I SEE A MONSTER
CHAPTER FOUR
Abegail woke up early in the morning. Pakiramdam niya tuloy parang may nangyari last night but she didn't remember it. Marahan siyang bumangon, hanggang sa maramdaman niya ang presensiya ni Arkanius. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Napalunok siya, kahit hindi niya ito nakikita ay ramdam niyang nakatitig ito sa kanya.
"I know you are here, good morning!" wika ng dalaga.
"Good morning too, how you feeling?" sagot ng lalaki at hinawakan ang palad ng dalaga.
Nag- init naman ang mukha ni Abegail. Alam niyang namula ang kanyang pisngi sa ginawa ng binata. Pero maging siya ay hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang kabog ng kanyang dibdib kapag ito ang nasa kanyang tabi. Ito nga ba ang sinasabi nilang pag- ibig sa unang pagkakatagpo?
"Your heartbeat is faster, did I make you feel nervous Abby?" Paanas na tanong ng binata.
Napapikit naman ang dalaga, hanggang sa nagbalik sa kanyang ala- ala ang mga nangyari kagabi. Bigla tuloy siyang nag- alala at hinanap ang mukha ng binata saka hinaplos. Maging ang mga braso nito at katawan ay kanyang hinaplos.
"Why?" tanong ni Arkanius.
"Are you hurt? Nakagat ka ba ng malaking aso o nasugatan ka ng lalaking nakatunggali mo?" sunod- sunod na tanong ng dalaga.
Mahinang napatawa si Arkanius at muling ginagap ang palad ng dalaga. Alam ni Abegail na nakangiti ito na nakatitig sa kanya.
"I'm okay! Don't worry, wala akong kahit isang gasgas lamang." Sagot ni Arkanius.
Sukat- doon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. At piping nagpasalamat na okay lang pala ang binata. Subalit muli siyang natigilan nang maalalang tila ang lalaki ay siya rin ang asong humarang sa kanila. Gusto niyang magtanong pero minabuti niyang hindi tanungin si Arkanius. Ayaw niyang maalala ang mga nangyari, kaya niyang kalimutan at magkunwaring wala siyang alam.
Magsasalita pa sana si Abegail nang may kumatok sa pinto.
"Abegail, gising ka na ba?" tinig ng kanyang Yaya.
Mabilis na muling nahiga ang dalaga at nagkunwaring kagigising lang. Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Yaya. Lumapit ito sa kanya at tinulungang makabangon.
"Gising ka na pala! Halika, sa labas ka na kakain at nang maarawan ka." Sabi ni Yaya Dely.
"Salamat po pero, mas gusto ko sanang dito na lamang kumain." Tanggi ng dalaga.
"Anak, maputla ka na oh! Dapat paminsan- minsan, naaarawan ka." Tugon ng kanyang Yaya.
Hindi sumagot ang dalaga, napalinga siya. Hinanap niya ang presensiya ni Arkanius. Gusto niyang malaman nito na lalabas siya at hiling niyang sana ay sumunod ito sa kanya.
"Abegail, alam kong wala akong karapatang panghimasukan ang anumang desisyon mo. Narinig ko kasing tila may kausap ka kanina lamang. Ayokong paghinalaan ka nang hindi maganda," saad ng Yaya.
"Sinasabi niyo bang, nasisiraan na ako nang bait?" diretsong tanong niya rito.
"Hindi naman sa ganoon, Abegail. Ang sa akin lang, huwag mong sarilihin ang iyong problema narito ako. Magsabi ka lang sa akin, handa akong makinig." Sagot ni Yaya Dely.
Marahang napatawa si Abegail kahit ang totoo, medyo nainis siya sa narinig. Kaya lang, sino ba kasi ang maniniwala sa kanya?
"I'm okay, Yaya! Baka guni- guni niyo po lamang ang iyong narinig. Ofcourse po, magsasabi ako sa inyo if ever hindi ko na makakaya." Wika ng dalaga.
Marahang hinaplos ni Yaya Dely ang maganda at maamong mukha ng kanyang alaga. Tinitigan niya itong mabuti, wala na ang maitim na maitim nitong mga mata. Napalitan ito nang kulay asul na labis ipinagtaka ng mga dalubhasang doktor na tumingin dito. Ang matang tila tinakpan nang maulap na kulay puting usok sa pinakagitna.
"Don't feel pity to me, Yaya! It's burning inside me," medyo garalgal na tinig ng dalaga.
Nag- iwas nang tingin si Yaya Dely at suminghot. Pilit pinakalma ang sarili at saka ngumiti.
"H- Hindi naman sa ganoon, Abegail. Gusto ko lang damayan ka sa abot ng aking makakaya!" tugon nito.
Niyakap ni Abegail ang kanyang Yaya. Ngunit hindi siya umiyak, ayaw niyang makita nito na kahit gusto na niya sanang umiyak. Hindi siya ipinanganak na iyakin, palaban siya. At gagabayan siya ng mga taong nagmamahal sa kanya. Makakakita pa rin siyang muli, alam niyang hindi pa sa ngayon.
"Tara na sa labas, naghihintay na ang iyong agahan." Kapagkuwan ay wika ng kanyang Yaya.
Hindi na siya tumanggi pa. Mas magdududa ito kapag lagi siyang magkukulong. Baka sabihin ng kanyang Yaya na, nasisiraan na talaga siya ng bait. Amoy na amoy niya ang sinangag na kanin at tinapang isda. Alam niyang nasa bakuran lang ang kanyang agahan malapit sa may punong Narra. Naroon kasi ang munting kubo na nagsisilbing kainan nila kapag umaga o tanghali.
"Hmmm, sarap naman!" bulalas ni Abegail.
"Alam kong magugustuhan mo ang mga hinanda ko! Paborito mo ang lahat nang 'yan, hija!" masayang sagot ni Yaya Dely.
Agad naupo ang dalaga nang makapa ang upuan ng kubo. Nakangiti itong humarap sa hapag at kinapa ang kanyang pinggan. Agad namang nilagyan ni Yaya Dely ng sinangag at tinapa ang kanyang pinggan. Magana itong kumain at niyaya ang mga kasamang saluhan siya. Nakailang subo na siya nang maalala niya si Arkanius. Pinakiramdaman niya ang paligid, saka siya napatingala sa bubong ng kubo. Alam niyang naroon ang binata at pinagmamasdan siya, ramdam niya.
"May problema ba sa bubong, Abby?" untag sa kanya ni Yaya Dely.
Agad nagbaba nang tingin ang dalaga at mabilis umiling.
"Wala po! May naalala lang ako," pagkakaila niya.
"Ganoon ba? Sige, kumain ka na nang kumain hija!" tugon ng Yaya.
Tumango ang dalaga at ipinagpatuloy na niya ang kanyang kinakain. Napapangiti siya nang lihim, sumunod din pala ang binata sa labas. Akala nito ay naiwan na lamang sa loob ng kanyang kwarto. Nahiling niyang sana ay muli silang magkaroon ng oras. Mas magaan kasi ang pakiramdam ng dalaga kapag ang lalaki ang kanyang kasama. Gusto niyang makilala ito nang lubusan. He's completely stranger but she doesn't care! Ang alam lang ng dalaga ay, masaya siya kapag kasama niya si Arkanius.
Biglang umihip ang hangin, pakiramdam ni Abegail ay may humaplos sa kanyang pisngi. Napapikit tuloy siya at napangiti.
"Masarap ang sariwang hangin hindi ba, Abegail?" tanong ng kanyang Yaya.
"Opo! Tama po kayo, napakasarap at napakagaan sa pakiramdam." Masayang sagot niya.
Mas lalong ginanahan si Abegail sa pagkain. Nakalimutan niya saglit ang mabigat na kanyang dinadala sa dibdib. Kahit papaano, parang normal din lang ang kanyang buhay. Parang kagaya ng dati, noong hindi pa nawala ang kanyang paningin. Hindi lang kasi malaman ang dahilan kung bakit siya nabulag. Gayong ang alam lang niya nasa kagubatan sila ni Avatar isang gabi.
At doon na nagsimulang magbago ang takbo ng kanyang buhay. Isang pangyayaring kahit siya ay hindi niya rin maintindihan kung bakit, kung ano ang dahilan. At ipinangako niya sa kanyang sariling, tutuklasin niya kung bakit. At kakailanganin niya si Arkanius, magpapatulong siya sa binata. Alam niyang matutulingan siya nito, balang araw.