Habibi 18 -Espresso

1349 Words
"A-ako, M-madam..?!" "I will offer you one million dirhams just to marry Karim. You will be his wife for six months only.. and after that you will divorce him and you can go back to Philippines. Gusto ko lang ipamukha sa pamilya nina Hala na kung kaya nila kaming lokohin, puwes kaya ko rin silang lokohin!" Walang kakurap-kurap na sabi ni Madam sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Ganito lang ba 'yon sa mayayaman. Na kahit ang pagpapakasal ay kaya nilang bayaran. "B-bakit hindi na lamang po 'yong girlfriend ni Sir Karim ang kausapin ninyo, Madam?" unti-unti ay may galit na umuusbong sa aking dibdib. Ramdam kong nanginginig na ang aking kamay. "For what? Hindi ko gusto ang babaeng 'yon. And, hindi ko gustong ipakasal si Karim sa isang Filipina dahil may isa pa akong babae na gustong maging asawa niya." Seryoso nitong sabi. "K-kung ayaw niyo po sa.. F-filipina, b-bakit po ninyo ako inaalok na pakasalan si Sir Karim?" "Dahil alam kung mas mapagkakatiwalaan kita. Alam kung kapag sinabi ko sa'yo na hanggang anim na buwan lamang ang kasal ninyo ni Karim, iyon ang susundin mo. Kapag ang babaeng dinala ni Karim ang kakausapin ko, hindi niya iyon gagawin dahil nagmamahalan sila ni Karim." Lumunok muna ako bago tiningnan ng masama si Madam. "Hindi ko rin po tinatanggap ang inaalok ninyo na pakasalan si Sir Karim. Hindi po ako bayaran at lalong hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal. Excuse po, Madam, lalabas na po ako." Hindi ko na inantay pang sumagot si Madam at lumabas na ako ng library office. Nanginginig ang aking katawan ng pumasok sa aming kwarto ni Ate Doray. Alam ko namang ayaw ni Madam ng Filipina para kay Sir Karim pero ang kinakagalit ko ay ayaw naman pala niya ng Filipina, bakit ako pa ang gusto niyang pumayag na magpakasal kay Sir Karim? Dahil kayang-kaya niya akong utusan dahil babayaran niya ako? Ang tingin ba sa akin ni Madam ay isang bayarang babae para pumayag sa gusto nito? Puwes, ayokong maging kasangkapan ninuman kaya kung paaalisin niya ako dahil hindi ko siya sinunod, tatanggapin ko iyon kahit masama ang loob ko. Ewan ko ba kay Madam kung bakit sa dinami-dami naman ng puwede niyang bayaran, ako pa talaga ang inalok niya na pakasalan ang anak nito. Ayoko nga dahil galit ako sa mga lalaki. Ayoko dahil galit ako manloloko at parang panloloko din iyon kay Sir Karim. 'Ayoko dahil may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nagkakalapit kami ni Sir Karim. Ayoko dahil takot ako--- takot sa aking sarili!' ****** Kahit na mag-uumaga na akong natulog ay maaga pa rin akong nagising dahil nasanay na rin siguro ang aking katawan na gumising ng maaga. Pagtingin ko sa kabilang kama ay tulog pa din si Manang Tessie kaya lumabas na ako para magkape at makapagluto na din. Hindi na ako nag-abala pang magbihis ng aking pantulog dahil alam ko namang tulog pa ang mga tao. Mamayang tanghali pa sila magigising lalo na si Madam, mas huli iyong natulog dahil iniwanan ko iyon kagabi sa library office. Habang nag-iinit ng tubig ay bigla na lamang bumukas ang pinto sa likod kaya tiningnan ko kung sino ang pumasok. "Good morning, Geraldine! It's nice seeing you again!" Nakangiting bati sa akin ni Sir Saif. "G-good m-morning, Sir.." nauutal kong bati. Hindi ako makatingin dito ng tuwid dahil wala itong suot sa itaas at tanging pang-ibaba nito ang may takip. Mamasa-masa pa ang buong katawan dahil galing 'ata ito sa pool. 'Ang aga namang naligo nito ngayon?' "You're making a coffee?" tanong nito habang nakatayo pa din sa may pintuan. Sana ay umakyat na ito dahil nahahalayan na ako sa katawan nito. "Yes, Sir!" "Can you also make for me?" tanong na naman ulit nito. Gusto ko sanang umayaw kaso baka isumbong ako kay Madam kaya tumango na lamang ako. "Do you know how to make espresso?" Tumango ulit ako. "I want one espresso and please bring in my room." Utos nito at dinaanan lang ako papunta sa taas. 'Sana pala hindi na muna ako pumunta dito para magkape, nautusan pa tuloy ako ni Sir Saif na dalhan siya espresso. Kapag ito talaga si Sir Saif may ginawa mamaya kaya pinahid nito ang tinimpla ko, magbabayad talaga siya sa akin. Pagdating sa harap ng kwarto ni Sir Saif ay kumatok ako para kunin nito ang hinatid kong espresso pero naka-tatlong katok na ako ay wala pa ring sagot mula sa loob kaya kusa ko nang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. 'Papasok na lamang ako dahil baka naliligo lang 'yon kaya hindi narinig ang katok ko. Ilalapag ko na nalang ang espresso sa loob at lalabas na lamang. Bahala na siya kapag hindi niya nakita.' Gano'n nga ang ginawa ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sir Saif at nilapag ang tass ng espresso sa may side table. Nakita kong may inihanda na itong damit sa kanyang kama kaya baka may pupuntahan itong importante kaya siguro maaga itong nagising at naligo. "Lalabas na nga ako. Babalik na pala ako sa aming kwarto at magbibihis. Ipaghahanda ko na lang si Sir Saif para makakain muna ito bago umalis." Lumabas na ako sa kwarto ni Sir Saif at dahan-dahang sinara ang pinto. "Morning!" Natulos ako sa aking kinatatayuan. Biglang nagtayuan ang balahibo sa aking katawan ng marinig ang boses na bumati sa akin. Unti-unti akong lumingon. 'Bakit narito 'to?' Parang daga akong nasukol sa pagkakatingin nito. "Alam ba ni Mama na natutulog sa kwarto ni Saif ang kanyang bagong khadama..." madilim na wika nito. "A-ahh.. eh.. naghatid---" "No need to explain but Saif should know that this is not his villa. He's here for lolo and not to flirt with you." Mabilis itong naglakad pero lumingon ulit. "Next time, make sure na hindi gulo-gulo ang buhok mo at hindi nakabukas ang butones ng pantulog mo para hindi ka mahuling nakikipagharutan sa kung sino-sinong lalaki." Tinalikuran na ako ni Sir Karim pero hinablot ko ito sa braso. "Aba't--- for your information, Sir, hindi ako nakikipagharutan sa kung sino-sinong lalaki lang. Kung magulo man ang buhok ko iyon ay dahil kulot talaga ang buhok ko at, oo, kakagising ko lang at kasalanan ko rin dahil hindi ko muna inayos ang buhok ko bago naghatid ng kape sa kwarto ni Sir Saif. Naghatid lamang ako ng kape sa loob. Hindi ako kaladkaring babae para pumatol sa mga kamag-anak ng amo ko!" Nanggigil na wika ko dito. Hindi ako makapapayag na basta na lamang akong husgahan ng maling paratang. Malinis akong babae kaya wala itong karapatan na sabihan akong malandi at maharot. "Tell it to marines, habibti.. walang maniniwala sa'yo. Look at yourself sa salamin," tinuro nito ang malaking salamin sa hallway. Tiningnan ko naman ang aking sarili. "Susmaryusep!" Nabitawan ko ang braso ni Sir Karim at kaagad na sinara ang butones ng aking pantulog. Tatlong butones pala ang hindi ko naikabit at ngayon ay kitang-kita ang aking cleavage. Liban doon ay wala din akong suot na bra kaya banaag din ang u***g ko sa suot kong pantulog. Sa sobrang taranta ko ay hindi ko magawang maisara ng maayos ang aking butones. "Anak naman ng palak--" "Let me.." Walang kahirap-hirap na sinara ni Sir Karim ang butones ng aking pantulog. "S-salama--" Nagulat na lamang ako ng biglang sinakop ng labi ni Sir Karim ang isa kong dibdib. Kahit na natatakpan ng tela ang aking balat ay halos manginig ang buo kong kalamnan sa kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng aking pagkatao. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Bigla ay nahimasmasan ako at umakyat lahat ng dugo sa aking ulo. Malakas ko itong tinulak at sinampal. "Acting innocent, huh! Anyways, thanks for the slap. Now, we're even. Don't worry hindi kita papatulan dahil hindi ako pumapatol sa mga khadama. I have a taste and you're not one of them." Nakangising iniwanan ako ni Sir Karim sa hallway. Napaluha na lamang sa trato sa akin ni Sir Karim. "Bastos! Walanghiya! Makakaganti din ako sa'yo!" Sigaw ko dito. Wala akong pakialam kung marinig ako Ng ibang tao SA loob ng villa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD