"'Yang mga sheikh, mga member 'yan ng royal family kagaya ng king, queen, prince at princess. Kapag naman babae, ang tawag ay sheikha."
"'Yan pala ibig sabihin ng sheikh at sheikha! Ang yaman pala talaga nila dito dahil may prinsipe at hari sila. Oy, Ate Doray turuan mo naman ako ng mga Arabic words." Tapos na akong maghuhas kaya nagpunas ako ng sink at tumabi kay Ate Doray.
"Hindi naman ako magaling sa salitang Arabic, nakakaintidi lang. Nahihiya din ako magsalita dahil baka mali-mali pa ang masabi ko. Nakalimutan ko na din ang mga natutunan ko dati dahil marunong naman ng Tagalog sila Madam maliban kay Sir Walid."
"Eh, Ate Doray ano ibig sabihin ng marhaba at shuhada kasi lagi ko 'yong naririnig dati sa accommodation?"
"Ay 'yan, basic lang 'yan. Marhaba, parang-- mabuhay, hi, hello. Yan 'yong pagbati nila dito. 'Yong shuhada naman, ibig sabihin no'n 'ano ba 'yan', parang expression lang 'yan depende sa paggamit. Pero kapag shu lang, ibig sabihin no'n 'ano or what'. Kapag hada 'this'. Kaya nag-iiba iba din 'yan."
"Ano naman ang ibig sabihin ng Baba?"
"Ang alam ko, papa talaga 'yan. Kaso ang mga Arabic, baluktot ang dila kaya imbis na 'p' ay naging 'b' kaya naging Baba. Tawag din 'yan sa matandang lalaki kaya ang tawag ko sa tatay ni Sir Walid ay Baba."
"Ah.. gano'n pala ibig sabihin no'n. Gets ko na. Salamat Ate Doray."
"Hindi libre 'yon no. Dapat treat mo 'ko sa sunod na sahod mo."
"Sige, gusto mo sumama sa amin ng bestfriend ko sa katapusan. Inaaya niya akong gumala kasama ng jowa niyang ibang lahi. Miss ko na din 'yon dahil ilang taon na kaming hindi nagkikita."
"Sige, sige. Sasama ako basta galaan. Libre naman."
"Okay ."
..........................................................
Huwebes
"Ay! Nakakainis, mas lalo kang gumanda sa ayos mo! Kung magkamukha lang tayo at magka-height, baka may Sir Walid na din ako!" Puri sa akin ni Ate Doray matapos akong ayusan. Ngayon na ang gabi kung saan magkikita sina Sir Karim at ang fiancee nito kaya nakabihis din kami dahil iyon ang gusto ni Madam.
"Thank you, Ate Doray. Ang ganda nga ng pagkakamake-up mo. Magaling ka talaga magmake-up kaya gumanda ako."
"Ano ka ba, maganda ka kaya kahit wala kang make-up. Panira lang 'yang sabog sabog mong buhok. Ewan ko ba kung bakit ganyan ka mag-ayos ng buhok. Dapat pinaparebond mo na 'yan para lumabas ang tunay mong ganda. Tingnan mo ngayon dahil tatlong oras kong plinantsa 'yang buhok mo kaya nagmukha kang diyosa. Kamukha mo na si Halina Perez. Kakainis nga eh, baka mamaya niyan pagdating natin doon sa Emirates Palace, makabingwit ka ng sheikh, hindi na naman matuloy ang bakasyon ko."
"Maghunos-dili ka nga, Ate Doray. Alam mo namang galit ako sa mga lalaki kaya malabo 'yang sinasabi mo."
"Ay, oo nga pala. Buti na lang at manhater ka, mauuna pa rin akong mag-asawa kesa sa'yo."
"Pero.. malay mo, Ate Doray, baka ikaw ang makabingwit sa sinasabi mong Emirates Palace dahil ang ganda mo kaya ngayong gabi." Puri ko kay Ate Doray kahit ang totoo, para itong suman sa kanyang damit. Sinabihan ko na itong palitan ang suot ng maluwag na dress pero ayaw talaga kaya hinayaan ko na.
"Naku, 'wag mo 'kong utuin, Geraldine. Ilang beses na akong nakapunta ng Emirates Palace pero hanggang ngayon wala pa rin akong nasilo na sheikh doon." Nagwisik na ng pabango si Ate Doray at tumayo. "Labas na tayo at dapat maunahan natin sa labas si Baba."
"Sasabay ba tayo sa kanila? 'Di ba ayaw ng matanda sa atin?" Takang tanong ko. Nakasunod lamang ako kay Ate Doray.
"Hindi, iba ang sasakyan nating dalawa. Convoy kasi tayo. Sasakay sila kaySshahed tapos 'yong Range Rover naman ang gagamitin nating dalawa papunta sa Emirates Palace."
Pagdating namin sa living area ay wala pa ang matanda at si Sir Saif.
"Mauna ka nang pumasok sa sasakyan. Sa front seat ka umupo ha. Ako na ang mag-aantay dito kina Baba para magsabi na convoy tayo. Mamaya makita ka pa no'n, mahighblood pa sa ganda mo, kasalanan mo na naman."
Napatawa kaming dalawa ni Ate Doray sa sinabi nito.
Halos kalahating-oras din akong nag-antay sa loob ng sasakyan ng makita kong palabas sa main entrance door ang matanda at si Sir Saif.
Isinara muna ni Ate Doray ang main door atsaka kami sumunod kila Shahed.
"Ate Doray, napansin ko lang.. hindi 'ata uso dito ang magsara ng main gate. Automatic naman 'ata ang gate natin pero bakit laging nakabukas 'yon. Kahit nga kapitbahay natin, bukas din ang mga gate?"
"Naku, nakalimutan kong isara. Hayaan mo na. Wala namang magnanakaw na papasok sa villa." Walang anumang sabi ni Ate Doray habang nagmamaneho.
"Sure?" Nag-aalalang tanong ko.
"Alam mo, Gege, pagdating sa security.. number one ang UAE kahit saang bansa mo pa 'yan e-compare. Dito, kapag gumawa ka ng masama, minuto lang ang pagitan, mahuhuli na kaagad ng mga pulis ang suspek. High tech kaya dito, kaya nga takot gumawa ng kabulastugan ang mga tao dito dahil kapag nahuli ka ay malaki ang fines, makukulong ka at deport.. at baka malatigo."
"Ha?! Talagang nilalatigo nila ang mga nagkasala?" kaya naman pala takot gumawa ng masama ang mga tao dito, ayaw malatigo.
"Oo kaya no worries. Pero hindi ako sure do'n sa latigo, sabi lang nila 'yon!" tatawa-tawang sabi ni Ate Doray kaya hindi ko niseryoso ang sinabi niya tungkol sa paglatigo.
Habang nasa biyahe ay tinuruan pa ako ni Ate Doray ng ilang Arabic words at mga batas dito hanggang makarating kami ng Emirates Palace.
Kwento ni Ate Doray, ang plano nina Madam ay mauuna kami at susunod na lang sila kasama si Sir Karim. Si Madam Yara lang ang wala dahil ang alam ko nasa Mauritius ito para sa isang project. Ang pagkakaalam naman ni Sir Karim ay VIP ang kanilang kakausapin para sa isang business proposal kaya pumayag itong um-attend.
Habang nag-aantay sa pagdating nina Madam ay panay naman ang kain ni Ate Doray sa aming table. Pagkaupo namin ay um-order na kaagad ito kahit hindi pa nga dumadating sina Madam.
"Ate Doray, ba't um-order ka na kahit wala pa sina Madam? Hindi ba nakakahiya?" Mahinang tanong ko dito.
"A-ano ka ba.. kumain ka na din dahil panigurado akong kapag nalaman ni Sir Karim ang totoong agenda ng 'business proposal' kuno na 'to, baka hindi na tayo makakain. Kaya kung ako sa'yo kumain ka na din dahil masasarap at mamahalin lahat ng in-order ko. May kasama pang gold, hindi mo 'yan matitikman kung nasa Pinas ka at sa ibang employer ka."
Hindi ko na kinontra pa si Ate Doray kahit na nahihiya din ako dahil ang totoo, gutom din ako. Sa tagal namin kanina sa pagpili ng damit na magkakasya sa kanya ay hindi na kami nakakain kaya ngayon nang dumating ang kanyang in-order ay kumain na din ako. Kahit nga masama ang tingin ng matanda sa aming table ay hindi na namin ito pinansin. Lalo na si Sir Saif na kung makatingin sa akin ay parang kumikislap pa ang mata. Ngiting-ngiti ito sa akin pero iniirapan ko lamang.
Nang dumating ang pagkain na in-order ni Ate Doray para sa akin ay nagulat ako dahil kakapiranggot lang ang serving.
"Ate Doray, bakit ito lang sa akin tapos sa'yo tatlong order," reklamo ko habang tinikman kaagad ang sinerve ng waiter. "Wow! Ang sarap!"
"'Di ba? Masarap! Kaya nga ang liit lang ng serve nila kasi mahal ang presyo lalo na at may gold ang kinain mo."
"Ang sarap, ngayon ko lang nalaman na kinakain din pala ang gold. Nag-aral naman ako Ate Doray pero pagdating dito parang nabobo ako dahil sa dami ng mga bagay na wala sa atin sa Pinas."
"Kaya nga sabi ko sa'yo huwag ka ng mahiya, kain lang tayo ng kain dahil wala nito sa Pinas. Atsaka huwag ka ng magtaka kung bakit isang serving lang sa'yo at marami sa akin, concern lang ako sa damit mo dahil baka lumaki ang puson mo kaya ako na ang kakain ng para sa'yo."
Tawanan kaming dalawa habang kumakain. Tapos na kaming kumain at umiinom ng wine ng dumating sina Madam at Sir Walid. Kasama nila ang magulang noong fiancée ni Sir Karim pero wala si Sir Karim.
Nilinga ni Madam ang kanyang paningin at ng makita kami ni Ate Doray ay kumaway ito sa amin na pupuntahan niya kami mamaya. Kinawayan din namin ito pabalik at nakita naming umupo na ang mga ito. Saktong pag-upo ng mga ito ay dumating na naman ang fiancée ni Sir Karim.
"Gege, samahan mo nga ako ako sa banyo. naimpatso 'ata ako." Nauna nang tumayo si Ate Doray kaya sumunod na din ako. Sumenyas kami kay Madam na magbabanyo lamang.
Pagdating sa labas ng banyo ay sinabihan ko na lamang si Ate Doray na aantayin ko siya dito sa labas. Hindi naman ako naiihi kaya bakit pa ako papasok.
Habang nag-aantay kay Ate Doray sa labas ay may narinig akong boses ng bata na umiiyak.
Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang bata.
Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka nabibingi lamang ako.
"'Umiy 'ami!"
"Mama! Mama!"
Ngayon ay medyo malakas na ang boses na naririnig ko kaya nag-alala na ako. Tiningnan ko ang banyo pero hindi pa rin lumalabas si Ate Doray. Kanina pa ako dito sa labas pero hindi pa ito tapos. Ang tagal talaga nito kapag nagbabanyo.
'Saglit lang ako Ate Doray at babalik din ako. Titingnan ko lang kung sino ang umiiyak kasi kawawa naman.'
Hinanap ko ang pinanggalingan ng tinig at sa wakas ay nakita ko ang isang batang babae na tingin ko ay nasa anim na taong gulang. Umiiyak ito sa gitna ng hallway.
"B-baby... w-why are.. y-you crying?" dahan-dahan kong nilapitan ang batang babae.
"'Umiy 'ami!"
"Mama! Mama!"
"Baby.. w-why are you crying? W-where's your mom and dad?" baka hindi ako naiintindihan ng bata kaya hindi ito sumasagot.
"'Umiy 'ami!"
"Mama! Mama!"
Mas lalo pang umiyak ang bata kaya nataranta na ako kung ano ang gagawin ko.
"Tahan na baby. Huwag ka nang umiyak," pati ako ay parang naiiyak na din. Gusto ko sana itong aluin at hawakan kaso baka hindi pwede.
"'Ami! 'Amimammm!"
"Mom! Mommmmm!"
Mas lalo pang pumalahaw ng iyak ang bata sa hindi malamang dahilan kaya sa taranta ko ay lumuhod ako para pumantay sa bata at hinawakan ito.
"'Ami! 'Amimammm!"
"Mom! Mommmmm!"
"Aisha! Aisha! Habibi, limadha tabkina! limadha 'ant huna --- mrhban, 'anti... madha faealt biabinti?"
"Aisha! Aisha! Habibi, why are you crying! Why are you here--- hey, you... what did you do to my daughter?"
Nagulat ako ng bigla na lamang may sumulpot na matabang babae mula sa kung saan. Niyakap nito ang bata at tumigil naman ang bata ng makita ang babae.
"Madha faealat biabinti?"
"What did you do to my daughter?"
"Ha?" hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babae. Basta na lamang itong nagsisigaw at dinuduro ako.
Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. Akmang aalis na sana ako ng nagsalita ulit ito.
"Don't leave! You stay here until the police come!"
"M-me?!" bakit kailangan kong antayin ang pulis?
"Yes, you!"
"W-why---?!" natigil ang pagtatanong ko ng makita ang ilang naka-uniporming police at security guard.
Lumapit ang mga ito sa babae at bata kasunod noon ay ako naman ang nilapitan nila.
"Miss, you need to come with us. This lady is complaining you. Please come with us."
"W-whaaaat?! W-why would I come with you, I did nothing wron----"
"Khdhaha!"
"Take her!"
"Nooooo...." Napaatras ako ng lumapit sa akin ang dalawang lalaki na nakasuot ng uniporme ng pulis.
"Khdhaha!"
"Take her!"
"Maedhirata! 'iinaha maei! limadha 'atayt 'iilaa huna?"
"Excuse me! She's with me! Why are you taking her?"
Biglang nanlaki ang mata ko ng magsalita ang isang lalaki sa likuran ng dalawang pulis.