Habibi 4 - Sundo

1695 Words
Iba pala talaga kapag mayaman dahil kakain lang ng dinner ay sa Dubai pa talaga kami pumunta. Kumain lang naman kami sa isang mamahaling restaurant sa loob ng Burj Khalifa, ang pinakamataas na building sa buong mundo. Sayang nga kasi hindi ko nakuhanan ng litrato dahil sira ang camera ng cellphone ko. Siguro kapag sumahod ako ay magtatanong ako kay Ate Doray kung saan ako makakabili ng murang cellphone kahit second hand lang basta maganda ang camera para naman mapicturan ko ang magagandang lugar dito kapag nakagala na ako sa day-off ko. Akala ko pagkatapos ng dinner ay uuwi na kami pero namangha pa ako ng sumakay kami sa yate para lamang magkape. Ibang level talaga ang mayayaman dito dahil kape lang, sa yate pa. Ngayon ako nagpasalamat na si Madam ang naging amo ko, at least kahit nakakapunta ako sa mamahalin at magagandang lugar ng dahil sa kanya. Ngayon ko din napatunayan ko na sobrang bait ni Madam dahil kahit katulong lamang ako ay hindi niya ako hinayaang kumain sa ibang table kanina. Kaya lang napansin ko na masama ang tingin ng fiancée ni Sir Karim sa akin lalo na kapag binibigyan ako ni Madam ng pagkain. Hindi siguro nito nagustuhan na kasama ako sa kanilang table dahil alam nitong katulong lang ako o baka guni-guni ko lang na masama ang tingin niya sa akin kasi kapag may pinapaabot siyang pagkain ay sweet naman itong makiusap. Ipinagsawalang-kibo ko na lamang ang napansin ko sa ugali ng fiancée ni Sir Karim, ang importante nakakain ako sa mamahaling restaurant. Marami pang pinag-uusapan sina Madam at ang pamilya ng fiancée ni Sir Karim pero wala din akong may maintindihan kasi salita sila ng salita ng arabic. Kung hindi pa nga siguro tumawag si Sir Walid galing Lebanon ay hindi pa kami uuwi. Hanggang pag-uwi ay panay ang papuri ni Madam sa fiancée ni Sir Karim na maganda ito, sexy, matalino at mayaman. Hindi na ako kumontra sa sinabi ni Madam. Hindi ko naman masyadong kilala ang babae kaya wala akong pakialam. Kapag kinasal naman si Sir Karim at ang babaeng 'yon ay hindi naman sila titira sa villa kaya hindi kami masyadong magkikita, tuwing weekends lang pala kaya okay lang. ***** Miyerkules "Gege! Nasaan ka?" Sigaw ni Ate Doray mula sa living area kaya naman tinigil ko ang paglilinis ng swimming pool at pumasok sa loob. "Bakit Ate Doray?" "Magbihis ka at pupunta tayo ng airport. Susunduin natin sina Sir Walid at Sir Karim. Ngayon ang dating nila." "Ha?! Ngayon na?!" Sabay kaming pumasok sa kwarto at dali-daling nagbihis. "Oo. Si Madam naman hindi ako tinawagan. Baka sobrang busy niya. Dumaan dito si Shahed, siya ang nagsabi sa akin na darating ngayon sina Sir Walid. Nagvoice-message pala sa kanyang watsapp," tarantang sabi ni Ate Doray habang naglalakad kami papuntang garahe. "Eh, Ate Doray bakit hindi tayo sumakay kay Shahed?" takang tanong ko ng tumapat kami sa isang kulay gray na sports car. Ang dami-dami ng sasakyan dito sa garahe apat lang naman sina Madam. "Pasok na!" Pumwesto na si Ate Doray sa driver's seat. Marunong kasi itong mag-drive. Parang all-around kasi ang trabaho ni Ate Doray kina Madam-- driver at tagalinis. Hindi ito magaling magluto kaya ako ang na-assign sa villa, hindi pa ako napunta sa villa ni Sir Karim. Habang nasa daan ay sinabi ni Ate Doray na kaya hindi kami sumabay kay Shahed, ang personal driver nina Madam at Sir Walid dahil kailangang dalhin ni Ate Doray ang sasakyan ni Sir Karim. Pagkatapos kasi naming sunduin ang mga amo ay kay Shahed na kami sasakay kasama si Sir Walid samantalang si Sir Karim ay gagamitin ang sports car dahil doon iyon uuwi sa sarili niyang villa. Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa airport. Grabe, kung sa Pilipinas siguro 'to, baka abutin ka ng siyam siyam bago makarating ng airport kahit siguro malapit ang bahay mo samantalang dito saglit lang nariyan na dahil ang lawak ng mga kalsada. Minsan nga sinasaway ko si Ate Doray na huwag bilisan ang pagmamaneho dahil baka mabunggo kami. Tinawanan lang ako nito at sinabihang kaya mabilis ang takbo niya dahil sports car ang gamit namin at nasa fast lane kami. Kapag kasi binagalan niya ang pagmamaneho ay baka magka-fine daw siya dahil may speed limit ang bawat daan dito sa UAE. Tumango-tango lang ako pero wala akong may naintindihan dahil hindi naman ako marunong magmaneho kaya wala akong alam sa mga do's and don'ts sa kalsada. "Ihi muna tayo. Kanina pa ako naiihi sa villa. Pinigilan ko lang dahil baka lalo tayong matagalan, masasabon ako ni Sir Karim. Bugnutin pa naman 'yon. Ang gusto nila dito ura-urada... 'yong mabilisan!" Sumama na din ako kay Ate Doray kahit hindi ako naiihi. Mahirap nang humiwalay sa kanya at baka mawala pa ako, ang laki pa naman ng airport nila dito. Dahil hindi naman ako naiihi ay sa labas na lamang ako tumambay para antayin si Ate Doray, umupo ako sa isang mahabang upuan na nakaharap sa banyo. "Ahh... excuse me, Miss.." nagulat pa ako ng kinalabit ako ng katabi kong babae. "Kabayan ka?" Nag-isip ako sa tanong saka ko na naalala na kapag Pilipino pala ay kabayan ang tawag. "Oo," nakangiting sagot ko. Mukhang friendly naman ang kaharap ko. "May load ka ba? Ano kasi.. empty battery na ako. Okay lang ba makitawag..? Susunduin ko kasi ang boyfriend ko. Nakababa na siya sa eroplano at kinukuha na lang ang kanilang luggage. Baka tumatawag na 'yon sa akin.." pinakita nito sa akin ang hawak na cellphone. Empty na nga. "Ano kasi.. Miss, pasensiya ka na kasi bago lang ako dito. M-may dala akong cellphone galing Pinas pero wala pa akong simcard dito kaya hindi din kita matutulungan," nahihiyang sabi ko dito. Luminga-linga ito sa aming paligid. "Hmm.. nahihiya din kasi akong lumapit sa ibang tao. Kita mo naman, walang masyadong kabayan," malungkot na pahayag nito. Ngumiti lang ako ng mapakla dito dahil wala naman akong maitutulong sa problema niya. "M-miss..." Tawag ulit nito kaya tumingin ako dito. "B-baka pwedeng e-insert muna ang simcard ko sa cellphone mo. Saglit lang... please?" nagmamakaawa nitong tanong. Mukhang maiiyak na nga 'to. Kahit na nahihiya dahil luma na ang cellphone ko ay pumayag na din akong e-insert niya muna saglit ang kanyang simcard. "Hello! Habibi, where are you?" galak na sabi nito nang sumagot ang tinatawagan, ito na siguro ang boyfriend ng babae. "Sorry na.. my battery was empty. Nakalimutan kong e-charge kanina kasi nagmamadali akong pumunta dito. You know that I'm living in Dubai and you're here in Abu Dhabi. Basta ka na lamang magme-message na darating ka, sana inagahan ko-- okay.. okay.. so where are you na?" habang hawak ang cellphone ko ay panay ang ngiti nito, halatang kinikilig. "Yes.. we're here near sa main entrance. May cafe dito and nakatayo ako ngayon malapit... hey! I think I saw you na," kumaway ang babae at may nakita akong lalaki sa malayo na kumakaway din sa amin banda. Pinatay na ng babae ang tawag at excited na sinalubong ang lalaking kumakaway dito. Kahit na sa malayo ay kitang-kita ko na sobrang tangkad ng lalaki kasi hanggang dibdib lang nito ang babae. Nagyakapan ang dalawa at naghalikan pa. 'Akala ko ba bawal ang maghalikan sa bansang 'to?' saloob-loob ko. Nang matapos ang sweet moments ng dalawa ay nakita kong itinuro ako ng babae. Nakamasid lamang ako sa kanila habang papalapit ang dalawa. "Miss.. thank you so much ha. By the way this is my boyfriend, siya ang sinasabi kong tinatawagan ko," ngumiti ito sa akin ng matamis. Tinanggal na nito ang kanyang simcard at ibinalik sa akin ang cellphone. May kinuha itong pera sa wallet at inabot sa akin. "O-okay lang. Huwag mo na akong bayaran," hindi ko tinanggap ang bigay nitong pera. Ang boyfriend naman nito ay nag-excuse sa amin dahil may tumawag sa cellphone nito. Nagpaalam na ang babae kaya bumalik na ako sa may harap ng banyo. Nakabalik na ako ay hindi pa rin lumalabas si Ate Doray. Akmang papasok na ako sa loob ng banyo nang sa wakas ay lumabas na din ito. "Ate Doray ba't anta---" "Pasensiya ka na at natagalan ako," may binulong ito sa akin at sabay kaming tumawa ng malakas. "Sira ka talaga Ate Doray." Napigil lang ang tawa namin ng mag-ring ang cellphone ni Ate Doray. "Hello, Sir Walid.." nakita kong tumatango si Ate Doray habang kausap sa kanyang cellphone ang asawa ni Madam. "Okay, Sir. We will go home now. Tamam! Tamam!" Pagkatapos noon ay pinatay na ni Ate Doray ang cellphone. Bumaling ito sa akin. "Uwi na tayo." Nauna nang nagmartsa palabas ng airport si Ate Doray kaya nagmamadaling sumunod ako dito. "Akala ko ba susunduin natin ang asawa't anak ni Madam, bakit uuwi na tayo?" takang tanong ko. "Si Sir Walid ang tumawag, umuwi na lang daw tayo dahil nauna nang umalis si Sir Karim dahil may sumundo dito. Nagpahatid na rin si Sir Walid kay Shahed sa office para sorpresahin si Madam. Hindi niya pala talaga sinabihan si Madam kaya pala hindi niya ako tinawagan. Naku sayang, akala ko pa naman ay masosolo natin si Sir Walid ngayon.. hehehe.." tumatawang sabi ni Ate Doray. "Si Ate Doray oh. Pinagnanasahan mo si Sir Walid eh asawa na 'yon ni Madam." "Crush lang naman atsaka kahit naman maghubad pa ako sa harap ni Sir Walid, hindi ako papatusin no'n dahil ded na deds 'yon kay Madam. Kahit naman kasi sino talagang maaakit kay Sir Walid kasi kahit na may-edad na ay matikas at malakas pa rin kaya ang appeal niya. Sinasabi ko sa'yo Geraldine, kapag nakita mo sa personal si Sir Walid baka maihi ka sa kilig," kinikilig pa si Ate Doray na parang nasa harap nito si Sir Walid. Sabagay magagandang lahi nga ang pamilya ni Madam. Nakita ko na ang family picture nila sa living area. Pero kahit na anong gwapo pa nina Sir Walid at Sir Karim sa picture hindi ko sila pagnanasahan. Ewan pero biglang pumasok sa isip ko ang boyfriend ng babaeng nakitawag sa akin kanina. 'Erase sa mind mo ang lalaking 'yon, Gege. Galit ka dapat sa mga lalaki,' pilit kong tinatatak sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD