Getting to know each others more

1128 Words
I SEE A MONSTER CHAPTER SIX Nagpumilit si Abegail na magpaiwan sa may kubo. Idinahilan niyang gusto niyang magpahangin doon at hintaying tumaas ang sikat ng araw. Ngunit ang totoo ay gusto niyang magkaroon sila ng pagkakataong makapag- usap ni Arkanius. Ilang sandali pa ay may narinig na si Abegail na kaluskos mula sa kanyang tabi. Napangiti ang dalaga sapagkat ramdam na niya si Arkanius na alam niyang nakaupo na ito sa kanyang tabi. "Alam kong nariyan ka na, at alam ko ring nagkubli ka sa taas ng puno." Wika ng dalaga. "Alam kong alam mo kung nasaan ako, ang ganda mo lang pagmasdan habang maganang kumakain." Sagot ni Arkanius. Napahagikhik ang dalaga. "Paborito ko kasi ang mga hinain ni Yaya kaya napadami ako ng kain. Ikaw, bakit hindi ka kumain?" tugon ni Abegail. "Sabi ko na sa' yo, mabubuhay ako kahit hindi ako kakain." Sabi ng binata. Nawala ang ngiti ng dalaga, medyo naguluhan siya sa sinabi ni Arkanius. Gusto niyang magtanong subalit nag- aalala siyang baka ma- offend ang binata at lalayo ito sa kanya. "You know, I missed the big dog I've seen inside the forest that night." Pag- iiba ng dalaga sa usapan. "Hmmm, sounds interesting! No wonder you are a dog lover," masayang sagot ni Arkanius. Napatawa si Abegail at saka tumango- tango. "Yeah! I really love dogs, kagaya ng Dad ko. He taught me about dogs and how to take care of them. Until he gave me, Avatar my bestfriend and buddy he made my everyday complete." Saad ng dalaga. "Ang suwerte ng alaga mo, meaning hindi lahat ng mga tao ay masasama." Tugon ng binata. Natigilan si Abegail, napakunot- noo ito sa sinabi ni Arkanius. Nagtataka man siya ay wala pa rin siyang lakas- loob na magtanong. "Ofcourse! Hindi naman lahat ng nilalang magkakapareho," sagot na lamang ng dalaga. "I'm glad to hear that! Someday you will understand what I've said," tugon ng binata. "Can I ask you something?" tanong ni Abegail sa binata. "Sure," maikling sagot nito. "Saan ka ba galing? At saan ang punta mo? Magaling na ba ang mga sugat mo?" Sunod- sunod na tanong ng dalaga. "Woohh! Hinay- hinaya lang, mahina ang kalaban!" natatawang turan ni Arkanius. Natawa naman si Abegail. "Sorry, gusto ko lang kasi malaman." Paumanhin niya. "Okay lang, I was just kidding you! I came from naman sa napakalayong lugar!" Sagot ng binata. "Talaga lang ha? Anlayo naman at hindi mo nga mapangalanan!" natatawang wika ng dalaga. Napatawa rin si Arkanius pero bahagya lamang. "Ano bang ginagawa mo rito ng gabing iyun at nasugatan ka?" muling tanong ni Abegail. Hindi agad nakasagot si Arkanius sa tanong ni Abegail. "Sige, okay lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Pasensiya ka na, makulit talaga ako eversince pa." Sabi ng dalaga. "Nope, it's okay! I was searching and looking my mate, I accidentally hurt and went on your house asking for help." Sagot ni Arkanius. "Mate?" tanong ng dalaga. "Yeah," tugon ng binata. Muling napaisip si Abegail. Naalala niyang sa mga wolf story niya lang nababasa o napapanood ang "mate". O kaya sa mga kaklase nila noon or mga batch nila at muling nagkita. She's not dumb, actually she's very smart. She can even read the expression of someone face, weather that someone is lying or not. "Ah, gano'n ba?" nasabi na lamang niya. Biglang natahimik si Arkanius, naramdaman niyang tila nawala ang presensiya nito. "Anak, paparoon lang kami sa may taniman nina Adela. Kung gusto mo, ipapasok na kita." Mula sa kanyang tabi ay boses ng kanyang Yaya. Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga. Pinilit niyang ngumiti at umakto na ng normal lang. "Ah, okay lang po ako rito Yaya!" sagot niya. "Pero, nag- aalala ako baka kung mapaano ka rito sa labas." Wika ni Yaya Dely. "Okay lang po ako, promise po! Susunduin kayo ni Avatar kapag nasa panganib ako," tanggi pa rin niya. Kumahol naman si Avatar at dali- daling naupo sa kandungan ng dalaga. Napangiti si Abegail at agad kinantalan ng halik ang kanyang aso. Humalinghing nama ito at dinilaan siya sa pisngi. "Hay, sige na nga! Tutal, may tiwala naman ako sa alaga mo." Natatawang sabi ng kanyang Yaya. "Sige po, ingat kayo!" natatawa ring sagot ni Abegail. Narinig niya ang mga hakbang ng kanyang Yaya na papalayo. Pinakiramdaman niya si Arkanius, naramdaman niyang nasa tabi niya ulit ito. Nagtataka siya kung bakit mabilis itong nakakapagtago at nakakabalik. "Gusto mo ba ulit, mamasyal?" tanong ng binata. Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga mapupulang labi ni Abegail. "Ngayon na ba?" nakangiti niyang tanong. "Kung gusto mo," alam niyang nakangiti rin ang binata. "Sige ba!" bulalas ng dalaga. Hahawakan na sana ni Arkanius ang kamay ni Abegail subalit tinahulan siya ni Avatar. Kaya, kapwa sila natawa dahil sa aso ng dalaga. "Seloso na pala ngayon ang aso mo," natatawang wika ng binata. "Sinabi mo pa! Pero ngayon lang 'yan, kapag lagi ka na niyang nakakasama makakasundo mo rin siya." Sagot ng dalaga. "Okay, sinabi mo eh! Buweno, let's go?" turan ni Arkanius. Masayang tumango ang dalaga at inalalayan na siya ni Arkanius. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero may tiwala siya sa binata. After all, mas gusto niya pa nga itong makilala ng lubusan. Naramdaman niyang tila dinala siya ni Arkanius sa parang. Langhap na langhap niya ang sariwa at malakas na hangin. Sinamyo niya iyun at gumaan ang kanyang pakiramdam. "Matagal ka na bang nakatira rito?" tanong ng binata kapagkuwan. "Bahay bakasyunan lang namin ito lalo na noong maliit pa ako. But when I grew up, madalang na." Sagot ni Abegail. "Oh, I see!" bulalas ni Arkanius. "Oo! Saka na lamang ako pumaparito kapag, masama ang loob ko or if I'm stress." Patuloy ni Abegail. "Maganda kasi rito, I love here!" wika ng binata. Napangiti ang dalaga at tumango- tango. "You're right! Actually, nagtatagal ako rito months kaya alam ko na ang pasikot- sikod dito. Malayo nga lang sa mga kapitbahay, but it's okay!" tugon nito. "Okay! How about we train again?" tanong ng binata. "Hmmm, some other day na siguro! Gusto ko sanang maglakad- lakad sa pilapil," tanggi ng dalaga. "Are you sure?" muling tanong ni Arkanius sa dalaga. "Yeah! Magliwaliw muna tayo saka magparktis," nakangiting tugon ni Abegail. "Okay, let's go!" sang- ayon naman ni Arkanius at inalalayan na niya ang dalaga. Magkahawak- kamay silang naglalakad sa pilapil. Naroong nagtatawanan sila at nagbibiruan. Tila close na close na sa isa't - isa, hindi alintana ang kanilang mga pangamba. Ang mahalaga lang ngayon kay Abegail, malimutan sandali ang kanyang problema sa buhay at sa tulong iyun ni Arkanius. Si Arkanius ang nagsisilbing mga mata niya, kaya gusto niya itong makilala pa ng lubusan. Ang taong hindi siya minaliit o hinusgahan, tanggap siya sa kung ano siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD