Habibi 6 - Homesick

1342 Words
"You can't do this to me, Ma! I won't let you!" "Try me, Karim!" Gigil na gigil ang boses ng bawat isa, ayaw magpatalo. Maya-maya lang ay tumahimik na sa loob. "G-geraldine?!" Namutla ako ng biglang lumabas si Madam at nakita niya akong nakatayo sa may pinto. Hindi kaagad ako nakagalaw dahil hindi ko ine-expect na lalabas ito ng library. "I-ihi lang po sana ako. E-excuse po!" Hindi ko na inantay pang sumagot si Madam at mabilis na akong pumasok sa common bathroom. Pagdating sa loob ay nawala tuloy ang nararamdaman kong pagka-ihi, mas lamang ang kaba ko dahil nahuli ako ni Madam. Baka pagalitan niya ako dahil nakita niya ako sa labas ng library kanina. Obvious naman na nakikinig ako sa usapan nila dahil sobrang lapit ko sa pinto. "Hay, Geraldine! Ang tanga mo kasi, nagpahuli ka pa talaga. Malamang sisisantihin ka ni Madam dahil sa pakikinig mo. Eh, naman kasi!" Habang nakaharap sa salamin ay kinakausap ko ang aking sarili. Nagsisisi ako kung bakit hindi na lamang ako dumiretsong umihi kanina. Bahala na. Kapag pinatawag ako ni Madam at tinanong, sasabihin ko na lang ang totoo. Wala naman kinalaman sa akin ang pinag-uusapan nila at hindi ko din naman iyon sasabihin sa iba. ******* Kinabukasan ay kabado ako dahil iniisip kong ipapatawag ako ni Madam sa pakikinig ko kagabi ngunit hanggang sa umuwi sina Sir Karim at Madam Yara ay hindi naman ako pinatawag ni Madam. Nagbago ba ang isip ni Madam? Siguro... baka wala naman talagang pakialam si Madam kung may makarinig man sa kanila kagabi. Sa tingin ko din naman ay wala din namang magagawa si Sir Karim sa desisyon ni Madam. Pero paano nga kaya kung gumawa ng paraan si Sir Karim para hindi ito makasal do'n sa Hala na 'yon. Ano ba naman 'yan? Bakit ko ba pinoproblema ang buhay nila. Bahala sila kung sino man ang gusto nila para kay Sir Karim pero kung ako ang tatanungin, mas pipiliin ko naman ang girlfriend ni Sir Karim kesa do'n sa Hala na mukhang mataray at mapangmata. At least kapag 'yong Janice ang pinili ni Sir Karim, sigurado akong mabait. 'Hoy! Gege, nagpunta ka dito para magtrabaho. Hindi ang makialam sa buhay ng amo mo. Atsaka kung ano man 'yang unti-unti sumisibol sa dibdib mo, tigilan mo na!' anang isip ko. "Hay!" "Ang lalim no'n ah. May problema ka?" Gising pa pala si Ate Doray. Akala ko tulog na. Lumingon ako sa kanyang kama. "May iniisip lang." "'Pag ganyang kalalim na buntung-hininga ang naririnig ko, usaping puso 'no?" Tumawa naman ako. "Hindi ah. Wala naman akong boyfriend at wala akong may nagugustuhan kaya imposible ang usaping puso sa akin. Na-miss ko lang ang pamilya ko sa Pinas." "Ay, na-homesick ka. Ganyang-ganyan ako noong bago pa lang ako dito. Buti nakapag-adjust na din ako. 'Di bali kapag nasanay ka na dito ay matatanggal din 'yang homesick mo. Isipin mo na lang, kapag nasa Pinas ka hindi mo mararanasan ang mahiga sa malambot na kamang katulad nito... pati na ang malamig na aircon dito.. pati na ang mamahalin at masasarap na pagkain dito. Pati na din ang sumakay sa mamahaling sasakyan.. pati na din ang makakita ng sobrang daming gwapong lalaki dito.." "Ayan ka na naman Ate Doray eh. Ang hilig mo talaga sa gwapo," natatawa ako sa sinabi nito. "Alangan namang pangit ang hanapin ko, eh 'di pumangit din ang magiging lahi ko. Pero nagtataka lang ako sa'yo kasi napansin kong wala kang interes sa lalaki. Kahit nga kay Sir Karim na sobrang gwapo, hindi man lang kita nakitang kinilig sa kanya. Galit ka ba sa mga lalaki?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ate Doray. "Ah.. alam ko na. Siguro niloko ka dati ng boyfriend mo kaya galit ka---" "Iniwan kami ni Tatay at ipinagpalit sa ibang babae." Biglang natahimik si Ate Doray sa sagot ko. "A-ang taas-taas kasi ng tingin ko kay Tatay kaya hindi ko akalaing lolokohin niya si Nanay. A-akala ko d-dati.." napasinok ako ng maaalala si Tatay. "Tahan na... kaya pala. Sariling tatay niyo pala mismo ang nang-iwan sa inyo. Hayaan mo na 'yon. Huwag mong isipin na dahil sa ginawa ng tatay mo ay magagalit ka na sa lahat ng lalaki. Parang ang unfair naman no'n do'n sa mga faithful na lalaki kagaya ni Sir Walid." "E-ewan ko Ate Doray.. parang natrauma lang siguro ako kasi nakikita ko noon kong paanong umiyak si Nanay gabi-gabi kapag tulog na kami. Malaki ang isinakripisyo ni Nanay para lamang mapag-aral kami kahit siya na lamang mag-isa. Kaya habang lumalaki ako at nakikita ko ang pagdurusa ni Nanay ay lalong nadagdagan ang galit ko kay Tatay. S-siguro sa sobrang galit ko sa kanya ay nadamay na pati ang ibang lalaki. Parang nahihirapan akong magtiwala sa kanila.." mahinang sabi ko. "Huwag ka ngang ganyan. Malay mo, dito mo pala mahanap ang lalaking magpapahilom ng sakit na likha ng tatay mo," paliwanag ni Ate Doray. "Naku, Ate Doray, mauna ka muna sakin na magkaroon ng boyfriend baka sakaling maniwala pa ako na totoo ang sabi mo." "Nga pala sa susunod na linggo pupunta tayo sa Dubai Mall. Bibilhan tayo ni Madam ng damit pang party." Biglang sabi ni ate Doray. "Anong okasyon?" takang tanong ko. Hindi pa nakontento si Ate Doray at bumaba ito sa sariling kama at pumunta sa aking kama. "Atin atin lang 'to... darating dito si Baba, ang lolo ni Sir Karim. 'Yon talaga ang may pakana sa arranged marriage ni Sir Karim. Bestfriend pala ni Baba ang lolo ng papakasalan ni Sir Karim. Ang alam ko parang palalabasin nila na business proposal ang mangyayari pero ang totoo gusto nilang magkita si Sir Karim at 'yong babae. Pagkatapos no'n mag-uusap na sila ng detalye atsaka nila i-announce ang engagement ng dalawa." "Hindi pa ba nagkita si Sir Karim at ang pakakasalan niya?" "Kilala na 'yon ni Sir Karim pero ilang beses lang dahil sa Dubai naka-based ang babae. Atsaka marami kasi silang pinagpipilian noon. Mayroong pa yang mga malalayong pinsan si Sir Karim na nasa UK na gusto ding ireto ng lolo niya sa kanya." "Ang hirap din pala ng kalagayan ni Sir Karim ano. Paano pala kapag umayaw si Sir Karim? 'Di ba nga, sinuway din dati ni Sir Walid ang tatay niya? Baka gano'n din ang gawin ni Sir Karim. Lalo pa nga may girlfriend na si Sir Karim." "Hmm.. baka hindi naman niya mahal ang babae!" "Eh bakit niya dinala 'yong babae dito at pinakilala pa sa atin?" "Malamang napi-feel na din ni Sir Karim na ia-arranged na siya kaya naghanap 'yon ng girlfriend para ipakilala kunyari. Sa dami ba naman ng babae niyan, I'm sure maraming willing magpanggap na asawa 'yan. Atsaka hindi 'yong Jan.. Janice ba 'yon, hindi ko pa nakita 'yon sa villa." "Palagay ko naman mahal niya talaga 'yong Janice na 'yon.. a-ano ko lang.. tingin ko lang naman.." "Sabagay.. mukha ngang inlove si Sir Karim this time." "Oh 'di ba, kaya may chance talaga na hindi pumayag si Sir Karim sa gustong mangyari nila Madam." "Gusto ko 'yan." "Yong ano, Ate Doray?" "Kung anong gagawin ni Sir Karim Kung ayaw niyang pumayag. Baka magwala 'yon at sirain ang buong venue... hahaha.." "Kaya niyang gawin 'yon?" namimilog ang matang tanong ko. "Oo. Siraulo kaya 'yan si Sir Karim. Nakita mo naman ang katawan niya. Nagwawala 'yan kapag sobrang galit. Well, may katapat naman siya sa pagiging siraulo eh." "Sino?" "Si Madam!" "Si Madam?" "Sinasabi ko sa'yo kapag nagalit din 'yan si Madam, iba 'yan gumalaw. Malinis at walang mintis. Kaya nga idol ko 'yan eh!" "Tinatakot mo naman ako, Ate Doray. Parang sinasabi mong masamang tao si Madam." Natawa naman si Ate Doray sa sinabi ko. "Matulog na nga tayo at mag-uumaga na pala. Tama na 'yang kay Madam, Madam na 'yan." Bumalik na si Ate Doray sa kama niya. Nagsalita pa ito bago ipinikit ang mata. "Mabait si Madam, tandaan mo 'yan. Kung meron man siyang ginagawa na sa tingin natin ay mali minsan, iyon ay para na din sa kapakanan ng mga mahal niya sa buhay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD