Habibi 10 - Pre Engagement 2

1387 Words
"Si---" "Bakit nandito ka? At bakit gusto kang dalhin ng mga pulis?" nanggigigil ako nitong hinila sa sulok at mahinang tinanong. "A-ano k-kasi..." "Just wait here! I'll talk to them!" Hindi pa nga ako nakakasagot sa kanyang tanong ay iniwan na ako nito. Nakita kong kinausap niya sa arabic na lenggwahe ang babae at ang mga pulis. Maya-maya lang ay bumalik na ulit ito sa pinag-iwanan niya sa akin. "That woman is saying that you hurt her daughter?" mahinang bulong nito na ako lamang ang makakarinig. Nanlaki ang mata ko sa sinabi babae. Aba't--- "Don't look at them. Just answer me, anong nangyari?" Huminga muna ako ng malalim para kumalma. Masama ang loob ko sa sinabi ng babae pero kailangan kong ipaliwanang ng maayos kay Sir Karim ang buong detalye para matulungan niya ako. "Inaya kasi ako ni Ate Doray na magbanyo kaya sinamahan ko ito pero sa labas lang ako ng CR---" "What's CR?!" "CR, banyo!" "Okay, it's washroom here. Go on." "Tapos habang inaantay ko si Ate Doray, may narinig akong umiiyak. Sinundan ko ang tunog tapos nakita ko 'yong bata na umiiyak. Kinausap ko ang bata kaso baka hindi niya siguro ako maintindihan kaya mas lalong lumakas ang iyak. H-hindi ko siya mapatahan kaya plano ko sana siyang dalhin sa security, nung hinawakan ko-- mas lalo siyang nag-iiyak, 'yon ang naabutan ng babae na Mama 'ata ng bata. Basta na lamang ito nagalit tapos nagulat na lang ako na may pulis na at dadalhin daw nila ako kung saan." Mahabang paliwanag ko. "Okay, I get it now. I will explain to them everything. Just stay beside me at huwag kang sasagot sa kanila hangga't hindi ikaw ang kinakausap." Tumango na lang ako sa sinabi. Hindi na ako nakapalag ng pinagsalikop nito ang kamay naming dalawa. 'Juskolord! Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko.'Atsaka required ba na magkasalikop ang kamay namin ni Sir Karim eh mag-eexplain lang naman siya sa nanay ng bata. Ano naman kaya ang connect nito sa napasukan ko?' Piping usal ko sa aking isip. Sa pagsalikop ng aming mga kamay ay may kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng aking katawan kaya napapiksi ako. Napansin naman ni Sir Karim ang pagpiksi ko kaya mas lalong humigpit ang hawak nito at hinapit pa ang bewang ko kaya ngayon ay magkadaiti na ang katawan naming dalawa. "I told you don't do unnecessary things. Just follow what I say kung ayaw mong dalhin sa kulungan para interrogate. I'm doing you a favor so don't be hard, habibti," bulong nito sa akin. Hindi na ako umangal ng binanggit nito ang kulungan. Ito na nga ang sinasabi ni Ate Doray na masyadong mabilis ang lahat dito, kani-kanina lang ay masaya pa kaming nagkukuwentuhan ni Ate Doray tungkol sa pulis tapos hindi ko akalaing mararanasan ko din pala ang ipapulis... sa maling bintang nga lang. Paglapit namin ni Sir Karim sa babae at sa bata pati na din sa pulis ay ito na ang nagpaliwanag sa kanila ng nangyari. Wala din naman akong may maintindihan dahil pulos Arabic ang salita nila. Ilang minuto lamang na nag-usap ang mga ito ay nagtatawanan na silang lahat maliban sa akin. Pati ang bata ay tumatawa na din, tumingin pa ito sa akin at ngumiti. Aba kanina, ayaw ngang tumahan pero noong kinausap na ni Sir Karim bigla naging mabait at sweet. Pati ang nanay napansin kong tumatango lamang sa sinasabi ni Sir Karim. Halatang nagpapacute na dahil panay ang hagikgik kapag tumatawa si Sir Karim. Ang sarap lang kutusan. Matapos akong sigawan kanina, ngayon ay sweet na magsalita. Bandang huli ay umalis na din ang mga pulis dahil okay na ang lahat. Ang bilis lang din natapos ang negosasyon, salamat kay Sir Karim at hindi ako umabot sa kulungan. Huling umalis ang mag-ina at nagpasalamat pa sa akin ang nanay dahil sa ginawa ko. Humingi din ito ng tawad dahil inakusahan niya kaagad ako at hindi nakinig sa paliwanag ko. Nginitian ko na lamang ito at hindi na nagsalita pa. Hindi din naman kami nagkakaintindihan kaya mas mabuti pang ngumiti at tumahimik na lamang. Nang makaalis ang mag-nanay ay kaagad akong bumitiw kay Sir Karim. Kanina pa ako hindi mapakali sa pagkakadaiti ng aming katawan. May suot naman akong damit pero kakaiba na ang aking nararamdaman... tagos hanggang dugo ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang na parang mainit ang katawan ni Sir Karim o baka ako lang ang naiinitan kahit malakas ang aircon dito sa loob. Iba na talaga ang pakiramdam ko kaya mas mabuting dumistansiya ako dito. "T-thank po pala, Sir. Mabuti at nakita niyo ako. Kung hindi baka sa kulungan ang bagsak ko kanina," basag ko sa katahimikan habang naglalakad kaming dalawa. "It's okay. You're working with us, kaya kargo ka namin. Kapag dinala ka nila sa kulungan, kami pa rin ang tatawagan nila." Ah gano'n pala 'yon. Mas mabuti pala at maagang na-settle. Mas nakakahiya kong dinala ako sa kulungan tapos tinawagan sila. "By the way, what's your name again?" "Geraldine po, Sir." Tumango lang ito pero hindi na nagsalita. Nakasunod lamang ako sa likod nito hanggang sa naging pamilyar na ang lugar na tinatahak namin. Malayo pa lamang ay pansin ko nang nakatutok sa amin ang tingin ng mga tao sa loob ng mamahaling restaurant. Namataan ko din si Ate Doray na nanlalaki ang mata na nakatingin sa amin. Tinakpan pa nito ang bibig na parang hindi makapaniwala na magkasama kami ni Sir Karim. "Ah, Sir, babalik na po ako sa table namin ni Ate Doray. Salamat po ulit." Tumango lang ito kaya mabilis akong pumunta sa table namin. "Loka, sa'n ka kanina nagpunta? Hinanap kita paglabas ko ng banyo pero wala ka na!" Hindi pa nga 'ko nakakaupo ng maayos ay hinila na kaagad ako ni Ate Doray sa kanyang tabi. "Ikaw, Ate Doray, ang tagal mo kasi eh. Inaabot ka lagi ng ilang oras sa banyo kaya tuloy lagi akong may ganap tuwing nagbabanyo ka." Huminga muna ako ng malalim at uminom ng wine. 'Ang sarap.' "Eh kasi sa tagal mo sa loob, may narinig akong batang----" Natigil ang pagsasalita ko ng may narinig kaming nabasag na bagay sa kabilang table- table iyon nina Madam. "Calm down, habibi. Sit down... nakakahiya at pinagtitinginan na tayo ng ibang table.." sita ni Madam kay Sir Karim na nakatayo sa kanilang table. "'Yan ang sinasabi ko sa'yo na kapag 'yang si Sir Karim ang nagalit, hindi na tayo makakakain. Kaya mabuti na lang at nauna na tayong kumain kaagad. 'Di ba, ramdam mo ang tensiyon sa table nila?" bulong ni Ate Doray habang nakatingin kami sa table nina Madam. "Oo nga! " Malapit lang ang table nila sa amin kaya kita at dinig namin ang kaganapan sa kanila. "Exciting 'to, Gege. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Sir Karim. Feeling ko hindi 'yan makapagwala dito dahil sheikh ang may-ari nito." Ang Ate Doray, mukhang natutuwa pa sa mangyayari samantalang ako ay kinakabahan dahil kita sa mukha ni Sir Karim na hindi nito nagustuhan ang nadatnan sa kanilang table. Nakita kong gigil na umupo si Sir Karim sa kabilang table. Walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila. Masama ang tingin kay Madam at sa iba pang naroon at umupo na din ito sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Sir Saif. "I thought that this is a business proposal that's why I came! This is supposed to be a VIP meeting!" Walang preno na sabi ni Sir Karim pagkaupong-upo nito sa upuan. "Walid, aietaqadt 'anana tahadathna bialfiel ean hadha al'amri. lam tukhbirna abdan 'ana karim la yurid alzawaj min Hala!" "Walid, I thought that we have already talk about this. You never told us that Karim doesn't want to marry Hala!" Sabat ng isang lalaki na kaedaran lang ni Sir Walid, ito ang tatay ni Hala. "Joseph, 'iinah mutafajiun. Laqad ja' liltawi min lubnan wahunak alkathir min dughut aleamal aydan". "Joseph, he's just surprised. He just came from Lebanon and there's alot of pressure from work also." Tiningnan ni Sir Walid si Sir Karim, "Karim, you an---" "Karim wa Hala sayatazawajan wahadha nihayiyi!" "Karim and Hala will get married and that's final!" Natahimik ang table nina Madam nang magsalita ang lolo ni Sir Karim. Biglang tumayo si Sir Karim at lumapit sa lolo nito. "This is b*llshit! I will not marry Hala and that's also final!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD