Habibi 14 - Flirt

1383 Words
"Gege, 'yong mga bilin ko sa'yo ha. Tandaan mo ang gusto at ayaw ni Sir Karim. 'Yong mga display sa villa niya, ayaw no'n na pinapakialaman ang gamit niya. Nakuha mo ba lahat?" aligagang sabi ni Ate Doray sa akin. Dino-double check na naman nito ang laman ng kanyang mga luggage. Mamayang gabi na kasi ang flight niya pauwi ng Pinas kaya walang sawa ito sa pagpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay. "Opo." "Speaking of Sir Karim, 'di ba nakauwi na siya. Nakonsensiya siguro dahil sa nangyari kay Baba, ayon pumayag na na magpakasal kay Madam Hala." Dagdag na kwento nito sa akin. "Talaga?" "Sayang, baka kapag official nang in-announce 'yong engagement nila hindi pa ako nakakabalik dito, hindi ko masasaksihan ang party nila. Malamang bongga siguro ang party kapag ganoon." "Paano na ang girlfriend no'n, 'yong dinala niya dati? Pinaglaban pa naman niya 'yon." "Wala na 'yon. Malamang kung sa'yo din mangyari 'yon pipiliin mo siyempre ang kapamilya mo kahit na hindi mo gusto. Kaya malamang niyan hiniwalayan na 'yon ni Sir Karim." "Sayang din sila ano, mas bagay silang dalawa kesa do'n kay Madam Hala." "Kaya nga, pero anong magagawa natin, that's life.. minalas lang si Sir Karim kaya hindi nakaligtas sa arranged marriage. Oy, maiba tayo, ihatid moko mamaya sa airport ha at ako na ang bahalang magbayad ng taxi mo pabalik dito. Hindi kasi pwede si Shahed sabi ni Madam kasi tapos na ang duty no'n." Biglang liko ni Ate Doray sa usapan. Tapos na itong ayusin ang kanyang luggage kaya naupo na sa kanyang kama. "Tamang-tama, Ate Doray, ihatid ka na lang namin ni Daisy sa airport. Hindi ko pala nasabi sa'yo na susunduin nila ako ng boyfriend niya mamayang gabi din. Off ko bukas kaya isasama daw nila akong mamasyal sa Dubai. Nagpaalam na ako kay Madam na susunduin ako mamaya ng bestfriend ko tutal ay darating na din mamayang hapon ang reliever mo," excited na wika ko. "Oy, mas mabuti nga 'yon para hindi na ako gumastos. 'Yong reliever ko pala ha, bantayan mong maigi baka naman may attitude 'yan. Minsan kasi kapag matatagal na dito ay may mga attitude 'yang mga 'yan hindi kagaya sa mga baguhan na tulad mo, mabait." "Ibig sabihin, Ate Doray, kapag tumagal na din ako dito baka magka-attitude na din ako?" biro ko dito. "Hahaha.." tumawa ito. "Hindi. Ang ibig kong sabihin, ikaw kasi galing Pinas pero minsan 'yong ibang kasambahay na matagal na dito at palipat-lipat ng mga amo, mauutak ang mga 'yan. Alam na nila kung kelan lang magtatarabaho.. hindi naman lahat pero halos lahat." "Oy, judgmental ka naman, Ate Doray." "Ah, basta. Mamaya makikita ko din naman siya bago ako umalis kaya titingnan ko kung okay siya. Atsaka huwag mong kalimutan e-lock 'yang mga bag at maleta mo kapag iba ang kasama mo ha. Huwag basta magtitiwala." Dagdag pang paalala nito. "Si Ate Doray, uuwi na madami pang paalala. Opo!" Bandang hapon nga ay dumating na ang reliever ni Ate Doray. May edad na ito, siguro malapit na sa singkwenta. Payat ito na halos kasingtangkad ko lamang. Kinausap ito ni Ate Doray at pinaalalahanan ng mga gagawin habang wala ito. Ito pansamantala ang magluluto sa villa kapag ando'n ako sa villa ni Sir Karim. Do'n din ito matutulog sa kama ni Ate Doray kaya pinalitan na ni Ate Doray ng beddings ang kama. Tingin ko naman ay okay naman si Manang Tessie, ang reliever ni Ate Doray. Nang dumating na ang gabi ay tumawag na sa akin si Daisy. "Ha? Bakit siya lang? Baka naman hindi niya alam papunta dito sa amin-- okay sige tatawagin ko si Ate Doray para makausap mo," tinawag ko nga si Ate Doray at pinakausap kay Daisy. Matapos nilang mag-usap ay kinuha ni Ate Doray ang number ni Daisy at nag-send ng location sa whats@pp. "Huwag kang mag-alala, Gege. Kakausapin ko mamaya ang boyfriend ng bestfriend mo para huwag kang matakot." "Ha? Bakit ako matatakot?" takang tanong ko. "Ano kasi, siya lang ang makakasama mo papuntang Dubai. Ito nag-message na ako sa whats@pp ng bestfriend ng location natin kung saan tayo susunduin. Isesend niya rin ang picture ng sasakyan ng boyfriend niya para hindi tayo mamali ng papasukang sasakyan." "Ha?! Pwede naman tayong mag-taxi na lamang. Nahihiya ako kasi kaming dalawa lamang pala ng boyfriend ni Daisy ang magkasama sa sasakyan. Hindi na lang ako aalis dito. E-message ko na lang si Daisy na sa susunod na lamang kami magkita." Ano ba naman 'to si Daisy. Inabala pa ang boyfriend na maghatid sa amin tapos wala pala siya. "Hayaan mo na, kasi on the way na dito ang boyfriend niya. Kikilatisin ko mamaya kung okay para mapanatag ka. Atsaka hindi ka naman siguro ipagkakatiwala ng bestfriend mo sa boyfriend niya kung wala siyang tiwala doon." "Si Daisy talaga oh. Sige, antayin na lamang natin siya dito. Sasabunutan ko talaga 'yan si Daisy 'pag nagkita kami." "Sige, siguro mga isang oras ay narito na 'yon kasi nasa kalagitnaan lang naman tayo ng Dubai at Abu Dhabi. Tatawag daw ang boyfriend no'n kapag nasa labas na ng gate kaya ready ka na dapat ha." Tumango lamang ako at inilagay sa bag ang damit na dadalhin kong pamalit sa bahay nina Daisy. Si Ate Doray naman ay ready na din. Malapit na ang isang oras ng may tumawag dito. "Yes..." "Okay.. you're the boyfriend of Daisy.. you're near already.." "Fifteen to twenty minutes you will be here? Okay.. We will go outside the gate so that you will see us..." "Okay.. bye.." Pagkapatay ng cellphone ay kaagad na sinabihan ako ni Ate Doray na sumunod na sa kanya sa labas dahil parating na ang sundo namin. Hindi nga nagtagal ay may nakita kaming sasakyan kagaya ng sinend ni Daisy kay Ate Doray. "Ayan na, Gege. 'Yan na ang sasakyan ng jowa ng bestfriend mo." Kaagad na pinara iyon ni Ate Doray. Nang huminto ang sasakyan ay lumabas ang boyfriend ni Daisy. 'Ito ba ang boyfriend ni Daisy? Gwapo nga infairness, pero mas bata siya sa personal. Mukhang harmless at mapagkakatiwalaan naman pala.' Nakampante ako ng makita ang boyfriend ni Daisy. Kinausap ito ni Ate Doray at pinasok na namin ang kanyang gamit sa likuran ng sasakyan. "Wait... just me five minutes, I will go to washroom first--" "Ate Doray, saan ka pupunta?" "Magbabanyo kasi parang naihi na naman ako." "Ayan ka naman, Ate Doray. Bilisan mo lang ha. Baka abutin ka naman ng isang oras sa banyo." Paalala ko dito. "Huwag kang mag-alala, mabilis lang ako promise." Saka mabilis na pumasok si Ate Doray pabalik sa loob ng villa. Nang makaalis ito ay kinausap naman ako ng boyfriend ni Daisy. Nauna na kasi akong pumasok sa sasakyan at umupo sa front seat dahil ang sabi ni Ate Doray, pangit daw kapag walang katabi ang boyfriend ni Daisy dahil magmumukha itong driver namin. Medyo nailang pa ako noong una pero bandang huli ay nakagaanan ko rin ito ng loob. Bata pa nga ang lalaki at parang kasing edad lang ng kapatid ko. Feeling ko ay safe naman ako dito dahil kung makakwento tungkol kay Daisy ay parang patay na patay ito sa bestfriend ko. Ilang minuto na rin kaming nag-uusap ng biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan namin. Binaba naman ng boyfriend ni Daisy ang bintana niya para tingnan kung sino ang kumatok sa kanyang sasakyan. Gano'n na lang ang gulat ko ng makilala ang lalaking kumatok sa aming sasakyan. "Sir Karim?!" "G-geraldine...?" nakakunot ang noo ni Sir Karim ng makita ako sa loob ng sasakyan. "Why are you here? Ang who's this guy-- Anyway, please can you move your car because you're blocking the way." Hindi na ako nito hinayaang sumagot. Bumaling ito sa boyfriend ni Daisy at inutusang padaanin ang sasakyan atsaka parang bulang naglaho na lamang. "Who's that guy?" takang tanong ng boyfriend ni Daisy. "He's my boss, he's the owner of that villa," turo ko sa villa na pinaggalingan namin ni Ate Doray. "Ohh... okay, that's why he's pissed off because I'm blocking the way," napapailing na lamang na pinaandar nito ang sasakyan at umusog paharap. Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si Ate Doray. "Sino kaya ang flirt na sinasabi ni Sir--- ay pasensiya na kung natagalan ako ha. Sorry ha, pwede na tayong umalis." "Okay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD