"Karim... Karim..." tawag ng lolo nito ng mabilis na umalis si Sir Karim sa kanilang table.
"I will talk to him." Tumayo si Madam at nagpasyang habulin si Sir Karim. Ang mga naiwan naman sa mesa ay nagbabangayan na dahil sa ginawa ni Sir Karim.
"'Di ba, sabi ko sa'yo, hindi nila mauuto 'yan si Sir Karim. Kapag ayaw talaga ni Sir Karim, ayaw niya." Napapalatak na sabi ni Ate Doray.
"Oo nga. Ano na ngayon ang gagawin natin dito? Mukhang hindi matutuloy ang arranged marriage ni Sir Karim sa Hala na 'yon."
"Bahala sila diyan, antayin na lang natin si Madam at makibalita kung anong napag-usapan nila ni Sir Karim." Balewalang wika ni Ate Doray at nagpatuloy na lamang sa pagkain ng nakahain sa aming mesa.
"Abu! Abu!!!
"Jid!!!
"Ate Doray! May nangyayari sa kabila!" bulong ko kay Ate Doray nang mapansing dinaluhan na ito nina Sir Walid. Tingin ko ay nahihirapan itong makahinga.
"Si Baba!" Hinila ako ni Ate Doray sa kabilang mesa ng makita din nito na nagkakagulo na sa kabilang mesa.
"Doray, call Aurora and tell her to come back here!" Utos ni Sir Walid kay Ate Doray.
"Yes, Sir!" Mabilis pa sa alas-kwatrong tinagawan kaagad ni Ate Doray si Madam.
"Madam... sumagot ka..." nag-aalalang wika ni Ate Doray dahil ring lang ng ring ang number ni Madam.
"S-sir W-walid.. Madam is not answering.." matapos ang ilang tawag na hindi pa rin nasagot si Madam ay sinabihan na ni Ate Doray si Sir Walid.
"Okay, I call already the ambulance and they're coming now. Just stay here and wait for her. Just in case that she will come back, tell her to call me. Capiche?"
"Yes, Sir!" Mabilis na sagot ni Ate Doray.
Maya-maya lamang ay may dumating na na mga first aider. Kinuha nila ang matanda at isinakay sa emergency bed. Umalis na ang mga ito at naiwan kaming dalawa ni Ate Doray para antayin si Madam. Nang makaalis na sila ay nagsibalikan na rin sa kani-kanilang table ang ibang nakiusyuso kanina.
"Grabe, hindi ko kinaya ang nangyari ngayon. Malamang na-stroke si Baba dahil sa ginawa ni Sir Karim. Lagot talaga 'yan si Sir Karim kay Sir Walid kapag may nangyaring masama kay Baba."
Lagot talaga. Kung pumayag na lamang sana ito sa gustong mangyari ng matanda eh 'di sana hindi na na-stroke ang lolo nito.
.
.
.
"Doray, nasaan ang Sir Walid mo? Nasaan na sila?" bigla ay sumulpot si Madam mula sa kabilang direksiyon.
"Susmaryosep, Madam, nakakagulat ka naman!"
"Nasaan sila? Bakit kayo lang ang narito?"
"Ahh.. M-madam, k-kasi.. s-si ano kasi---"
"Bakit wala na sila, Doray?! D-did something happen here?!" Biglang sigaw ni Madam kaya napabalik na naman ang atensiyon ng iba sa amin.
Biglang napasagot naman si Ate Doray ng tumaas ang boses ni Madam.
"P-pumunta po sila ng ospital, Madam. Ang sabi ni Sir Walid, tawagan niyo daw po siya kapag bumalik kayo. P-parang na-stroke po 'ata si Baba---"
"Whaattt?! Why what happened here?"
"Pagkaalis po ninyo para sundan si Sir Karim, biglang nanikip ang dibdib ni Baba.. p-parang hindi makahinga kaya tumawag na ng ambulansiya si Sir Walid. Tinatawagan ko po kayo kanina pero hindi po kasyo sumasagot, Madam..."
"O-okay... tatawagan ko si Walid. Here's my card, Doray. Bayaran niyo na lamang ating bill at pwede na kayong umuwi. Mauuna na 'ko sa inyo." Tinawagan na ni Madam si Sir Walid at nagpahatid kay Shahed. Kami naman ay umuwi na sa villa pagkatapos bayaran ang bill sa restaurant.
*********
Na-stroke nga ang matanda nung gabing 'yon kaya hindi natuloy ang usapan namin ni Daisy na gumala dahil nahihiya naman akong umalis samantalang si Ate Doray lamang ang nag-aalaga sa matanda tuwing umaga.
Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng maospital ang matanda pero hindi pa rin ito nagigising. Ayon sa doktor ay nagkaroon ito ng mild stroke pero stable na ang kalagayan nito. Inaantay na lamang nila Madam kung kailan ito magigising para masigurong ligtas na nga ito.
Dahil sa nangyari sa matanda ay sinisisi ni Sir Walid si Sir Karim. Galit na galit ito at pinaghahanap na ang binata.
Ang kaso ay hindi nila makita si Sir Karim dahil noong Huwebes ng gabi ay hindi na pala ito inabutan ni Madam sa parking area. Ilang beses din itong tinawagan ni Madam pero naka-off na ang cellphone nito. Hanggang ngayon nga ay wala pa rin kaming balita kay Sir Karim. Kahit ang mga kakilala at malapit na kaibigan nito ay hindi alam kung nasaan na ang binata.
Chineck na din nila Madam kung lumabas ito ng bansa pero wala namang records na umalis ito. Araw-araw din nilang pinupuntahan ang villa ni Sir Karim at nagbabasakaling umuwi ito pero bigo silang mahanap si Sir Karim. Siguro ay nagalit talaga ito kaya hindi nagpaparamdam. Hindi din siguro nito alam na ito ang dahilan ng pagka-stroke ng kanyang lolo kaya malamang magbago ang isip nito kapag nalaman na nasa ospital ngayon ang matanda.
Kasalukuyan akong naghahanda para matulog ng bumukas ang aming pinto.
"Gege, gising! May e-tsitsismis ako sa'yo." Mabilis na bungad ni Ate Doray sa akin.
"Ayan ka na naman Ate Doray, tsismis na naman 'yan. Kakagaling mo lang ng ospital pero parang hindi ka man lang napapagod!"
"Hindi ako sa ospital nanggaling!"
"Ha? Saan ka naman nanggaling kung hindi mo binantayan si Baba?"
"Si Sir Karim umuwi na sa kanyang villa. Doon ako galing dahil nilinis ko ang mga basag na gamit sa villa niya. Baka pupunta 'yon sa ospital ngayong gabi."
"Mabuti at nagpakita na siya. Alam na ba ni Sir Karim na naospital ang lolo niya?"
"Malamang alam na niya. Magkasama silang dumating ni Madam Yara sa villa ni Sir Karim. Si Madam Yara ang tumawag sa akin kaninang tanghali na linisan ang villa ni Sir Karim dahil uuwi ito. Grabe ang away ng dalawang 'yan. Sa parking pa lamang ay umiiyak na si Madam Yara."
"'Di ba ang alam ko wala dito si Madam Yara?"
"'Yon na nga. Nalaman siguro ni Madam Yara ang nangyari sa lolo nila kaya napauwi ng maaga. Siya siguro ang gumawa ng paraan para makontak si Sir Karim, kaya ayon, nagpakita din si Sir Karim."
"Ano naman ang reaksiyon ni Sir Karim nang malaman na nasa ospital ang lolo nila?"
"Ayon pinagsusuntok ang pader at pinagbabasag ang mga gamit sa salas. Sinissisi ang kanyang sarili. Si Madam Yara, sa sobrang iyak, ayon nakatulog na sa kabilang kwarto. Bago ako umalis kanina, mukhang kumalma na si Sir Karim kaya umuwi na ako dito."
"Bakit hindi ka na lang natulog do'n, Ate Doray, kesa naman uuwi ka pa dito? Hindi ka ba napapagod bumiyahe?" tanong ko dito. Parang ako ang napagod kay Ate Doray.
"Pagod din kaso mas gusto kong matulog dito sa kama ko dahil hindi ako sanay matulog sa iba."
"Asus, kamo gusto mo lang e-tsismis sa akin ang nasagap mo kaya gusto mong umuwi." Pambubuking ko dito.
"Siyempre, mas maganda kayang pag-usapan ang buhay ng mga amo."
"Ikaw talaga, Ate Doray, napaka tsismosa mo."
"'Di bali, sa'yo ko lang naman tsinitsismis ang mga nalalaman ko. Kapag nagbakasyon ako, wala munang tsismisan dahil nasa Pinas ako."
"Mamimiss ko ang mga kwento mo."
"Huwag kang mag-alala, kahit nasa Pinas ako, may source ako dito para malaman ang mga nagaganap dito."
"Oy... mukhang alam ko na kung sino ang source mo," nakangiting biro ko dito.
"Sino?"
"Si Shahed."
"H-hindi no..." tanggi ni Ate Doray pero nakangiti lang.
"Oy... nakangiti siya. Mukhang may something nga sa kanila ni Shahed." Tukso ko dito.
"Matulog na nga tayo at excited na akong malaman ang kaganapan bukas ngayong bumalik na si Sir Karim."