Habibi 15 - Day-off

1472 Words
Grabe! Masyado akong nag-enjoy sa gala namin nina Daisy kasama ang boyfriend nito. Nung una ay natakot pa ako pagkahatid namin kay Ate Doray dahil kami na lamang dalawa sa sasakyan nito pero nang makarating ako ng maayos sa bahay nila Daisy ay nakahinga ako ng maluwag. Safe naman pala ang boyfriend ni Daisy. Tatlong lugar sa Dubai ang pinuntahan namin- ang Dubai Miracle Garden, Burj Khalifa at Palm Jumeirah. Nadismaya pa nga ako nung una kay Daisy kung bakit tatlo lang pero hindi ko akalain na doon pa lang sa Miracle Garden ay ubos na ang oras namin kakagala at picture picture. Kahit na nakarating na ako ng Burj Khalifa ay mas nag-enjoy ako ngayon dahil kasama ko si Daisy. Noong sina Madam kasi ang kasama ko nahihiya pa ako kaya hindi ako masyadong tumitingin sa paligid. Dahil isang araw lang ang day-off ko ay nagpaalam na ako kay Daisy na uuwi sa villa kahit gabi na may pasok pa ako bukas. Hindi naman pumayag si Daisy na mag-commute ako dahil sobrang mahal ng bayad sa taxi kaya hinatid ako nila ako pabalik ng Abu Dhabi. Bago ako bumaba sa kanilang sasakyan ay nabigla pa ako ng abutan ako ni Daisy ng dalawang malaking paper bag. "Para sa'yo 'yan. Marami na akong mga gamit dito dahil lagi akong binibilhan ng aking habibi kaya kapag may mga sale ay binibilhan din kita. Alam ko wala kang masyadong dalang damit kaya ako na pumili niyan para sa'yo. May bag, make-up, sandals at mga accessories din diyan na para kapag naisipan mong gumala mag-isa ay may magamit ka." Nakangiting wika ni Daisy. "Thank you talaga ha. I love you na talaga, bestfriend. Pasensiya ka na kung hindi ko kayo pwedeng papasukin dahil hindi ko naman bahay 'to. 'Di bali, sa susunod treat ko kayong dalawa para naman makabawi ako." Naiiyak kong wika kay Daisy. "Ano ka ba, naiintindihan ko 'yon kasi hindi naman sa'yo ang villa. Mas mabuting hindi ka talaga magpapasok ng ibang tao para na din sa safety mo. Sige kapag gumala ulit tayo ay ikaw na ang manlilibre sa amin. Mauna na kami. Ingat ka, bestfriend ha. 'Bye!" "Ingat sa biyahe, bye!" Kumaway pa ako sa kanila hanggang sa mawala sa paningin ko ang kanilang sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng villa at doon dumaan sa pool banda papuntang kitchen area. Pwede naman akong dumaan sa main door dahil may duplicate ako kaso nakakahiya naman na doon pa ako dumaan. Click! Dahan-dahan ay pumasok ako at maingat na isinara ang pinto. Okay lang naman kahit mag-ingay ako ng kaunti dahil alam kong wala din namang may makakarinig sa akin, tulog na 'yong bagong kasambahay at mas lalong hindi dinig sa taas ang ingay dito sa baba. "How's your date? Hindi---" "Ay palaka!" Sa sobrang gulat ay napahawak na lang ako sa aking dibdib. Mabuti at wala akong sakit sa puso, baka inatake na ako kung meron. "Magugulatin ka pala!" Parang walang anumang binuksan nito ang malaking fridge at kumuha ng alak. Naglalasing ba ito? "Do you drink?" "Hindi po, Sir!" "Then, can you just accompany me? I just want a companion." Ano naman kaya ang problema nito? Makita pa kami ni Madam dito baka kung ano pa ang isipin no'n. "Sorry, Sir. Inaantok na po kasi ako. Mauuna na--" "Are you not allowed to mingle with other guys dahil baka magalit ang boyfriend mo?" biglang sabi nito. Napakuno't noo ako sa sinabi nito. Sinong boyfriend? Ah baka 'yong boyfriend ni Daisy. Baka akala niya mag-boyfriend kami dahil nakita niya ako sa sasakyan nito noong nakaraan. "Hindi ko po siya--" "Okay! Heck, bakit ba ikaw ang gusto kong ayain.." pinutol nito ang paliwanag ko sana at iniwanan ako dala ang alak at baso. Parang sira si Sir Karim. Teka? Parang lasing 'ata si Sir Karim. Nagtaka pa ako dahil hindi ito dumaan papunta sa loob kundi lumabas sa pinto kung saan ako pumasok. Ayoko sanang sundan ito pero nag-aalala ako dahil baka malasing ito at kung ano pa ang gawin. Ipinasok ko lang muna ang mga dala-dala ko sa aming kwarto. Muli akong lumabas ng villa para hanapin si Sir Karim. Nakita ko ito sa may pool area. Bigla na lamang nito binato ang hawak na baso kaya ang tangka ko sanang paglapit ay natigil. Natakot ako sa inasal nito kaya nagtago muna ako sa ano nga ang tawag dito.. peg.. per.. pergola pala naalala kong sabi ni Ate Doray, mabuti at malalaki ang mga poste nito kaya hindi ako makikita. Kapag sure akong okay na 'to ay papasok na ako para matulog. Maya-maya ay nakita ko itong may tinawagan. Ilang minuto muna itong nag-dial bago may sumagot sa kabilang linya. "Janice, please... don't break up with me!" Nagsalita ang nasa kabilang linya kaya nakinig muna ito. "I have a proposal to you 'coz you don't want to meet up with me. I love you so much, you know it. Damn*t!" Huminga ito ng malalim at parang nakinig naman ang kausap nito sa kabila. "I know this is not the proper way to tell you this but I have no choice. Janice, I don't love Hala. I will marry her but just give me one year... give me at least a year, Janice. After that I will divorce her--" . . "-- okay... I will go to your place tomorrow so that we can settle everything. I've already meet up with Hala's family and we agreed that we will announce the official engagement after two weeks and after a week we will get married." . . "If it's not for lolo, I would have proposed to you instead of Hala that's why I introduced you to my family." . . "Okay, see you tomorrow. 'Bye, honey!" . . "Love you too!" Na-shock ako sa narinig. Pakakasalan ni Sir Karim si Madam Hala pero plano niya ring e-divorce para magsama ulit sila nung Janice. Hindi ko alam kung maaawa ba ako kay Madam Hala dahil alam ko namang napilitan lang naman si Sir Karim sa kanilang kasal. Pero mali pa rin ang gagawin nito kay Madam Hala dahil parang panloloko iyon sa side ni Madam Hala. Bahala sila diyan. Makaalis na nga. Pati ako ay nagiging tsismosa na, nahawa na rin ako kay Ate Doray. Aalis na sana ako dahil mukhang okay naman si Sir Karim ng bigla akong dumighay. "Who's there?!" 'Patay!' Palatak ko sa aking isipan. Sa sobrang dami ng nakain ko sa bahay nila Daisy, ngayon pa talaga ako napadighay. Hindi naman ako pwedeng umalis dito dahil makikita ako ni Sir Karim. Mabubuking niyang kanina pa ako nakikinig. Nakakatakot pa naman ito magalit. 'Mama Mary, sana ay mag-milagro at pumasok na lamang ito sa loob!' Taimtim kong dalangin habang naglalakad ito papalapit sa pwesto ko. Halos pumutok na ang dibdib ko sa sobrang kaba ng maramdaman na tumigil sa kabilang side ng poste si Sir Karim. Mabuti na lamang at hindi pa naayos ang mga ilaw sa boundary wall kaya madilim sa gawi ko. "K-karim...?" Si Madam, gising pa... "Mama..." "Habibi, ikaw lang pala ang nandiyan. I heard someone is talking... ikaw ba 'yon? Are you with someone here?" 'Salamat, Mama Mary! Nag-milagro ka nga! Mabuti na lang at dumating si Madam!' Kahit na nabawasan ang aking kaba ay hindi pa rin ako humihinga dahil hindi pa sila umaalis sa kanilang pwesto. 'Umalis na kayo para makapasok na din ako. Inaantok na ako.' "I'm alone, Ma. Baka guni-guni mo lang 'yon. I'm sleepy-- matutulog na'ko!" Isa sa kanila ang naglakad na paalis. "Wait, Karim-- I know masama ang loob mo sa amin. Sa akin, sa Papa at sa lolo mo. We're doing this for your own good. You may hate me but I'm only thinking what's the best for you." Ramdam kong tumigil sa paglalakad si Sir Karim. "Really, Ma?" nakakauyam ang tinig ni Sir Karim. "Karim.. habibi, it would be different kung normal na tao lamang tao. But, we have names to protect, we have businesses that we need to protect to stay on top. You're a businessman yourself and you know how dirty our world could be. Finding true love is difficult.. it's always about the money, fame and connection." "Tch! Yeah, you're right, Ma, that's why I'm marrying Hala. Happy now.." Saka mabilis na umalis si Sir Karim. Hindi pa rin ako umaalis sa aking pwesto dahil alam kong hindi pa pumapasok si Madam. Nagulat pa nga ako ng narinig ko ang paghikbi nito. Ilang minuto itong umiyak at ng makabawi ay saka pumasok na sa loob. Ako naman ay naiwang nakatulala sa aking narinig. Ang hirap din palang maging mayaman, wala kang choice kung sino ang iyong mamahalin. Akala ko nga sa Pilipinas lang nangyayari ang ganoon, mas malala pala dito. 'Mabuti na lang pala at mahirap kami, pera lang ang problema ko hindi lalaki.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD