Habibi 12 - Karim

1360 Words
I really have a bad feeling about this business proposal meeting na sinabi ni Mama. Masyado niyang pinipilit na VIP ang aming kikitain and it will affect our company kapag hindi ako um-attend kaya naman pumayag na ako. I know that something is fishy because lolo is here. Hindi siya pupunta dito kung wala siyang importanteng gagawin or ka-meeting. The last time I remembered when I visited him in Lebanon ay kausap lamang nito ang matalik na kaibigan. They were talking about marriage proposal and alam kung ako ang pinag-uusapan nila. How many times did lolo reminded me na kailangan ko nang mag-asawa because I'm not getting any younger. Lagi pa ako nitong tinatakot na ipapamana lahat ng shares nito kay Saif kapag sa taong ito ay hindi pa ako nakapili sa mga inireto nito sa akin. I'm not afraid naman kung kanino niya ipapamana ang kanyang shares dahil may sariling shares din ako sa company liban pa sa negosyong itinayo namin ng kaibigan kong si Ismael na lingid sa kaalaman nina Mama at Papa. What I don't like is 'yong pangingialam nila sa buhay ko. I'm the type of person who doesn't want to be dictated. I love my freedom and I'm the one who's always setting the rules, not the other way around. Kaya hindi ko hahayaang manipulahin nina lolo ang buhay ko even if lumabas pa akong masamang apo. Malakas ang pakiramdam ko na si lolo ang pasimuno ng business proposal na 'to. Let's see, lolo, kung mapapasunod niyo ako! "Karim, let's go inside. Dumating na ang VIP guest sabi ni Papa," Mama said. “Just go ahead, Pa, Ma. I saw Ismael and his family. I will just greet them. Don’t worry, I won’t take long,” paalam ko kay Mama at Papa. Nauna na silang pumasok sa loob samantalang pinuntahan ko muna sina Ismael na nakita kong nagdi-dinner kasama ang asawa at anak nito sa isang Italian Restaurant na malapit lamang sa parking area. Simpleng kamustahan lamang ang ginawa ko ‘coz I need to go inside. Kapag napasarap ang kwentuhan namin ni Ismael ay baka makalimutan ko ang ka-meeting namin sa loob. Habang papunta sa restaurant kung saan naroon na ang VIP guest na kakausapin namin ay dumaan muna ako sa washroom. Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako at dumaan sa kabilang aisle kung saan may daanan din doon papunta sa restaurant. Pagdaan ko doon ay napansin kong may dalawang pulis na naroon. May isang nanay na nagwawala at sinisigawan ang isang babae na kinakausap ng mga pulis. 'D@mn hot!' I glance at the lady. She's wearing a black bodycon dress na abot hanggang bukong bukong. Wala itong anumang suot na jewellery which only accentuate her long jet-black hair. Nakasuot ito ng simpleng black strappy sandal na bumagay sa suot nitong damit. I thought that only a stiletto would fit on that kind of dress, but that lady gives justice to her style. Oh, boy! And her eyes--- almond shape, fierce and penetrating. I can't take my eyes on her. Patuloy pa rin itong kinakausap ng mga pulis. They're trying to take her I guess sa station. I noticed that she's reluctant and resisting. She keeps on answering back doon sa babaeng sumisigaw sa kanya. Then I noticed the kid. Now I'm curious kung bakit nila gustong dalhin ang babae so I passed by slowly sa kanilang gawi. Nang sobrang lapit ko na sa kanila at mapatingin ulit sa babaeng kausap ng mga pulis ay napatigil ako. ‘She looks familiar.’ Tinitigan kong mabuti ang babae. ‘What the heck! Is that really her?’ Then, when the police were trying to capture her, doon na ako nakialam. I shouldn't have done it pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makialam. I want to confirm kung siya nga talaga ang babaeng iniisip ko. "Si----" Positive! She's the new housemaid. Kaagad ko itong hinila sa gilid para alamin kung bakit ito ini-interrogate ng mga pulis. The moment that my hand touches her skin-- what the heck, I felt a freaking friction. Why do I feel this way, it felt good touching her skin. Bigla ay naguilty ako ng maalala si Janice. Inayos ko ang aking sarili and reminded myself that this lady is just a 'housemaid'. I'm not that desperate to desire our housemaid kagaya ng kaibigan kong si Ismael. 'Be true to yourself, Karim. You're desiring her.' Sulsol naman ng tagong bahagi ng isip ko. Sa hindi malamang dahilan ay pinagsalikop ko ang aming kamay. Bigla ay napapiksi ito sa aking ginawa kaya naman mas hinapit ko pa ito sa bewang. "I told you don't do unnecessary things. Just follow what I say kung ayaw mong dalhin sa kulungan para interrogate. I'm doing you a favor so don't be hard, habibti," oh heck. I can smell her natural scent, and it triggers something on my mind right now. 'Calm down, Karim! Huwag kang pumatol sa katulong. Don't lower your standard just because she's sexy, she's pretty and smells good.' "'Ana asf 'iidha kan hunak su' fahum basit huna. Rafiqati tuhawil faqat musaeidat altiflat li'anaha tabki. Rafiqati la taerif altahaduth biallughat alearabiat walihadha alsabab turid 'iihdar altiflat 'iilaa alshurtat litahdid makan walidiha". "I'm sorry if there's a little miscommunication here. My companion is just trying to help the kid because she's crying. My companion doesn't know how to speak arabic that's why she wants to bring the kid to the police to locate her parents." Paliwanag ko sa mga pulis ng makalapit kami sa kanila. Nakinig naman sa paliwanag ko ang nanay ng bata at ang mga pulis. Bandang huli ay um-okay na sila na hindi na dadalhin ang babaeng kasama ko. Nang umalis na ang mga ito at kaming dalawa lamang ang natira ay nagpasalamat ito sa akin kasabay ng pag-iwas mula sa pagkakapulupot ng aking kamay sa kanyang bewang. I was a bit frustrated kasi para bang ayaw na ayaw niyang mahawakan ko siya samantalang kung ibang babae lamang iyon ay nagkukumahog na sila sa paglantad ng kanilang mga katawan para lamang mapansin ko. But this lady, she's different. "By the way, what's your name again?" "Geraldine po, Sir." Tinanguan ko na lamang ito at sumunod na ito sa akin papunta sa pwesto nina Mama. Nang makarating kami sa loob ng restaurant ay nakita kong masama ang tingin ni Mama at lolo sa akin. Who wouldn't be? Sinabi kong susunod kaagad ako pero natagalan ako dahil tinulungan ko si Geraldine. Nang magawi ang tingin ko sa kasama nila sa table ay biglang umakyat ang dugo sa ulo ko. I saw Hala and her parents. I knew it! This is not a business proposal meeting; this is an arranged marriage proposal meeting! I'm really mad right now! Gusto kong magwala dahil feeling ko ay napagkaisahan nila ako. Uminom ako ng tubig at pabagsak na nilapag ito sa mesa dahilan para mabasag ito. Dahil sa ingay ay napatingin sa aming table ang iba pang guest na kasalukuyang nagdidinner sa loob ng restaurant. "Calm down, habibi. Sit down... nakakahiya at pinagtitinginan na tayo ng ibang table," sita ni Mama sa akin but I don't care. Tinitigan niya ako ng may pagbabanta so I sit in. "I thought that this is a business proposal that's why I came! This is supposed to be a VIP meeting!" Kaagad namang sumabat ang tatay ni Hala matapos marinig ang sinabi ko. Tumingin ito kay Papa nang may pagbabanta. Si Papa naman ay nagpapaliwanag pa ng---- "Karim wa Hala sayatazawajan wahadha nihayiyi!" "Karim and Hala will get married and that's final!" Anunsiyo ni lolo. Lahat ay natahimik. 'I can't take this anymore. I'm not a puppet para diktahan kung sino ang papakasalan ko.' Tumayo ako at lumapit kay lolo. "This is b*llshit! I will not marry Hala and that's also final!" Walang lingon likod na umalis ako ng restaurant. Nakita ko pa si Mama na tumayo din para habulin ako kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. I also switched off my phone para hindi nila ako ma-contact. I need to hide dahil alam kung hahanapin nila ako. I don't want to talk them right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD