Habibi 5 - Family Dinner

1311 Words
Sabado Simula kaninang umaga ay busy kami ni Ate Doray dahil uuwi mamayang gabi sina Sir Karim at Madam Yara. Binigyan na ako ni Madam ng listahan ng lulutuin, may mga Filipino foods at hindi din mawawala ang Lebanese foods. Sisiw lang ang pagluto ko ng Filipino foods pero hindi ako sure sa arabic foods dahil hindi ko gamay ang kanilang pagkain. "Oy, tama na nga 'yan, Ate Doray. Hindi pa nga umaabot ng gabi pero ubos na 'yang mga niluto ko," nakasimangot kong sita kay Ate Doray. "Ang sarap kasi. Alam mo Geraldine, pwede ka nang magtayo ng sarili mong restaurant dahil masarap lahat ng niluluto mo," kahit naghihiwa ito ng mga sangkap na gagamitin ko sa panghimagas ay panay naman ang tikim nito. "Kaya ka lumulubo dahil sa kakatikim mo 'yan ng pagkain, Ate Doray. Paano ka niyan papansinin ni Shahed." "Naku Geraldine 'wag na 'wag mo nga akong ireto diyan sa lalaking 'yan. Hindi ko siya type, period." Tumawa ako ng malakas ng gigil na naghiwa ito. "'Wag kang magsalita ng tapos dahil baka mapaso ka, Ate Doray. Marami kayang nagkatuluyan dahil sa mga ganyan." "Ah basta ayoko sa lalaking amoy kili-kili." "Parang wala namang amoy si Shahed ah." "Ngayon wala pero dati nung bago pa lang 'yan ang tindi ng amoy niyan. Pinagsabihan ko talaga na gumamit ng deodorant o 'di kaya maligo kasi naiiwan ang amoy niya sa sasakyan. Nung may amoy pa 'yan, never ko talaga ginamit ang sasakyan na inuupuan niya, baka masuka lang ako." "Ah gano'n ba. Mabuti na lang pala at wala na siyang amoy. Pangit nga ng may amoy, Ate Doray. Grabe nga nung nasa accomodation pa ako dati, kapag lalabas kami para kumain ang tindi ng nakakasalubong namin, may iba naman na kaya ko pa ang amoy pero ang iba naman parang babaliktad ang sikmura mo. Ayoko namang magsalita ng hindi maganda dito dahil baka hindi pa ako nag-uumpisa ng trabaho, ibalik na kaagad ako sa Pilipinas." "Iba kasi ang kultura nila at ang iba hindi din nakapag-aral kaya mahirap silang turuan. Ngayon na lang 'yan na medyo nagkakaroon na sila ng awareness sa kanilang personal hygiene kaya ang iba ay gumagamit na din ng deodorant." "Wow naman, ang galing mo palang mag-english Ate Doray." "Siyempre.. dati kayang British ang amo ko kaya British accent din ako. Nagbago lang ng natapos ang kanilang kontrata at bumalik na sa kanila kaya naghanap ako ng bagong employer dito. Ang kasunod kong amo ay Arabic kaya naging karabaw English na ulit ako." Tawanan kami ni Ate Doray ng dahil doon. Hindi namin napansin na natapos na din namin sa wakas ang pagluluto. Nang dumating ang gabi ay naka-ready na ang dining area. Nakaupo na sina Madam Aurora katabi si Sir Walid. Kaharap naman nila si Madam Yara. Tanging si Sir Karim ang hindi pa dumarating. Tumawag na ito na malapit na.. mga more or less five minutes, nasa may gate na ito ng community. Kami naman ni Ate Doray ay nakatayo lang sa gilid para kapag may kailangan sina Madam ay mabilis naming maibigay. Si Madam Yara ay nakasimangot na, nagrereklamong gutom na. Kaninang hapon pa kasi ito dumating. Nung napadaan ito sa kitchen ay tinikman nito ang mga niluto kong pagkain at nagustuhan ang lasa kaya hindi na ito makapag-antay na kumain ng dinner. Kaso late si Sir Karim kaya panay ang simangot niya habang nakatingin sa dessert. Si Sir Walid naman ay nakita ko na din sa wakas. Totoo nga ang sabi ni Ate Doray na makisig ito. Hindi ko nga akalain na lampas sixty na ang edad ni Sir Walid pero mukha lamang itong nasa late thirties o 'di kaya ay nasa early forties. Matangkad ito at matipuno pa rin ang katawan. Unang tingin ko nga dito ay kamukha siya ni superman. Nacurious tuloy ako kung anong hitsura ni Sir Karim sa personal. Tunog ng sakyan ang nagpa-ayos ng tayo ko. Dumating na ang inaantay ng buong pamilya. "Bonsoir à tous. Désolé, nous sommes en retard." "Good evening everyone. Sorry we're late." Napatingin kaming lahat sa entrance ng dining area ng marinig ang nagsalita. Ito pala si Sir Karim. "Janice, this is my beautiful family. My dad, mom and my sister," magkahawak kamay na nakatayo ang dalawa sa dulo ng mahabang dining table. "Everyone, this is Janice-- my girlfriend!" Girlfriend ni Sir Karim ang kasama niya? Bakit ang sabi ni Madam, 'yong Hala 'yong mapapangasawa niya. Ibig sabihin hindi alam ni Sir Karim na in-arranged na siya nina Madam sa iba. "Good evening, Ma'am, Sir!" nag stammer pa ang babae nang binati sina Madam at Sir Walid. Pagkatapos ay ngumiti at binati din si Madam Yara. "Good evening, Janice. It's good to meet the girlfriend of our son. Have a seat and join us," magiliw na sabi ni Sir Walid sa babae. Si Madam at Madam Yara ay ngumiti lang sa babae. Ipinaghila na ito ng upuan ni Sir Karim at umupo sila katabi ni Madam Yara. Nang magtama ang paningin namin ng babae ay namilog ang mata ko dahil ito ang babaeng nanghiram ng cellphone sa akin sa airport. Siya pala ang girlfriend ni Sir Karim... at si Sir Karim pala ang lalaking 'yon sa airport. Nakilala din siguro ako ng babae dahil saglit na namilog ang mata nito at nginitian ako. Ngumiti din ako pabalik dito. Pansin ko na parang may tensiyon sa paligid habang kumakain ang buong pamilya dahil hindi masyadong nagsasalita ang bawat isa. Si Sir Karim at Sir Walid lamang ang palaging nag-uusap at tungkol lamang sa negosyo. Si Madam Yara ay nakikisalamuha din at tinatanong din minsan ang girlfriend ni Sir Karim pero napansin kong hindi umiimik si Madam, ngumingiti ito pero hindi nagsasalita. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Ate Doray na ayaw ni Madam ng mga Pilipina para kay Sir Karim. Tapos ang masama pa, nagdala pa ito sa kanilang family dinner ng babae tapos Pilipina pa. Bakit kaya ayaw ni Madam ng Pilipina para kay Sir Karim? Parang nag-iba tuloy ang tingin ko kay Madam. Mabait siya sa amin, kahit sa ibang tao pero kapag girlfriend o boyfriend ng anak niya, ayaw nito ng Pilipino. Matapos kumain ang buong pamilya ay tumuloy na ang mga ito sa living area. Nagpapahatid si Sir Walid ng inumin kay Ate Doray kaya ako na ang nagligpit sa dining area. Minamadali ko ang paghuhugas at paglilinis dahil naiihi na ako. Nang matapos ay dali-dali akong naglakad papunta sa common bathroom, kasunod lamang iyon ng library office. "Can I talk to you, Karim?" Natigil ang pagdaan ko sa library office nang maulinigan ang boses ni Madam. Hindi ko alam kung bakit ako napatigil pero parang may sariling isip ang aking katawan na basta na lamang umusog at tumayo malapit sa pinto ng nakabukas na library office. 'Lord, sorry kung hindi ko mapigilang makinig sa usapan nila. Hindi ko lang mapigil ang aking curiosity!' Napaantada pa ako dahil alam kong kasalanan ang ginagawa ko. "Why did you bring that woman here? You know from the very start that I don't want you to marry a Filipina. Not only you, even Yara also. Both of you will not marry a Filipino!" matigas na sabi ni Madam. Bawat kataga nito ay bumabaon sa aking dibdib. Bawat salita nito ay parang patalim na humihiwa sa aking pagkatao, masakit pala kapag kapwa mo Pilipino ayaw din sa kapwa Pilipino. Ang masama sa mismong taong akala ko ay mabait, do'n ko pa narinig iyon. "Why, Ma? You're also a Filipino. Don't be racist to your own kind." "You know why, Karim, and I'm not a racist, you know it." "Then, why can't you accept Janice if you're not a racist, Ma. I love her and I want to marry her!" "You're not going to marry that woman outside!" "And why is that so?" "Because we've already arranged your marriage to Hala!" "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD