Hell 3.1

2866 Words
Zaire Emerald Xermin's Pov Wow!! Yan ang unang pumasok sa isip ko pagdating ko palang sa tapat ng malaking gate ng Hellion Academy. Nasa dulong part na ito ng Shiganshina City kaya may kalayuan talaga ang byahe mula sa bahay namin. Pero worth it naman kung ganito kaganda ang bubungad sa akin. Ito pa lang ang first time na nakarating ako dito dahil sa ibang lugar sila nagdaos ng enrollment kaya naman talagang amaze na amaze ako sa mga nakikita ko. Sa sobrang laki nga nito, posible pa akong maligaw dahil sa dami ng kalsada. At itong ide-describe ko tungkol sa school eh base lang sa mapang ibinigay sa akin kasama ng student handbook ko. Sa pagpasok ko palang ng malaking itim na gate, bubungad na agad ang isang fountain kung saan sa ibabaw nito ay may statue ng logo ng Hellion Academy. Isa itong Chess board na may White Queen at Dark King na magka-ekis. Sa magkabilang gilid nito ay ang pagkalaki-laking parking space para yata sa mga posibleng bumisita dito. Sa harap nito ay ang Main Building na tinatawag na Gemini Building. Nandito ang lahat ng office ng kung anu-anong department. Kahit ang Headmaster's Office, teacher's faculty, department's office, mga club office and such. Sa likod ng Gemini ay isang malawak na soccer field. Pwedeng tambayan dahil may mga puno din sa gilid nito at mga bench. Sa magkabilang side nito ay ang mga Academics Building. Sa Left side ay ang Taurus Building. Nasa likod nito ang Cancer Building. Sa right side naman ay ang Aries Building habang nasa likod nito ang Pieces Building. Nasa likod nitong mga Academics Building ang Gymnasium na nasa right side habang ang Auditorium ng nasa left side. Advance pa tayo ng kaunti kung saan makikita natin ang isang isang building na tinatawag namang Heil. Walang naka-indicate sa kung para saan ito at off limits sa mga new students pero sinasabing nasa loob daw nito ang history ng buong Academy. Mapapasok lang daw ito kapag nasa 2nd year na kami.. Nasa magkabilang gilid naman nitong Heil ang dalawang storage room ng hindi ko alam kung ano. Tsaka ko na aalamin yan kapag naglibot-libot na ako. Sa likod naman nitong storange room eh ang ilan pang mga sports court tulad ng sa Tennis, Volleyball, Track and field at kung anu-ano pa.. Nandito din yung olympic size swimming pool ng school. Hindi din nabanggit kung para saan ba ang Libra at Leo Building na nasa likod ng Heil habang ang building na pinagigitnaan nito na tinatawag na Virgo ay ang Library. Well, hindi talaga sya building dahil mas tamang sabihing isa syang tower. Ito nga ang pinakamataas sa lahat dito eh.. Pero ang talagang nagpa-excite sa akin dito ay ang pagkalaki-laking Race Track Stadium. Isa ito sa dahilan kaya dito ko piniling pumasok. Mahilig kasi ako sa mga car race na madalas daw maganap dito.. Syempre, dahil nga once a month lang pwedeng lumabas, nag-provide na din ang school ng dalawang naglalakihang mall na kumpleto sa lahat ng outlet.. From High class restaurant hanggang fast food chain. Mga bilihan ng kung anu-anong brand ng damit, sapatos, at mga kaek-ekan sa katawan. May cinema, arcade at rooftop Bar. May ibinigay ang school na isang gold card na tanging gagamitin namin para sa lahat ng gagastusin namin dito sa loob ng school. Para syang credit card at automatic na yung didiretso sa mismong account namin kaya nababayaran agad. Ang alam ko din kasi, karamihan sa mga estudyante dito eh talaga namang galing sa mayayamang pamilya. May ilang mga scholars pero iilan lang talaga. Sa likod naman nitong Stadium Race Track ay isa pang malaking field na may.. Eh?? Mansion?? Tama. Mansion nga yun.. Pero para saan naman kaya yun?? Basta, ang sabi dito, iilang estudyante lang ang may privilage na makapasok sa mansiong yun kaya hindi pwedeng basta nalang pumunta ang walang imbitasyon ng kung sinumang nagmamay-ari dun. Eh?? May ganun pala.. Aish, tsaka ko na nga lang aalamin yun. Parking lot na ang nasa magkabilang gilid nitong field na nasa mismong harap na ng mga dorm building. May apat kasing dorm building. At pare-pareho ng taas. 30 floor to be exact at may rooftop pa. Capricorn ang nasa pinakadulo ng left side. Sumunod ang Saguitarius. Katabi nito ang Scorpio at ang nasa dulo sa right side ay ang Aquarius. Sa Capricorn Building anu unit ko at hindi ko pa alam kung saan ang mismong unit ko. Nang mai-park ko na ng maayos ang kotse ko, bumaba na agad ako at inilabas ang mga maleta ko. Mabuti nalang at may nakahandang baggage cart dito na syang pinaglagayan ko nito para isang tulakan nalang sa mga gamit ko. Sinigurado kong naka-lock ang kotse ko tsaka ako pumasok sa loob ng Capricorn Building at lumapit sa front desk nito. "Good afternoon, Ma'am.. May i know your name??" Nakangiting bati sabi ni Ate Patricia.. Well, hindi ko sya kilala. Nabasa ko lang yung nakalagay sa name plate nya. "Zaire Miguel po.." Yeah, Miguel ang surname na gamit ko para hindi ako masyadong pagkaguluhan. Mahirap na, baka maging instant celebrity pa. Hinanap nya yung pangalan ko dun sa list na nasa harap nya. Nang makita nya, may kung ano syang kinuha sa ilalim ng desk nya at ipinatong ito sa harap ko. Isa lang yung medyo maliit na box at sa ibabaw nito nakalagay ang key card "30B po yung unit nyo, sa 30th floor.. Yung nasa left side nyo paglabas ng elevator.. Nasa loob naman po nitong box na ito ang ilan sa kailangan nyo sa pagpasok nyo sa mga klase nyo.." Tumango ako at kinuha ang mga yun. "Okey po, salamat.." Naglakad na ako papuntang elevator habang tulak-tulak ang baggage cart na naglalaman ng tatlong malalaking maleta. Eksaktong pagtapak ko sa harap nito eh sya ding pagbukas nito. Hinintay ko munang lumabas ang mga sakay nito tsaka ako pumasok at pinindot ang 30th button. Namangha ako ng magsimulang umandar paakyat ang elevator dahil transparent pala ang dingding nito kaya naman kitang-kita mula dito ang malawak na gubat na nasa pinakalikod nitong Academy. Kung hindi ko nabanggit sa inyo, nasa gitna ng gubat itong school kaya naman napapalibutan ito ng matataas na puno. Ewan ko ba sa utak ng nagpatayo ng school na ito.. Baliw siguro yun.. Haha, pero ayos lang yan. Maganda naman kasi eh. Pagdating ko sa 30th floor, lumapit agad ako sa pintuan ng unit ko. Hindi naman kasi ako nahirapang hanapin dahil dalawa lang ang pintuan na meron dito. Napakunot noo ako ng makitang may keypad sa itaas na part ng door knob. Kailangan pa yata ng password kaya tiningnan ko agad ang key card ko. Buti nalang, hindi na ako nahirapan dahil may nakalagay na. Napangiti ako ng makita ang password. Ang galing kasi, nagmatch sa mga favorite letter and numbers ko. Inenter ko na ito at isinwipe ang key card tsaka ko pinihit ang door knob. Namangha lalo ako dahil automatic na bumukas ang ilaw pagpasok ko palang ng pintuan. Pero ang mas ikinamangha ko eh ang itsura ng buong unit. Waaahh!! Ano ba itong chapter na ito?? Description lang ng school at ng unit ko?? Huhuhu, katamad na kaya mag-describe pero para sa inyo, sige, gagawin ko. Pagpasok dito sa pintuan, sasalubong ang recieving area na may itim na sofa at isang maliit na center table. May maliit na cabinet din dito na lagayan naman ng mga tsinelas at sapatos. Pagpasok sa sliding door, bubungad ang bar area na puno ng mga mamahaling wine at brandy. May malaking aquarium din dito na syang nagsisilbing devider nito at ng living area. May isang mahabang sofa at dalawang single sofa. May centre table din na medyo mababa at nalalatagan ito ng itim na carpet. Kumpleto na sa entertainment appliances. From 55 inches flat screen tv, dvd player, ps4, at dalawang may kalakihang speaker. Pwede nang masabing mini cinema kapag nanood ako ng movie dito.. Sa right side ng living area ay ang dining kasama ang kitchen. Kumpleto na din sa appliances. Tanging mga kitchen wares nalang at food stocks ang bibilhin ko. Pero dahil hindi ako marunong magluto, baka yung mga instant food nalang ang bilhin ko. Haha, tsaka ko na pag-aaralan yun. Sa gitna ng living area at dining area, may isang hindi kahabaang hallway na may apat na pintuan. Binuksan ko muna ang unang pintuan sa kaliwa at isa itong common bathroom. Siguro kung sakaling may magiging bisita ako. Yung katabi naman nitong pintuan ay mini library. May mga libro na din at may study table. Ang isa pang pintuan na nasa kanan ay isang empty room. Para itong dance studio dahil na rin sa puro salamin ang dingding. At ang pang-apat na pintuan na nasa gitna ay kwarto ko. May queen size bed ito na nasa tabi ng full length glass window na may sliding door papunta sa balcony. Sa harap nito, may nakasabit na isa pang 55 inches flat screen tv. Sa gilid naman nito ay ang isang tokador. May dalawang single sofa din dito at isa pang maliit na centre table habang ang sahig naman eh may gray carpet. Sa left side, may dalawa pang pintuan. Yung isa, walk in closet habang ang isa naman ay ang cr. Mas malaki ito kung ikukumpara sa cr sa labas dahil may bath tub ito na kasya yata ang tatlong tao. Pero ang pinakanagustuhan ko dito, yung kulay ng buong unit. Black lahat ang mga gamit maging ang tiles na sahig maliban lang sa common bathroom at kitchen na kulay puti. Habang ang mga dingding ay puti din. Wala nang masyadong design na talagang pasok sa taste ko. Sabi ko nga, hindi ako maarteng tao.. Plain lang madalas ang gusto ko. Para tuloy akong nasa condominium nito.. Haist, siguradong may kinalaman si Daddy kung bakit ganito kalaki ang unit ko at kung bakit kumpleto na lahat sa furnitures. Pero hayaan na nga, maganda naman kaya hindi na ako magre-reklamo eh. _________ Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kanina matapos kong libutin ang buong unit. Kaya naman pagkagising na pagkagising ko, inayos ko na agad ang mga gamit ko sa closet tsaka ako muling lumabas. Mamimili lang kasi ako ng ilang kitchen wares at mga instant food na pang-stock ko. Additional na rin siguro ang ilang ingredients sa pagbe-bake baka sakaling sipagin ako o mapagtripan kong kumain ng cakes. Medyo ginabi na nga ako dahil na rin sa paglilibot ko sa mall. Buti nga, hindi pa ganun karami ang estudyanteng nandito kaya napabilis ang pamimili ko. At heto na nga ako ngayon, nasa isang Fast food chain dahil inabot na din ako ng gutom. Nakapwesto ako dito sa bandang dulo para hindi masyadong pansinin. Enjoy na enjoy ako sa pagkain ng fries at sundae ko nang may biglang lumapit sa akin at naupo sa katapat na upuan ko. Bahagyang kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Hmm, hindi naman kita kilala di ba??" "Yeah, ngayon lang tayo nagkaharap but I'm sure that I know you.." Sabi nito ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "You're one of those new students. Freshman, right??" Tumango ako. Gwapo sya sa gwapo pero para sa akin, mas gwapo pa din talaga si Xeric. Masyado kasi akong loyal sa kanya eh. Medyo naiilang lang ako dahil talagang pinakatitigan nya ako. Na para bang may kung ano syang puzzle na pilit sino-solve sa mukha ko "Hindi ko expect na mas maganda ka pala sa malapitan.." Aniya. "Sabi kasi ng iba dyan, mukha ka daw mangkukulam.." Napasimangot ako. "Grabe naman sila.. Sa dami ng pwedeng ikumpara sa mukhang ito eh talagang sa mangkukulam pa?? Ang ganda-ganda ko kaya.." Tss, baka sila ang mukhang mangkukulan dyan eh. "Yeah, maganda ka nga na mas maikukumpara sa isang anghel na hinulog-- i mean, nahulog mula sa langit." At tinawanan pa nga nya ako. Okey na sana eh.. Ako?? Hinulog ng langit?? Asa naman sila.. Hindi nalang ako nag-comment pa dun. "Anyway, may balak ka naman sigurong magpakilala noh??" "Oh, sorry.. My bad." Inilahad nya ang kamay nya. "Hunter Paul Moretz, 3rd year, Class B ng Business Management.." Tinanggap ko naman ang kamay nya at nag-shake hands kami. "Zaire Miguel, 1st year, Class A ng Business Mangement.." Binitiwan ko na agad ang kamay nya. "Too impressive para sa isang baguhan na mapunta agad sa Class A." Mangha nyang sabi. "Mukhang magaling ka nga.." "Hindi naman masyado.." Ni hindi ko nga alam kung saan ba nila ibinabase ang class namin eh. Tumayo na sya. "Well, nilapitan lang kita para magpakilala at magbigay ng warning. Sigurado naman kasing magiging target ka matapos ng ginawa mo nitong nakaraan.." Kumunot ang noo ako. "Alin ba dun sa mga ginawa ko??" "The last one.." Aniya. Tumangu-tango ako nang maalala ang sinasabi nya. "Okey, thanks." Ngitinian ko pa sya ng pagkatamis. Umiwas sya ng tingin sa akin na para bang bigla syang nailang or something. "A-ahH, sige, aalis na ako.. Nice meeting you nalang.." Hindi na nya ako hinintay pang makasagot at umalis na sya agad. Ni hindi na nga ako tiningnan uli. Nagkibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi ko na problema ang problema nya.. Yung sinasabi nya kanina na ginawa ko last time eh tsaka ko nalang sasabihin. Malalaman nyo din naman sa mga susunod na araw eh. Matapos kong kumain, bumalik na agad ako sa unit ko at sinimulang ayusin ang mga pinamili ko. Masyado din palang marami kaya naman natagalan pa ako sa pag-aayos at ramdam na ramdam ko ang pagod pagkatapos kong mag-ayos. Hindi na ako naligo dahil baka mapasma pa ako. Naghilamos nalang ako ng mukha at nagtooth brush tsaka nagpalit ng pantulog. Antok na antok na din ako eh.. Naglakad na ako palapit sa kama at ibinagsak nalang ang katawan ko dito. Haist, First day ng klase bukas pero mas maagang kailangang pumasok dahil may magaganap pang opening ceremony. Sana lang, maging maganda ang pag-stay ko sa school na ito.. ********** Someone's Pov (Same person ng "someone pov" na nasa Hell 2) Dahil masyado na akong nababagot sa Fiendish, naisipan kong dito naman sa Arch-Fēnd tumambay. Isa itong Race Track Facility na itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo kaya talagang dinadayo ng karamihan. Mga Professional o amateur racers. At maliban sa Fiendish Bar, isa din ito sa madalas tambayan ng mga gangster o Mafias.. May ilang mga kriminal din ang dito pinipiling magtago dahil takot ang mga otoridad na pumasok dito. At walang sinumang nasa gobyerno ang nagtatangkang makialam sa pagpapatakbo ng buong lugar. Walang nakakaalam kung bakit pero masasabing isa din ito sa lungga ng mga demonyo. Tulad ng nakagawian ko, nakapwesto ako dito sa hindi masyadong pansinin habang nanoood ng isang simpleng race sa pagitan ng isang Professional Racers at isang estudyante. Kararating ko lang din naman at hindi ko na naumpisahan ang laban nila so, hindi ko din kilala kung sinu-sino ang naglalaban. Pero bilib ako sa kung sino mang estudyanteng yun. Makipag-race ba sa isang pro. "Oh Hell!! Ang galing talaga nya!!" Napalingon ako sa isang grupo ng mga babaeng nagtitilian di kalayuan sa pwesto ko. Para silang mga kiti-kiti kung kumilos habang chini-cheer ang isa sa mga racers. "Kyaaaa!!" "Nakaka-amaze talaga yung White Zenvo!!" "Magaling na racers eh.." "Oopps, hindi lang magaling sa race, sobrang gwapo pa nya!! Kyaaaa!! Ang sarap-sarap nya siguro!!" "Kyaaaa!! Go, Zenvo!!" Shit!! Ang lakas ng sigaw nila.. Nakakarindi. Sino bang demonyo ang pinagkakaguluhan ng mga loka-lokang ito?? Ibinalik ko ang tingin ko sa race track at itinuon ang tingin sa White Zenvo ST1 na kanina pa din nakaagaw ng pansin ko. Maliban kasi sa ito ang nangunguna sa Race, naa-amaze din ako sa pagdi-drift nya. Masyadong smooth at talagang pang-pro ang level. Nasa last lap na ang mga ito at ang Zenvo pa din ang nangunguna. Malayo naman ang agwat ng iba pang kotse sa dito at kung titingnan ang mga bilis nila, imposible nang makahabol sila dito. Hanggang sa makalampas na nga sila sa finish line. Nagsigawan lalo itong mga babaeng di kalayuan sa akin at tumakbo papunta dun sa race track habang ako nanatili lang dito sa kinatatayuan ko. Gusto ko lang malaman kung sino yung nakasakay sa Zenvo. Baka sakaling kapag sinipag ako eh sya ang hamunin ko sa labanan. Isa-isa nang huminto ang mga sasakyan at naglabasan na ang mga driver. Dun ko nakilala ang ilan sa kanila na talaga namang mga batikan talaga pagdating sa car race.. Pero talagang nakatuon ang buong atensyon ko sa Zenvo. Lalo na ng bumukas ang pintuan sa driver seat nito at unti-unti itong lumabas sa kotse. "s**t!!" Napalayo ako sa pwesto ko dahil sa malamig na bagay na biglang dumikit sa batok ko. Bumaling ako dun at nakita ko ang isa sa miyembro ng grupo ko. "G*go ka talaga kahit kailan!!" Hawak-hawak ko pa din ang batok ko. Walang hiya talaga!! At talagang nagagawa nya akong pagtawanan. "Hahaha, ang epic talaga ng mga reaksyon nyo kapag napagti-tripan ko kayo.." At naglupasay sya sa kakatawa. Sa inis ko, kinuha ko ang baril ko at pinagbabaril sya. Wala akong pakialam kung mapatay ko ang hayop na ito!! Tang *ina!! Ako pang napagtripan nya!! "Oy!! Oy!! Wag namang ganyan!!" Sigaw nya habang iniiwasan ang mga bala ng baril ko. "Tang *ina!! Tama na!! Sorry na!!" "G*go!!" Ibinato ko pa ang baril ko sa kanya na nagawa nyang saluhin. "Masyado ka na naman kasing seryoso kaya hindi mo naramdaman ang paglapit ko sayo." Aniya tsaka lumapit sa akin at ibinalik ang baril ko. "Ano na naman bang iniisip mo??" Inirapan ko sya tsaka muling bumaling sa race track kung saan paalis na ang mga tao doon. Kainis, hindi ko tuloy nakita ang mukha nung may-ari ng Zenvo. Ibinalik ko ang tingin ko sa sira ulong lalaking ito sa tabi ko at sinikmuraan sya. "Aaaaccckk!!" Daing nya. Napaluhod sya habang sapo ang sikmura. "Bwiset ka talaga!!" Sigaw ko tsaka naglakad palayo sa kanya. Aaarrrggg!! Sana lang matyempuhan ko yun sa susunod..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD