Habibi 8 - Sir Saif

1639 Words
Tama nga ang sinabi ni Ate Doray na masama ang ugali ng matanda. Sa ilang araw na magkasama kami sa bahay ay naka-tambay lamang iyon sa kanyang kwarto at sa pool area buong umaga. Pagdating ng tanghali ay tatawag na kay Shahed at gagala kung saang mall kasama si Sir Saif. Noong minsan ay nagmagandang-loob ako na nagtanong kung gusto niyang kumain ng Lebanese na pagkain at paghahandaan ko siya pero sinigawan ako. "You're Filipini, you don't know the real taste of our food. Don't think that you could cook our food!" Nasaktan ako sa sinabi ng matanda sa akin kaya itinatak ko sa aking isip na huwag itong lalapitan ulit hangga't hindi ako tatawagin. Nakakagigil talaga ang matanda pero pinigilan ko na lamang ang aking sarili na huwag itong patulan tutal ay nasabihan na ako ni Ate Doray na masama nga ang ugali nito. Hindi talaga siguro nito tanggap ang relasyon nina Madam at Sir Walid pero napipilitan lamang ito dahil kamukha niya sina Sir Karim at Madam Yara. Buti na lang at kamukha dahil kung hindi malamang baka hindi niya tinanggap na apo niya ang mga ito. Isa pa sa kamag-anak ni Sir Walid na ayaw ko ay si Sir Saif. Pansin ko na panay ang papansin nito sa akin kahit hindi ko naman ito pinapansin. Iniiwasan ko na nga ito dahil kapag lumalapit ito ay sumisigaw ang matanda. Mabuti na lamang at sobrang laki ng villa kaya napagtataguan ko ito sa tuwing hinahanap ako kapag tulog ang matanda. "Hi!" "Ay palaka!" Napasigaw ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko. Nabitawan ko tuloy ang kutsarang hinuhugasan ko. Mabuti at kutsara ang hawak ko at hindi baso, kung baso ay baka nabasag na 'yon. Nainis tuloy ako. "Ops... Sorr--" "Sorry your face! Can't you see I'm washing the dishes!" Gigil na sabi ko. Sa high blood ko ay hindi ko mapigilang tumaas ang aking boses. Wala akong pakialam kung pamangkin siya ni Sir Walid. Alam ko naman kasi ang pakay nito kung bakit naririto sa tabi ko. "I'm sorry! I didn't meant to scare you. I noticed that you keep on staying away from me. You know.. I want to know you more.. I want to make friends with you." Hindi pa rin natinag si Sir Saif sa pagtataray ko. Tiningnan ko ito ng masama. Tinaasan ko lamang ito ng kilay atsaka pinagpatuloy ang aking panghuhugas. "Sir Saif, if you want to make friends with me, it's fine--" sa gilid ng aking mata ay nakita ko itong napangiti, "if... if only we're on the same level, and same nationality. But, I'm just a housemaid here.. and I know my place. Housemaids are not allowed to make friends with their employer and employer's families and friends." Pagdidiin ko pa. Sa gilid ng mata ko ay napalunok ito. Akala siguro ay masisilo niya ako sa gandang lalaking taglay nito. Kahit na gwapo si Sir Saif at blue eyes pa, hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niyang pagpapansin sa akin. Hitsura at pormahan pa lang, playboy na playboy na ang datingan. Naaalala ko na naman tuloy si Tatay. "And who said that it's not allowed. There's no such law like that. I.. I like you that's why I want to know you more." Deklara nito. Itinigil ko ang paghuhugas. Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin nito sa akin. "I want to be frank with you, Sir. I don't like you. I come here to work and nothing else. So please, don't talk to me anymore if it's not about work!" Baka mahuli pa tayo ng lolo mo sabihin no'n nilalandi pa kita. Gusto ko sanang idagdag. "Tch! Tch! Don't say like that. I'm serious when I said I like you!" Biglang hinawakan ni Sir Saif ang kamay na hindi ko nagustuhan. Sa galit ko ay naitutok ko ang tinidor na hinuhugasan ko sa kanya. "Don't touch me! Don't you dare!" "Tch! Okay! Okay! I'm sorry.. but please accept my friendship. I think there's nothing wrong if we become friends." Ang kulit talaga ng lalaking 'to. Friend niya mukha niya. "Sir Saif, as I've said before-- I don't want to be friend with ----" "Fine, I'll let you go for now. Remember this-- I like you and I will pursue you!" . . . "Saif..." "Saif.." "Saif---" Napatda ako ng biglang pumasok sa kitchen area sina Ate Doray at Sir Karim. Parehong napatingin ang dalawa sa kamay ni Sir Saif na nakahawak din sa kamay ko. "A-aaah.. ano--" tarantang wika ko. Nagkandautal-utal na ako kung paano ipapaliwanag ang nakita nila. "Saif, aljadu yabhath eanka." "Saif, grandpa is looking for you," matalim ang tinging pinupukol ni Sir Karim sa akin bago ito lumabas ng kitchen area. Baliwalang binitawan naman ni Sir Saif ang kamay ko at sumunod kay Sir Karim palabas ng kitchen area. Nakatingin pa rin ako nilabasan nila ng magsalita si Ate Doray. "Hoy! Natulala ka na naman diyan! Ikaw ha, sinabihan na kita na huwag mong papatulan 'yang si Sir Saif, paglalaruan ka lang niyan. Magaling talaga 'yan mambola." "Hindi ko siya type, Ate Doray!" Mabilis na sabat ko. "Ha?! Eh, bakit hinawakan niya ang kamay mo? Atsaka parang ang intimate ng posisyon niyo kanina pagpasok namin ni Sir Karim kasi nakatingala ka sa kanya at nakayuko naman siya.. a-ang akala ko nga talaga naghahalikan kayo kasi likod lang ni Sir Saif ang una naming nakita." Hayop talaga ang lalaking 'yan. Humanda talaga siya sa akin kapag nilapitan pa niya ulit ako. Hindi ako papayag na iba ang isipin ng mga tao sa amin dahil sa pinaggagawa niya. Naikuyom ko na lamang ang aking kamay. Ay teka, nasaan na pala ang tinidor na hawak ko kanina? Hinanap ng tingin ko ang tinidor at nakita ko iyong nakalapag na sa sink. "Mali ang iniisip mo, Ate Doray." "Ha?" "Nandito 'yang bastos na lalaking 'yan dahil gusto niyang makipagkaibigan sa akin. Gusto niya daw ako at wala siyang pakialam kung katulong lang ako dito." "Sinasabi ko na nga ba... talagang gusto ka ni Sir Saif eh. Makulit pa naman 'yan. May ginawa ba siya sa'yo at isusumbong ko 'yan kay Madam," biglang nanggigil si Ate Doray sa narinig. Naupo ito sa isang high chair at nagtimpla ng kape. "Kinukulit nga ako kanina na gusto niya ako kaya binara ko. Akala ko ay titigil na siya, 'yon pala hinawakan ang kamay ko kaya tinutukan ko siya ng tinidor. Hindi niyo siguro napansin o 'di kaya ay tinanggal din mismo ni Sir Saif sa kamay ko ang tinidor kasi nawala na iyon sa aking kamay at nasa sink na," mahabang kwento ko habang ipinagpatuloy ang paghuhugas. "Ha! Ginawa mo 'yon?! Tinutukan mo ng tinidor si Sir Saif?! Gege, 'wag mo nang gagawin 'yan sa susunod ha. Naku, kapag ikaw ang nireklamo niyan sa pulis, baka sa kulungan ang bagsak mo tapos deport kaagad. Mahirap pa naman kalaban ang mga Arabic dito dahil sila-sila lang ang nagkakaintindihan. Kaya ka nilang baliktarin kung gusto nila." "Bakit naman ako makukulong? Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko dahil minamanyak niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko!" Depensa ko. "Sabagay, pwede mo ring sabihin na hinawakan ka niya which is bawal din dito. Ah.. basta iwasan mo na lang si Sir Saif. Kapag may ginawa pa siya ulit sa'yo, isumbong mo kay Madam ng si Madam mismo na ang bahala sa kanya." "Ah, basta kapag ginawa niya ulit sa akin 'yon, sasaksakin ko talaga siya kahit ipa-deport pa nila ako ng Pinas. Ayoko pa naman na minamanyak ng lalaki." Gigil na wika ko. "Okay! Okay! Ako na lamang ang magsasabi kay Madam para hindi ka na lapitan ni Sir Saif. Ayoko na namang mapa-uwi ka ng Pinas ng wala sa oras dahil magbabakasyon pa ako." Napapalatak na sabi ni Ate Doray. Nang matapos itong magkape ay nagsalita na naman iyo. "Siya nga pala bukas huwag ka nang magluto dahil bukas ng gabi plano nina Madam na parang.. parang ipakilala sa isa't isa sina Sir Karim at Madam Hala bilang mag-fiance. Kapag naging smooth ang usapan bukas. Ang kasunod no'n ay ang official announcement ng kanilang engagement." "Akala ko sa linggo pa 'yon, huwebes pa lang bukas ah.. ba't nag-iba ng date?" takang tanong ko. "Si Sir Karim ang nagpa-reschedule ng maaga dahil may importanting meeting siya sa South Africa sa Monday. Kapag linggo gagawin ang pagkikita nila ni Madam Hala, alanganin 'yon. Baka hindi sumipot si Sir Karim lkasi ihahanda pa no'n ang mga files and documents na dadalhin niya sa South Africa." "Ah.. kaya pala." "Hoy, Gege, ipapaalala ko sa'yo ha. Bukas ako ang pipili ng damit na isusuot mo. Ako na din ang mag-aayos sa'yo. Kailangang presentable tayong dalawa dahil sa Emirates Palace tayo pupunta. Hindi pwede ang usual na suot mo dahil baka hindi ka papasukin doon." Biglang paalala ni Ate Doray sa akin. "Eh, ba't kasi kasama pa ako. Pwede namang maiwan ako dito. Matutuloy naman siguro ang dinner date niyo bukas kahit wala ako." "Hoy, Gege, si Madam ang may gusto na lahat tayo ay pumunta. Atsaka chance mo nang gumala at makapasok sa totoong palasyo. Hindi mo ba alam na lahat na nakikita mo do'n ay gold. Pati pagkain gold." Pambubuyo pa ni Ate Doray sa akin. "Talaga?" "Oo. Yong ibang nagtatrabaho dito sa UAE, tumanda na nga dito pero hindi pa nakapasok sa Emirates Palace tapos ikaw ayaw pa. At least kapag umuwi ka sa Pinas, marami kang ikukwento sa pamilya mo sa mga lugar na napuntahan mo." "Okay sige, payag na ako." "Yan. Basta ha, bukas ako ang mag-aayos sa'yo." "Oo na. Alam ko namang hindi mo ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag eh." "Buti alam mo. Malay mo may mabighani kang sheikh doon, eh 'di instant princess ka na ng Abu Dhabi kaagad." Natatawang wika ni Ate Doray. "Ano ang sheikh, Ate Doray?" "Hari o prinsipe!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD