguan pagkuwa'y ibinalik din agad ang tingin sa cellphone na hawak nila. "Then, this is Alexa Chu, isa pa sa Dark Rook." Binigyan nya ako ng masamang tingin pagkuwa'y inirapan. (Erika Toda as Alexa Mari Chu) Problema ng isang ito?? Hindi ko naman sya inaano huh.. "And lastly, Xavier Battimo, isa pa sa White Bishop.." Nginitian nya ako at kinawayan kaya naman nginitian ko din sya. (Yuki Yamada as Xaiver Bren Battimo) "Enough with this introduction.." Sambit ni Dark King at direstsong tumingin sa akin. "May naisip ka na bang hingin bilang prize mo??" Mabilis akong tumango. "What is it??" Dark Queen asked. "AhHm, kung pwede sana, dalawang klase ng Lamborghini Cars. Huracan LP610-4 at Gallardo LP570-4.." Diretso kong sabi. Wala ng hiya-hiya. Alam kong mahal ang mga kotseng ito pero sinabi naman nila na kahit ano ang pwede kong hingin, eh di samantalahin ang pagkakataon. Hindi naman kasi ako binibilhan ng kotse ni Daddy. Hangga't maaari nga daw, hindi nya ako pahahawakin ng manibela.. Pero dahil masyadong mabait si Mommy, heto may Veneno ako na iniregalo nya sa akin nang mag debut ako. Wala nang nagawa si Daddy kundi payagan ako basta yun lang daw ang kotse na ibibigay nila sa akin. Kaya nga mahal na mahal ko ang Veneno ko eh.. "Woah, mahilig ka sa sports cars??" amaze na sambit ni Dylan. Tumangu-tango ako. "Mahilig kasi akong manood ng mga car racings kaya naman nahilig na din ako sa mga kotse." "Nice, gusto ko ang taste mo sa kotse.." Nakangiting sambit ni Shania. "Maganda ba yun??" Tanong ni Quincess. "Oo naman noh.." Sabi ni Hunter. "Palibhasa wala kang alam sa mga kotse.. Karamihan sa mga ginagamit ng mga professional racers around the world eh ang Lamborghini Cars. Maganda kasi talaga ang featured nito lalo na ang makina kaya walang palya kapag ginamit sa race track." "Eh?? So mas maganda ang Lamborghini compare sa Ferrari??" Tanong naman ni Princess. "Hindi naman lahat ng race eh nababase sa ganda ng kotse.." sabi ko. "Nakadepende sa driver kung paano nya pagagandahin at palalakasin ang sarili nyang kotse.." "Coming from the owner of Lamborghini Veneno.." Nakangising sambit ni Hunter na ikinagulat ng iba. "Ikaw ang may-ari ng isa sa Veneno??" Hindi makapaniwalang tanong ni Whendy. Tumango ako. "Blue Lamborghini Veneno.." "Wow, limited edition ng Lamborghini Cars.." Manghang sabi ni Whendy tsaka bumaling kay White King. "Just like your car, White King.." Napatingin din ako kay White King. "Ikaw ang nakabili ng isa sa apat na Veneno??" Tumango ito.. "The black one.." "Wow.." Hindi ako makapaniwala na makakaharap ko ang isa pang may-ari ng pinakalimited na kotse sa buong mundo.. Apat lang kasi ang Veneno na ginawa ng Lamborghini Cars. Blue which is mine. Then yung black ay kay White King, according to them. Yung Red at Gray na wala akong ideya kung sino ang may-ari. "Ang dami nyo nang sinabi.." Napalingon kami kay Dark King na magkasalubong na ang kilay. "Sorry naman.. Na-excite lang kami masyado dahil bihira lang ang mga tulad nyang mahilig sa great level cars.." Kamot ulong paliwanag ni Dylan. "Let's just finish this.. Gusto ko nang humiga sa malambot kong kama.." Reklamo ni Aerona. "Yeah.." sambit ni Dark King tsaka bumaling sa akin. "Just wait until tomorrow morning.. We'll give that car to you as your prize.." Hindi ko napigilan ang ngiti ko sa narinig. "Really?? Thank you so much!!" Yes!! Magkakaroon na ako ng dalawa pang sasakyan na ayaw ibigay ni Dad sa akin.. Nakita kong napaiwas sya ng tingin sa akin na hindi ko na pinansin. Masyado akong masaya dahil sa sinabi nila sa akin. "You may go.." sambit ni White King. Tumayo na ako at nag-bow sa kanila. "Thank you talaga.." Binigyan ko pa sila matamis na ngiti tsaka lumabas ng mansion. "Gallardo and Huracan, here i come!!" ********** Hunter Paul Moretz's Pov (Chess Pieces White Knight) Nagkatinginan kaming lahat nang makalabas na ng mansion si Zaire. Seriously, iba talaga sa pakiramdam kapag kaharap namin ang babaeng yun. She has this presense na masyadong nakakaapekto sa amin. Kahit si Dark King, nag-iwas ng tingin nang dahil sa ngiti nito. Hindi sya yung tipo ng taong mapapaiwas mo ng tingin ng basta-basta kaya talagang nakakagulat ang mga nangyayari. "What in the hell was that??" sambit ni Dark King at tinanggal ang mask nya. "Nagawa nya akong mapaiwas ng tingin sa kanya dahil lang sa ngiti nyang yun??" "I also feel that, Dark King.." sabi ko. "Something is in her smile na masyadong masakit sa mata.." "She's a living angel.." Napalingon kaming lahat kay White King ng sabihin nya yun. "A living angel in Hellion Academy??" Hindi makapaniwalang sambit ni Hillary. "Paano nagawang makapasok ng anghel na yun dito??" "Mukhang hindi nya alam ang pamamalakad ng Academy.." sabi ko. "She's completely different from the others.. She has this pure aura na talagang nakakaapekto sa atin.." "Pero hindi basta-basta ang enrollment na ginagawa ng Hellion. Imposibleng wala syang alam kahit na kaunti sa pamamalakad ng school." Sambit ni Shania. "If i'm not mistaken, that girl had a permission to enroll in this school because she beat Aerona in car race.." ani Whendy. "What??" Bumaling kami kay Aerona na nakatingin na din pala sa amin. "Natalo ka nya??" Tanong ni Blake. Tumango ito. "Well, she's not that great pero halatang mabilis nyang ma-pick up ang strategies ng kalaban nya at yun mismo ang ikinatalo ko.." "And you gave her an approval to enroll??" Alexa asked. "Yeah.." Sagot pa nito. "I know that she's not like us.. Pero hindi ko naman akalain na anghel pala ang babaeng yun.." Naghikab pa sya tsaka tumayo. "Pabayaan nyo nalang sya.. Sooner or later, magiging demonyo din yan.. Kung hindi man, mamamatay din yan bago pa dumating ang Death Game.." at umakyat na sya. "She's right.." Sang-ayon ni Dark Queen. "Wag nalang nating hayaang mapalapit tayo sa anghel na yun.. Masyado syang masakit sa mata.." "Yeah, baka hindi pa ako makapagpigil at ako ang tumapos sa buhay nya.." inis na sabi ni Alexa. Isa-isa na din silang umakyat uli sa second floor hanggang sa maiwan kaming dalawa ni White King. "Sya ang babaeng yun, di ba??" Binalingan nya ako. "Ang pumigil sa mga babaeng papatay sana kay Emelia.." Tumango ako. Iyon ang dahilan kaya malaki ang posibilidad na maging target ng ilan si Zaire. Dahil hindi pa man sya estudyante ng Hellion, nakigulo na agad sya sa problema ng mga old students. "Matapos ang nangyari kanina, siguradong magsisimula na rin ang mga pagtatangka sa buhay nya.." "Hindi imposible yun lalo na't underling ni Hillary ang nakabangga nya.." Bumuntong hininga sya at sumandal. "Anong balita kay Emelia?? Nalaman mo na ba ang dahilan kung bakit pa sya bumalik dito kahit na graduate na sya??" "She's here for revenge.." Napakunot ang noo nya. "Revenge for what??" "Ang pagkamatay ni Calver. Pero maliban pa dun, nakakuha din ako ng impormasyon na bago pa man sya makauwi sa kanila, her whole family was brutally killed.." sabi ko. "At si Dark Queen ang mag gawa.." Tumangu-tango sya. "Now, anong plano ni Emelia sa pakikipaglapit kay Zaire??"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD