Reminiscing the past

1161 Words
I SEE A MONSTER CHAPTER FIVE Nanghihina pa si Aro subalit nakabalik na siya sa kanilang mundo. Dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Arkanius ay nakaya nitong pabalikin siya sa kanilang kaharian. Nagngitngit ang kalooban ng binata at naikuyom ang kanyang mga kamao. Kahit kailan ay hindi niya mahihigitan ang kapangyarihan ng kanyang kapatid. Na labis niyang pinagtataka, iisa ang kanilang pinanggalingan subalit bakit magkaiba sila ng kapangyarihan? "Let me guess Aro, nabigo ka sa iyong mission." Tinig ng kanilang amang hari, ang namumuno sa angkan ng mga werewolf. Hindi sumagot si Aro, nagtagis ang kanyang bagang. "How can you inherit my throne if the simple mission is you can't succeed." Patuloy ni Donnington. "Ama, ngayon lang ito! Maaaring nabigla lang ako sapagkat may kasama siyang immortal." Sagot ni Aro. Kumunot- noo si Donnington at kumislap ang kanyang mga abuhing mata. Maaaninag doon ang poot at galit na nakarehistro mula rito. "At talagang nasa daigdig pala siya ng mga tao," mariing wika ni Donnington. "Yes, father! At nilabanan niya ako just to saved that human!" tugon ng binata. Nagbagong anyo si Donnington, mula sa posturang tao hanggang sa napakalaking abuhing wolf. Umalulong ito at nanlisik ang mga mata. Tumingin sa kalangitan at kumidlat- kidlat. Napatungo naman si Aro, alam niyang galit ang kanyang ama. "Ginagalit talaga ako ni Arkanius! Bibigyan ko pa siya ng dalawang pagkakataon, magsisi man siya huli na ang lahat!" wika ni Donnington. "Kung gayon, magpapaalam na ako ama! Kailangan kong gamutin ang aking mga sugat," sagot ni Aro. Tumango ang kanyang ama at muling bumalik sa dati nitong anyo. Naglakad ito pabalik sa loob ng kastilyo. Sikreto lamang nilang dalawa ang paghahanap ni Aro sa kanyang kapatid. Nakakatiyak siyang kokontra ang kanyang nakakatandang kapatid kapag nalaman niyang pinapahanap niya si Arkanius at sapilitang ibabalik sa kanilang mundo. "Saan ka galing, Donnington?" tinig ni Yayoh. "Kailangan ko pa bang sabihin ang lahat ng aking mga gagawin, mahal kong kuya?" tanong din ni Donnington. Tinitigan ito ni Yayoh saka napabuntonghininga. Naglakad ito papalapit sa kapatid. "Alam kong pinapahanap mo si Arkanius, binata na siya alam na niya ang kanyang ginagawa." Sabi nito. "Alam? Nasa mundo siya ng mga tao, mga taong maaaring magdulot sa kanya ng panganib. Kung hindi siya babalik dito sa lalong madaling panahon, maaaring doon na rin siya mamamatay!" galit na sagot ni Donnington. "Kapatid ko, hindi lahat ng tao ay masasama! May natitira pa ring mabubuti sa kanila," tugon ni Yayoh. Ngumisi si Donnington at natitigan ang kapatid. "Hindi pare- pareho? Madali ka yatang nakalimot, sino ba ang nagsadlak sa ating mga lobo upang lisanin ang kanilang mundo?" galit pa ring wika ni Donnington. "Hindi ako nakalimot, nasa puso at isip ko pa rin ang nakaraan. Subalit kung mamumuhay tayo sa nakaraan, hindi tayo uusad." Sagot ni Yayoh. Inilapit nang husto ni Donnington ang kanyang mukha sa mukha ng kanyang kapatid. Pinakatitigan niya ito at halos maningkit na ang mga mata niya. "Puwes, hindi ako! Hindi ko nakakalimutan, halos gabi- gabi ko pa ring nakikita ang mga nangyari. Hindi ikaw ang nawalan ng asawa, kuya!" mariing sabi nito. Nagbaba nang tingin si Yayoh at napatango- tango. Tinapik niya sa balikat ang kapatid. "Easy, Donnington. But please, take an easy to Arkanius alam mong explorer ang anak mong iyun. Anyway, nawalan din ako ng anak huwag mong kakalimutan 'yan!" wika nito at lumakad na paalis. Naiwan naman si Donnington na tulala. Nakalimutan niyang, nawalan din pala ng anak ang kanyang kapatid. Ngunit mas masakit ang sa kanya, nawalan siya ng kabiyak sa buhay. Maliliit pa lamang ang kanilang mga supling. At nang dahil sa mga masasamang tao na kagaya ng mga kahalubihilo ngayon ni Arkanius. At kailangan niyang maibalik ang kanyang bunsong anak sa lalong madaling panahon. Bago pa man ito saktan ng mga mortal sa mundong ginagalawan niya ngayon. "Nanggaling ka na naman ba sa ating pinuno, mahal kong asawa?" bungad ni Farrah sa asawa. Ngumiti lang si Yayoh sa kanyang kabiyak at inakbayan niya ito. Naupo sila sa bangko at sabay na napatingin sa kalawakan. "Kailangan niya ng gabay mula sa kanyang kapatid. Lalo na kapag lumilihis na siya ng landas," sabi nito sa asawa. Napatingin si Farrah sa mukha ng kanyang asawa. Kapagkuwan ay humilig ito sa dibdib ng kabiyak. "Hindi pa ba bumabalik ang batang iyun?" tanong nito. "Hindi pa, pinapahanap na nga siya ng kanyang ama. Nangangamba akong baka mas lalong magrebelde si Arkanius dahil sa kanyang paghihigpit." Sagot ni Yayoh. "Hindi mo siya masisisi, ako man din ay sumang- ayon sa patakarang iyun. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa mundo ng mga tao at makisama sa mga ito. Kailangan nating sumunod lalo pa't anak siya ng pinuno," saad ni Farrah. Bumuntonghininga si Yayoh. "Hindi mo naiintindihan, Farrah. Magkaiba ang pagpapatupad sa mga patakaran at sa pagdidisiplina ng anak." Tugon nito. "Subalit, Yayoh anak niya si Arkanius. Walang magulang ang may gustong saktan ang anak," wika ni Farrah. "Malalaman mo rin ang ibig kong sabihin, sa ngayon magpahinga ka na at malamig na ang simoy ng hangin." Turan ni Yayoh. Napipilitang tumango si Farrah. Alam niyang gusto lang mapag- isa ang kanyang asawa. Nasanay na rin ito subalit may mga gabing pati siya ay nalulungkot. Mas apektado kasi ang kanyang kabiyak sa pagkawala ng kanilang anak dahil sa naganap na digmaan. Digmaang nagdulot upang sila ay lumayo at lisanin ang mundo ng mga tao. Nalaglag ang mga luha ni Farrah at malungkot na nilingon ang asawa. Wala sa sariling nahaplos niya ang kanyang tiyan saka napasinghot. "Matulog ka na, Farrah. Mamamasyal tayo sa eternal garden bukas," untag sa kanya ni Yayoh. Agad na pinahid ni Farrah ang kanyang mga luha. Pinilit niyang ngumiti at pinasigla ang kanyang boses. "Mainam mahal ko! Gusto ko ring mamasyal doon bukas," sagot niya. Ngumiti si Yayoh at muling tumingala sa kalawakan. Tumalikod naman si Farrah at mabilis pumasok sa kanilang silid. Ayaw niyang umiyak, subalit muli itong napaluha. Nangungulila rin siya sa kanilang nawalang supling. Subalit kung pati siya ay panghinaan ng loob, ano na lang ang mangyayari sa kanilang mag- asawa? Kaya, pinipilit niyang tatagan ang sarili. Masakit man subalit kailangan niyang tanggaoin na wala na ang kanilang anak. Hindi na ito babalik sa kanila, hindi na nila ito masisilayan magpahanggan kailan pa man. Alam niyang hanggang sa ngayon ay hindi pa natanggap ni Yayoh ang lahat. Umaasa pa rin itong naroon lang ang kanilang anak sa mundo ng mga tao at naiwan nila ito. Ayaw niyang kontrahin ang paniniwala ng kanyang asawa. Kung 'yun ang nakakapagpaligaya rito, 'yun na rin ang paniniwalaan niya. After all, kahit papaano ay masaya sila sa isiping iyun. Ang isa pa, naniniwala ang kanilang angkan na hangga't hindi pa napipigtas ang nagniningning na ilaw mula sa katawan ng lobo ay hindi pa maituturing na patay. At sana nga tama ang paniniwalang iyun, sapagkat iyun ang dahilan kung bakit gabi- gabing nakatingala ang kanyang asawa sa kalawakan. Naroon pa rin ang liwanag na nanggagaling mula sa kanilang nawawalang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD