Habibi 3 - Meet the Fiancee

1675 Words
Kinagabihan ay nakilala ko na din sina Doray at Yara. Na starstruck talaga ako sa kagandahan at kaseksihan ni Madam Yara. Siya na ang pinagpala dahil bukod sa kamukha nito si Mama Mary ay malaki pa ang dibdib nito, maliit ang bewang at malaki ang balakang. Kung nasa Pilipinas lang si Madam Yara, pwede itong artista sa atin. Kahit na mukhang matured itong tingnan, tingin ko matanda lang ako dito ng ilang taon dahil tinawag pa ako nitong ate noong sinabi ko ang aking edad. Si Doray naman-- chubby ito na maliit na babae, kalog, maingay, bungisngis at tsismosa. Nasa lampas kwarenta na daw ang edad nito at labing-limang taon na palang nagtatrabaho kina Madam. Ayon dito ay mabait daw ang pamilya nina Madam. Ang swerte ko nga daw dahil sa kanila ako napunta. Ang pinalitan ko kasing katulong ay pinaalis pala dahil may ginawang kasalanan. Ninakawan pala sila Madam ng mga alahas, gadgets at malaking halaga ng pera. Pasalamat lang daw 'yon dahil kung hindi siya kabayan, baka tuluyan na iyong nabulok sa kulungan dito. Pinadeport nalang nina Madam para hindi na makabalik dito. Pero kung sa ibang employer 'yon, nabugbog muna iyon bago ipapulis at sisiguraduhing mabubulok talaga sa bilangguan dito sa UAE. Isang araw pa lamang ako dito kina Madam ay marami na akong nalaman galing kay Doray.. Ate Doray pala dahil mas matanda siya sa akin, napakatsismosa talaga. Sukat ba namang itsismis sa akin na dating sekretarya pala ni Sir Walid si Madam, Aurora daw ang pangalan ni Madam. Dapat ay ikakasal na si Sir Walid sa third cousin nito na in-arranged ng kani-kanilang pamilya pero matagal na palang may lihim na pagtingin si Sir Walid kay Madam. Nang malaman na ikakasal na si Sir Walid ay nagdesisyon si Madam na umuwi ng Pilipinas at hindi na nag-renew ng kontrata pero itinanan ni Sir Walid ang sekretarya at sinuway ang utos ng magulang kaya naman itinakwil ito ng kanilang buong angkan. Hindi naman natinag si Sir Walid sa galit ng kanilang buong angkan dahil mayroon itong itinayong sariling negosyo at lumago iyon. Nang ipinanganak na nila si Sir Karim, doon na lumambot ang puso ng mga magulang ni Sir Walid at tinanggap ulit sila. Ngayong malaki na si Sir Karim, dito balak ituloy ng kanyang lolo ang planong ipagkasundo ito sa apo ng kanilang kasosyo. Ang siste, alam nina Madam at Sir Walid ang plano ng matanda at pumayag ang mga ito sa planong arranged marriage dahil gustong-gusto ni Madam ang dalagang ipinagkasundo kay Sir Karim. Ang problema, baka hindi naman pumayag si Sir Karim dahil ayaw na ayaw nitong pinapakialaman ang buhay nito lalo na pagdating sa pag-ibig. Playboy kasi ang panganay nina Madam at ayaw nito sa mga arabic na babae. Ang mga dine-date nito ay Russian, Ukrainian, European at nitong huli ay mga Pilipina na siyang pinakaayaw ni Madam. Isa din pala 'yon sa pinagtatakhan ni Ate Doray kung bakit ayaw ni Madam na magkaroon ng relasyon si Sir Karim sa kapwa Pilipina. Dapat nga matuwa si Madam na gusto ni Sir Karim ang Pilipina dahil si Madam nga pinakasalan si Sir Walid na ibang lahi, isa siyang Lebanese National. Kaya nga ano ang inaayaw ni Madam sa mga kapwa Pilipina? Iyon ang paulit-ulit na kwento sa akin ni Ate Doray. Sa sobrang dami ng tsinismis sa akin ni Ate Doray ay hindi na ko na narinig pa ang iba nitong kinukwento dahil nakatulog na pala ako. Isa pa ang pinunta ko dito ay trabaho at hindi ang pagtsismisan ang buhay ng aking mga amo. *********** Isang linggo na ako dito kina Madam at unti-unti ko nang nagagamay ang mga trabaho na tinuro sa akin ni Ate Doray. Naikot ko na din ang buong villa at kahit papaano ay medyo nakabisado ko na ang bawat sulok nito hindi katulad dati. Tama nga si Ate Doray na swerte nga ako sa amo dahil sobrang bait nga ni Madam. Hindi ko akalaing sa yaman at hitsura nito ngayon ay napaka-down to earth pa rin nito. Sosyal man itong tingnan ay nagtatrabaho ito sa loob ng bahay kapag umuuwi galing sa opisina, ang awkward nga tingnan kung naglilinis ito dahil ang suot na pambahay ay parang a-attend ng party, pusturang-pustura pa rin kasi. Kabaliktaran talaga ng mukha ni Madam ugali nito. Sa unang tingin kasi ay hindi nga mapagkakamalang Pilipina si Madam, mukha kasi itong maarte dahil putok na putok ang labi nito na animo'y kinagat ng bubuyog- ito daw ang uso ngayon sa mga mayayamang babae dito, ang magpa-lip fillers sabi ni Ate Doray. Payat din si Madam na matangkad, sobrang tangos na ng ilong nito at laging naka-makeup na parang bruha. Kung hindi lang pinakita sa akin ni Ate Doray ang dating picture ni Madam, hindi ko talaga aakalaing ang dami nitong pinaretoke. Ang laki talaga ng ginanda nito noong sekretarya pa lamang ito ni Sir Walid. Sina si Sir Walid at Sir Karim naman kaya hindi ko pa nakikita dahil nasa Lebanon ang dalawa. Pinauwi sila ng tatay ni Sir Walid dahil maysakit ang matanda. Ang alam ko ngayong linggo na sila babalik pero hindi ko alam ang eksaktong petsa kaya kinakabahan ako kapag nakita ko na sila ng personal. Hindi ko pa kasi alam kung mabait din ba ang mag-ama katulad nina Madam at MadamYara. Speaking of Madam Yara, ang kwento ni Ate Doray ay nasa Dubai ito nakatira. Doon ito in-assign ni Sir Walid para pamahalaan ang kanilang real estate, interior design company at furniture decoration business. Walang pinapadalang katulong doon sina Madam dahil ayaw ni Madam Yara. Marunong naman ito sa gawaing bahay katulad ni Madam kaya okay lang na huwag nang pumunta doon si Ate Doray. Mas gusto nito na mag-isa sa sariling flat. Noong bagong dating ako ay hiniram lamang pala ni Madam Yara si Ate Doray na maglinis sa kanyang flat dahil nasa Saudi ito para sa ilan nilang nilang projects kaya doon ako gustong ipahatid ni Madam sa villa ni Sir Karim. Samantala, Sir Karim naman ay may sarili ding villa dito sa Abu Dhabi dahil dito ito naka-assign, narito kasi ang kanilang main office at factory. Ang yaman talaga, may kanya-kanya silang bahay kahit na ang laki-laki nitong villa, hindi pa talaga sila nakontento na sa iisang villa lang nakatira. Kaya pala may mga araw ng weekdays na wala si Ate Doray dito sa villa dahil may schedule pala ito ng linis sa villa ni Sir Karim. Pero kahit naman may sarili na itong villa ay umuuwi pa rin daw ito dito sa villa nina Madam tuwing weekend dahil iyon ang gusto ni Madam. Natigil ako sa paghihiwa ng mga sangkap na lulutuin para sa aming dinner ni Madam ng marinig ang pagbukas ng gate at pagpasok ng ilang sasakyan sa garahe. Kakaiba 'ata ngayong araw dahil ang aga ni Madam, ang normal na uwi nito ay mga alas-otso o alas-nuwebe ng gabi, pero ngayong araw ay mag-aalas siyete pa lamang pero bakit narito na ito. Sino kaya ang mga kasama ni Madam? Pasimple akong sumilip sa living area dahil nahihiwagaan ako kung sino ang kasama ni Madam. Hindi naman nila ako makikita dahil may malaking decorative base na nakadisplay sa corridor papunta dito sa kusina. Unang pumasok sa loob ng living area si Madam at mayroon itong kasunod na may-edad na lalaki at babae na sa tingin ko ay mag-asawa. Walang katapusang halikan sa pisngi ang ginawa nilang tatlo pagkatapos ay inaya ni Madam ang dalawa na umupo sa magarang sofa. Napansin kong iniwanan na ni Madam ang dalawa at naglakad papunta sa direksiyon ko kaya mabilis akong bumalik sa aking pwesto. Saktong paghawak ko nang kutsilyo ay pumasok si Madam. "Geraldine, habibi, may mga importanteng bisita ako sa labas. Bigyan mo muna sila ng tea or coffee or sweets. Pagkatapos ay itabi mo lang itong hiniwa mo dahil hindi tayo kakain dito. Magdi-dinner tayo sa labas at isasama kita. Magbihis ka pagkatapos mong mag-serve ng inumin sa kanila. Magpapalit lang ako ng damit kaya dumaan kami dito." Pagkasabi noon ay umalis na si Madam kaya wala na akong choice kundi sundin ang ipinag-uutos nito. Nilabas ko ang mga bisita at binigyan ng inumin. Pagkatapos ay nagbihis dahil isasama ako ni Madam. Kahit na nahihiya sa mga kasama dahil first time kong kumain sa labas ay wala akong nagawa, utos ni Madam kaya dapat kong sundin. Sakto lamang ang paglabas ko sa living area dahil ilang minuto lang ay pababa na sa staircase mula sa taas si Madam. Napakasosyal talaga nitong tingnan sa suot nitong mamahaling damit at bag. "'Ana asf 'iidha jaealtkuma tantazirani. yumkinuna 'an nadhhab alan - bialmunasabati, 'ayn halatu?" "I'm sorry if I make you two wait. We can go now-- by the way, where is Hala?" tanong ni Madam sa dalawa habang nakasunod lamang ako sa kanila palabas ng villa. Pagdating namin sa garahe ay tumigil ang mag-asawa at itinuro ang isang sasakyan. "Anaha huna!" "She's here!" Mula sa isang sports car na kulay red na nakapark sa likuran ng sasakyan ni Madam ay umibis mula sa driver's seat ang isang super sexy at napakagandang babae. Bawat lakad nito ay umaalog ang dibdib nito at umiindayog ang balakang. "Hala, aishtaqtuluk ya, habibti. Karim mawjud fi lubnan alan walakin rubama yawm alaithnayn 'aw althulatha' sayakunun huna mae walidi. Eindama yatuna, yumkinuna 'an natahadath bishakl sahih ean hafl alzifaf alkhasi bika." "Hala, I miss you, habibti. Karim is in Lebanon right now but maybe on Monday or Tuesday he will be here with Walid. When they come, then we can talk properly about your wedding." Nakipagbiso si Madam sa kausap nito at halatang gustong-gusto niya ang babae. Ilang kamustahan pa sa salitang arabic na hindi ko maintindihan ang ginawa ng dalawa at nagpaalam na ang babae na babalik sa sarili nitong sasakyan. Nang makapasok na ang babae ay saka bumulong sa akin si Madam. "Siya si Hala, ang fiancee ni Karim. Dapat na maging mabait ka sa kanya dahil siya ang napili namin ni Walid na mapapangasawa ni Karim." "Ha--- ah, okay po, Madam!" "Tayeb, good!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD