Totoo nga ang sinabi ni Ate Doray na darating ang lolo nina Sir Karim. Lahat kami ay kasamang sumundo sa matanda sa airport. Paglabas nito sa arrival area ay kaagad itong namataan nina Sir Karim at Madam Yara kaya dali-daling yumakap ang dalawa. May kasama itong isang binata na tingin ko ay kamag-anak din nila Sir Walid dahil niyakap at hinalikan niya ang pamilya ni Madam.
Habang nakatayo kami ni Ate Doray malapit sa kanila ay napansin kong hindi masyadong nakikipagkamustahan si Madam sa matanda. Yumakap lang ito at humalik at kinausap ang binatang kasama ng matanda. Mas magiliw pa nga siya do'n sa binata kesa sa matanda.
"Auntie, who is she?" bulong na tanong nito kay Madam. Kahit na bulong iyon ay narinig pa rin namin ni Ate Doray dahil mas malapit sila sa aming gawi.
Napatingin naman sa amin si Madam, "Our new housemaid."
"Hi!" Kumaway ito sa akin kaya napalingon silang lahat sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.
"Saif, taeal huna!"
"Saif, come here!"
Biglang nagsalita ang matanda kaya lumapit dito ang binata. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis ito.
"Oy, mukhang type ka ni Sir Saif," siniko ako ni Ate Doray.
"Nag-'hi' lang type na kaagad. Ito talaga si Ate Doray. Behave tayo at mukhang strikto ang kanilang lolo," mahinang bulong ko dito ng mapansing masama ang tingin ng matanda sa akin. Napansin ko din ang pag-irap nito na bahagyang ikinagulat ko. Mukhang iba ang ugali ng matandang 'to.
Kaagad naman kaming nilapitan ni Madam.
"Kunin niyo na ang mga luggage nila, Doray. Mauna na kayo sa parking area at susunod na din kami."
Kaagad kaming tumalima ni Ate Doray. Paglapit namin sa luggage ng matanda ay inunahan na ako ni Ate Doray.
"Ako na ang bahala sa luggage ni Baba. 'Yong kay Sir Saif na lang ang kunin mo dahil mukhang mainit ang dugo ng matanda sa'yo," pasimpleng bulong ni Ate Doray kaya lumapit ako do'n sa binatang kasama ng matanda na Saif daw ang pangalan.
Akmang kakausapin na naman ako ng binata ng tinawag na naman ito ng matanda.
"Saif!"
Kita kong pinandilatan na naman ito ng matanda kaya hindi na ito sumunod sa amin ni Ate Doray. Bago tumalikod ay nakita ko pang matiim na nakatingin sa akin si Sir Karim. Hindi ko alam pero sumikdo na naman ang aking dibdib--
"Hoy! Ba't nawala ka na naman sa sarili mo. Halika na at mauna na tayo sa sasakyan. Doon daw tayo sasakay kay Sir Karim sabi ni Madam."
"B-bakit sa sasakyan tayo ni Sir Karim sasakay?" kabadong tanong ko.
"Alam mo kasi, Geraldine.. ang haba naman ng Geraldine. Gege na nga lang. Alam mo, Gege, ayaw ni Madam ng gulo kasi alam na niyang parang type ka ni Sir Saif at ayaw no'n ni Baba kaya kay Sir Karim niya tayo pinasabay. 'Yang si Baba kasi, masama talaga ang ugali niyan. I mean, okay ang pakikisama niya-- kapag mga tauhan or staff o normal na kakilala lamang niya. Pero ayaw na ayaw niya na may pamilya siyang naging jowa o asawa na ibang lahi lalo na kapag alam niyang mahirap. Ang gusto niyan, kapareho niyang lahi o 'di ka super yaman para maging parte ng pamilya nila. Nakalusot lang 'yan si Madam dahil pinaglaban talaga siya ni Sir Walid at... naging kamukha nina Sir Karim at Madam Yara si Baba."
"Ah..."
"Kaya pansin mo, masama ang tingin niya sa'yo kanina ng nagpapapansin si Sir Saif sa'yo. Kilala niya kasi ang apo niyang 'yon. Saksakan din ng playboy 'yon, parang si Sir Karim din." Dagdag na sabi nito habang papunta kami sa parking area.
"B-baka naman friendly lang talaga 'yong Saif na 'yon..."
"Anong friendly. Masama din ang ugali no'n. Mas malala 'yon kay Sir Karim dahil walang pinipiling babae 'yon. Basta type niya, papatulan niya talaga at basta na lamang iiwan. Kumbaga tikim lang, kaya malas lang ng mga babaeng pumatol diyan."
"Eh anong kaibahan niya kasy Sir Karim, pareho lang pala silang playboy?"
"Si Sir Karim, hindi napatol sa kung sino-sino lang. May class at magaganda na matatalino ang pinipili niyan. At kahit papa'no naman, tumatagal naman ang mga babaeng nakakarelasyon niya hindi katulad kay Sir Saif na iba-iba ang babaeng dinadala sa villa buwan-buwan."
Pagdating sa parking area ay tinulungan kami ni Shahed na ilagay sa sasakyan ang luggage na dala namin. Ilang minuto lang kaming nag-antay at dumating na din naman sina Madam. At tulad nga ng sinabi nito ay doon kami sumabay kay Sir Karim.
Habang nasa loob ng sasakyan ay nasa likuran ako umupo at tahimik na nakikinig lamang sa kanilang dalawa.
"Are you okay there?"
.
.
.
.
"Hoy, Gege! Tinatanong ka ni Sir!"
"Ha?!"
Tumingin kaagad ako sa rearview mirror ng marinig si Ate Doray.
"Sorry, Sir. A-ano po--- I mean what did you say, Sir?"
Mas lalong tumiim ang pagkakatingin nito sa akin sa salamin kaya napabaling ako sa labas ng bintana. Hindi ko kayang salubungin ang tingin ni Sir Karim, parang tinatambol na naman ang aking dibdib.
"By the way, is it your first time working abroad?" tanong nito at ibinalik na din ang tingin sa daan.
"Yes, Sir."
"Uhhmmm.. okay. By the way, next month.. Ate Doray will go for vacation and you will replace her in cleaning my villa. She will teach you everything you need to know. "
"Yes, Sir.. yes, Sir!"
Hindi na ulit ako tinanong ni Sir Karim kaya nakahinga ako ng maluwag. Ngayon pa lang parang natatakot na akong pumunta sa villa ni Sir Karim. Sa boses pa lang niya na habang tinatanong ako ay parang pinanginginigan na ako ng laman, paano pa kaya kapag sinigawan ako nito kapag namali ako sa villa nito.
'Relax, Gege!'
Basta susundin ko lang ang sasabihin sa akin ni Ate Doray para hindi ako mamali sa villa ni Sir Karim.
Nang makauwi sa villa ay mabilis pa sa alas kwatrong nagkwento na naman si Ate Doray habang nakahiga kaming dalawa sa aming mga kama.
"Andito na naman si Baba. Badtrip talaga ako sa matandang 'yan. Matanda na pero number one racist kaya 'yan. Kapag nandito 'yan, mas gusto ko pang tumambay sa villa ni Sir Karim."
"Nakita mo ba kanina ang ginawa sa akin, Ate Doray... inirapan ako kahit wala naman akong ginagawang masama. Gano'n pala ang matandang 'yon," sumbong ko kay Ate Doray.
"Oo, ganyan 'yan. Pinapakita niya talaga sa tao ang kanyang nararamdaman lalo na at napansin niya kaninang parang type ka ni Sir Saif kaya mas maganda na iwasan mo na lang siya habang narito sila. At isa pa nga pala, mahilig din 'yang manigaw. Ewan ko ba bakit ganyan sila, pwede namang magsalita ng mahinahon. Pansin mo si Sir Walid at Sir Karim kapag nagsalita. Akala mo laging galit sa kausap sa cellphone eh, sobrang lakas ng boses."
"P-pansin ko nga 'yon lalo na kay Sir Walid. Akala ko talaga galit siya sa kausap niya. Kaya minsan kapag mataas na ang boses niya, hindi na ako lumalapit pa dahil baka ako ang mapagbuntunan niya ng galit."
Tumawa naman ng malakas si Ate Doray sa sinabi ko.
"Paano pala kapag ikaw na ang maglilinis sa villa ni Sir Karim, baka manginig ka sa takot kapag narinig mong magalit 'yon. Baka sabihin mong mas mabait pa ang boses ni Sir Walid sa kanya."
"Totoo ba na magbabakasyon ka, Ate Doray? 'Yon ang sinabi ni Sir Karim kanina."
"Oo, sa susunod na buwan ay bakasyon ko na. Tapos ko na kasi ang aking two years contract at magre-renew na naman ulit. Ikaw kapag natapos mo din iyong two year contract kay Madam at gusto mong mag-renew, bibigyan ka nila ng vacation leave with pay kasama na ang ticket-- balikan 'yon ha," paliwanag ni Ate Doray.
"Ah gano'n pala 'yon."
"Kaya ikaw kapag naging mabait ka kay Madam, malamang baka isang taon ka pa lang bigyan ka na nila vacation leave."
"Ah, sino naman ang papalit sa akin dito kapag maglilinis ako sa villa ni Sir Karim?"
"May ibibigay na reliever ang company niyo habang wala ako. Isang buwan lang naman pagkatapos no'n ay balik ka na dito."
"B-bakit hindi na lang 'yon ang maglilinis sa villa ni Sir Karim, isang buwan lang naman?"
"Maselan 'yon si Sir Karim pagdating sa tao. Hindi 'yon basta nagpapasok ng hindi niya kilala. 'yong on-call cleaner na naglilinis sa kanya, si Ate Jennie, limang taon nang pumupunta do'n. Kaya hindi pwede ang reliever sa villa niya."
"Paano kapag namali ako? B-baka sigawan din ako..."
"Kapag sinigawan ka. Irapan mo o 'di kaya huwag mong pansinin buong araw. Huwag mong iyakan. Ganyan lang 'yang mga 'yan, mahilig manigaw lalo na kapag galit sila pero hindi 'yan sila nagtatanim ng galit. Parang gusto lang nilang may mapagbalingan."
"Gano'n!"
"Oo, parang mga sira no. Ewan bakit ganyan sila. 'di bali tatlong araw ka lang naman kay Sir Karim. Lunes, Martes at Miyerkules. Si Ate Jennie kasi Huwebes at Biyernes ang punta do'n."
"Bakit hindi na lang niya kinuha 'yong Ate Jennie para do'n sa villa niya."
"May time din kasi minsan na wala si Sir Karim at nasa ibang bansa. Kapag may mga bago silang malalaking project, siya mismo ang pumupunta do'n para mag site visit. Nagtatagal siya ng isa o dalawang linggo na wala sa villa. Minsan maman umuuwi din siya sa Lebanon para dalawin ang lolo niya. Kaya kapag wala siya dito, hindi ko din kailangang pumunta doon."
"Ah .. kaya pala."
"Kung inaalala mo si Sir Karim, mabait 'yon. May topak nga lang. Mas alalahanin mo si Baba."
"Bakit pala Baba ang tawag mo sa lolo nina Sir Karim, Ate Doray?"
"Ganyan ang tawag dito sa mga lalaking matatanda, parang lolo sa atin."
"Ahhh... okay. Sige, tatandaan ko ang sinabi mo kay Sir Karim lalo na ang kay Baba."