Habibi 17 - B*tchier B*tch

1028 Words
"Mga b*tches sila! Oh my God! I thought that they're really nice kasi maayos naman ang pinapakita nila sa akin. Hindi ko akalaing gano'n pala ang tingin nila sa akin.. I'm a what-- a gold-digger, a witch. Such a b*tch! Gggrr! I hate them!" Nanggigigil na wika ni Madam. Pinalakasan nito ang aircon sa loob ng sasakyan at uminom ng bottled water para kumalma. "Calm down, Aurora! Calm down! Breath in... Breath out..." si Madam na mismo ang kumalma ng kanyang sarili. "M-madam.. b-baka gusto niyo umuwi na lang tayo.. ipagluluto ko nalang kay--" "Thank you, habibti. I'm okay now!" Huminga ulit ito ng malalim at uminom ulit ng tubig. Nang kumalma na ay saka nito pinaandar ang sasakyan. "Makikita nila kung sino ang mas b*tch sa aming tatlo. B*tch pala ha! We'll change route. Mas gusto kong uminom." Hindi na ako kumontra kung saan man gustong pumunta ni Madam.. at kung ano ang gusto nitong kainin o inumin. Nakakatakot ang biglang pagtahimik nito habang nagmamaneho. Bigla-bigla ay naging poker face si Madam. Tama nga ang sabi ni Ate Doray na iba magalit si Madam. Kung ibang tao lang 'yon, baka sumugod at nagwala na. Si Madam, galit nga pero parang hindi all-out parang.. parang may binabalik na masama. 'Ano ba 'yan, kung ano-anu na ang pumasok utak ko tuloy. Baka gano'n lang talaga si Madam magalit, hindi nagwawala.' Ang fine-dining na plano ni Madam ay hindi natuloy. Bagkus ay dumaan na lamang kami sa isang high-end first class club para lamang uminom ng alak si Madam. Um-order din siya ng alak sa akin pero 'yong chocolate flavor at 'yong mababa lamang ang alcohol content, ayaw din daw kasi ako nitong malasing. Hindi naman kami nagtagal doon dahil dalawang baso lang ang ininom ni Madam. Gusto lamang daw niyang uminom para makalimutan ang nakita at narinig niya ngayon-ngayon lang. Pagkatapos noon ay saka kami kumain sa isang bukas pa na restaurant atsaka umuwi na. 'Kakaiba din ang trip ni Madam, uminom muna saka kumain.' Pagdating namin sa villa ay binitbit ko na ang mga paper bags na pinamili namin ni Madam. "Geraldine, ilagay mo muna sa inyong kwarto ang pinamili ko sa'yo at 'yong sa akin dalhin mo muna sa library office. Maghanda ka na din ng dalawang chamomile tea." Sinunod ko ang inutos ni Madam, pumasok muna ako sa aming kwarto para iwan ang damit na binili sa akin ni Madam. "---ay! D-dumating na pala kayo!" "Gising pa pala kayo, Manang Tessie." Nakita kong sinara nito ang kanyang maleta at ni-lock pagkatapos ay umupo na sa kama ni Ate Doray. "Ah.. O-oo.. k-kausap ko kasi ang aking anak. K-kakatapos lang namin. Inumaga k-kayo ni Madam Aurora?" tanong nito sa akin. "Oo, sige labas po muna ako dahil dadalhan ko pa siya ng tea." "Sige, mauna na akong matulog ha. Pakipatay na lang ng ilaw, salamat." Humiga na ito kaya pinatay ko na ang ilaw at lumabas para dalhan ng tea si Madam. Naghanda na ako ng dalawang tea atsaka pumasok sa library office. Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. Pumasok ako at nilapag ang tea sa center table kaharap ni Madam na nakaupo sa mahabang sofa at ang isa naman ay sa katapat nito kahit hindi ko alam kung para kanino 'yon. "Tea niyo po, Madam. Aalis na po, medyo inaantok na po kasi ako," akma na akong tatalikod ng pigilan ako nito. "Sit, Geraldine. Para talaga sa'yo 'yang isang tea." "Ha? P-para sa akin po pala 'yan. Ay naku, Madam, hindi ako umiinom ng tea. Mas sanay po ako sa kape---" "Sige na. It's good for your health. Marami 'yang benefits and it lowers stress..." aya ni Madam. Tingin ko ay hindi din papayag si Madam na hindi ito masunod kaya para wala nang diskusyon ay umupo na lamang ako sa kaharap nitong sofa. 'Ano na naman kaya ang gusto nitong mangyari. Siguro gusto lang nitong may makasama dahil sa nangyari kanina. Baka gusto niyang maglabas ng hinanaing niya at sama ng loob sa sinabi ng mapapangasawa ni Sir Karim.' "You know what, I'm really pissed off today. Pasensiya ka na kanina kung hindi tuloy kita nadala sa isang fine dining restaurant kagaya ng sinabi ko. We have some unforeseen discovery today--anyways, I'm still thankful dahil at least hindi pa naikakasal ang b*tch na 'yon sa anak ko." Kinuha nito ang tasa ng tea. Hinipan at uminom ng kaunti lamang saka binalik ulit sa saucer. "So good.." 'Ang drama ni Madam. Kelan pa kaya mauubos ang tsaa niya para makatulog na rin ako.' Reklamo ko sa aking isipan. "Hindi ko palalagpasin ang ginawa nila sa amin. I would make sure that they would pay. This is all my fault dahil pumayag ako sa gusto ni Papa na si Hala ang piliin whereas mas gusto sana ang isang pinsan ni Karim pero tutol naman si Walid." Nanginginig ang kamay ni Madam habang hawak ang tasa nito. "Ah.. m-matutuloy pa rin po ba ang engagement nila Madam?" "Yes!" Saka tumawa ng nakakaloko si Madam. 'Parang sira si Madam. Akala ko ba gusto niyang pagbayarin 'yong Hala, bakit pa niya itutuloy ang engagement kay Sir Karim?' "You're single, right?" biglang tanong ni Madam sa akin. Tumango naman ako. "Hindi ka pa nagka-boyfriend kahit kailan 'di ba?" "Hindi pa po." "Bakit ka nag-abroad?" "Actually po, Madam, ang gusto ko sanang apply-an ay papuntang Hongkong or Singapore, kaso.. mahal ang placement fee tapos nandito din ang bestfriend ko kaya dito na lang ako nag-apply." "Sobrang hirap ba ng buhay niyo sa Pinas?" tanong pa muli ni Madam. Bakit kaya bigla itong nagkainteres sa buhay ko? "Mahirap po.. pero hindi naman po sobrang hirap. Nakakakain naman po kami at nakakaraos po. Masisipag po ang Nanay at mga kapatid ko kaya kahit papa'no.. o-okay naman po ang buhay namin sa Pinas," paliwanag ko kay Madam. "I have a proposal to you... a good one. Kung papayag ka, hindi mo na kailangang magtrabaho ng ilang taon para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo." "Anong proposal po 'yon, Madam?" "Pakasalan mo si Karim!" "A-anooo...?!" parang nabingi ako sa sinabi ni Madam. "Matutuloy ang engagement at ikaw ang magiging fiancée ni Karim!" "Ha? Ako?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD