Matapos ang gabing narinig ko sina Madam at Sir Karim na nag-usap ay parang tanggap na ni Sir Karim ang kanyang kapalaran, o baka pakitang tao lang niya 'yon dahil wala namang may nakakaalam na plano nitong hiwalayan si Madam Hala maliban sa akin.
Malapit na rin ang official engagement ng dalawa kaya busy sila sa preparation kung saan iyon gaganapin.
Ako na ang naglilinis sa villa ni Sir Karim tatlong beses sa isang linggo pero uwian pa rin ako dahil 'yon ang gusto ni Madam. Maaga akong ihahatid ni Shahed at bago mag-alas siyete ay nakabalik na ako ng villa. Hindi naman kami nagkikita ni Sir Karim dahil lagi itong wala.
'Yong lolo naman nina Sir Karim ay inuwi na nina Madam sa villa. Maayos na ang kalagayan nito at nakakagalaw na din pero hindi pa rin ito pwedeng bigyan ng sama ng loob dahil baka hindi na ito makaligtas sa sunod na atake. May sarili itong caregiver dahil alam ni Madam na ayaw nito sa akin.
"Geraldine, gusto mo bang sumama? Kukunin ko lang ang pinagawa kong gown sa Dubai para sa engagement ni Karim." Aya ni Madam. Apat na araw na lang ang natitira at engagement na nina Sir Karim at Madam Hala.
Gusto ko sanang umayaw kay Madam dahil mas gusto kong magpahinga kasi halos araw-araw na lang kaming may pinupuntahan pag-uwi ko galing kina Sir Karim. Pero siyempre mas nakakahiya namang umayaw sa amo kaya tumango lang ako.
Habang nasa daan papuntang Dubai ay masayang kinukwento ni Madam ang kapilyahan at kapilyuhan nina Madam Yara at Sir Karim noong maliit pa sila.
Maya-maya ay ako naman ang tinanong nito, "May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa po, Madam." Nahihiya kong sagot.
"Aba'y bakit, sa ganda mong 'yan wala ka pang naging boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong ni Madam.
Umiling lang ako saka ngumiti. Hindi ko lang masabi na ayokong mag-boyfriend dahil takot akong matulad kay Nanay.
"Marami akong kakilalang single sa aming company. Mga manager at mababait pa," plano pa 'ata akong ireto ni Madam. May pagka-matchmaker pala 'to.
"Sanay na po akong mag-isa. Atsaka baka hindi pa po pinapanganak ang forever ko, Madam," biro ko kay Madam.
"Naku, sa araw ng engagement ni Karim, dapat ay magpaganda ka. Akong bahala sa susuotin mo at ang make-up mo ng makahanap ka ng boyfriend do'n. Magsisisi ka talaga kapag hindi ka nag-asawa. Ako nga muntik na din tumandang dalaga kung hindi lang tinanan ng Sir Walid mo. Ngayon ko narealize na mabuti na rin na nag-asawa ako. Iba ang pakiramdam kapag may sarili kang pamilya kesa sa single ka." Mahabang litanya ni Madam.
Ngumiti lang ako kay Madam. Pananaw niya 'yon pero ako, desidido na akong maging single.
"Sana nga po.." labas sa ilong kong sagot.
"We're here. Halika sa loob," yaya ni Madam ng makarating na kami sa lugar ng kilalang fashion designer na kilalang gumagawa ng mga gown sa mga artista, socialites, elite, celebrities, etc.
Expected ko na bibilhan din ako ni Madam pero hindi ko akalaing ang gaganda at ang mamahal ng pinili nito para sa akin. Nahiya nga akong tanggapin dahil nang makita ko ang resibo sa paper bag, pang-isang taong sahod ko na iyon kina Madam.
Napakaswerte ko talaga sa kanila kaya pag-iigihan ko talaga ang trabaho ko. Dito na rin siguro ako tatandang dalaga katulad ni Ate Doray.
"Pasensiya ka na kung lagi kitang sinasama ngayon, Geraldine. Wala kasi si Doray kaya sana pagtiyagaan mo na lang ako. Kaya din kita gustong makasama dahil magaan kasi ang loob ko sa'yo," ang wika ni Madam sakin kaya naman parang nawala lahat ng pagod na naramdaman ko kanina lang. Masarap sa pakiramdam na pinupuri ako ni Madam.
"Okay lang po, Madam! Thank you, thank you po, Madam!"
"Let's have dinner first bago tayo umuwi. We'll go to Atlantis, maraming fine dining restaurant doon," masayang wika ni Madam.
'Wow, fine dining restaurant. Sa mga pelikula ko lamang iyon nakikita pero ngayon ay mae-experience ko na din. Sulit naman talaga ang pagsama ko kay Madam ngayon.'
"Sh*t!" Muntik na akong masubsob sa harap nang biglang pumreno si Madam.
'Anak ng palaka, papatayin naman ako nito ni Madam. Wala man lang pasabi.'
Muntik na akong makapagmura mabuti at napigilan ko pa ang aking sarili. Bakit ka bigla na lamang itong tumigil sa daan? Parang ang luwag naman ng kalsada at walang gaanong sasakyan dahil parang malayo naman 'to sa Burj Khalifa, iyon lang ang alam kong landmark dito.
Huminga muna ng malalim si Madam at bumalik sa normal ang pag-drive nito. Pansin kong parang bumagsik ang mukha nito. Akala ko didiretso na kami pero biglang nag-u-turn si Madam pabalik kung saan kami nanggaling kanina. Naghanap ito ng maayos na lugar kung saan kami pwedeng mag-park at pinatay na ang sasakyan. Inabot nito ang isang paper bag na nasa likuran ng kanyang upuan.
"Thank God I'm always bringing this." Kinuha nito ang laman ng paper bag at ibinigay sa akin ang isa, "wear this. Huwag kang maingay and 'wag kang magsalita hangga't hindi ko sinasabi, I want to confirm something."
Kinuha ko na lamang ang binigay ni Madam at sinuot.
'Bakit kaya nag-abaya kami ni Madam? Akala ko ba kakain kami, kakain tapos magsusuot ng abaya? Hay, gusto ko nang magreklamo pero baka mapauwi pa ako ng wala sa oras kaya bahala na nga. Ang init-init tapos ito ang suot namin sa labas. Hmp!'
****************
Third Person POV
"Enough, Mohamed, someone might see us here.." parang nangangamba na nagpalinga-linga ang babae sa paligid matapos ang halikan nila ng lalaki.
"Relax, habibti. Why are so afraid? Your fiancé is in Abu Dhabi. He will not come here in Dubai and check what you are doing. Habibti, you said he don't like you. So?" mukhang galit naman ang lalaki sa inasal ng babae.
"Yes, but I don't know why.. I feel.. I feel like something is not right.."
"You're the one who call me and want to meet me. Then now why are you afraid?" galit na tumayo na ang lalaki. Kaagad namang sumunod ang babae at ito naman ang humalik dito.
"Because I thought that you will bring me in your room."
"F*ck! You know that I don't have money now. My business is gone, my money is gone. I cannot bring you home because I'm transferring to a small place." Galit na sigaw nito. Parang walang pakialam kung may makarinig sa kanila sa lugar na iyon.
"Calm down, Mohamed! Don't shout here! Shhh.. listen to me, habibi, that's why I'm marrying Karim. He's very rich, he's family is rich. Good thing that he's grandfather and my grandfather are good friends and they have an agreement before that their children or grandchildren should get married. We're still lucky," bumalik na ulit sila sa bench at umupo paharap sa dagat. Magkayakap at panay ang halikan, walang pakialam sa kanilang paligid.
"What if you fall inlove with him?"
Hindi kaagad nakasagot ang babae. Nag-isip muna ito bago sumagot.
"I will not. I will just stay for how many years until I got his money.. like one or two year then I will divorce him. I love you more than him, Mohamed. There's no other guy that will pleasure me like you do, that's why I will still go back to you. Once I get his money, you can start again another company," hinaplos na naman ng babae ang malaking braso ng lalaki.
"What about your mom?"
"My mom likes you to be my husband. She doesn't like the mom of Karim. Actually, I don't like her also.. same with the sister of Karim. They're not pure Lebanese like us. Their mom is a gold-digger, she knows some witchcraft that's why Uncle Walid fall for her. Of course, she's Pilipini... they are witches," sabay na tumawa ng malakas ang dalawa.
Natigil lamang sila sa pagtawa ng may tumawag sa lalaki. Sinagot ng lalaki ang tawag at nag-excuse muna. Naiwan naman ang babaeng nakaupo pa rin sa bench.
"Dont worry, baby, this is only temporary. We will go back to your Baba once we have money, tamam?" nakangiting wika ng babae habang hawak ang tiyan.
"Habibi, let's go. Tayb, we will go to my room!" Kinawayan ng lalaki ang babae na sumakay na sa kanilang sasakyan. Abot tenga naman ang ngiti ng babae ng marinig ang sinabi ng lalaki.
Pagkaalis ng dalawa ay may dalawa ding nilalang ang umalis sa lugar na iyon.