Angela's POV
Bagsak ang balikat akong umupo sa tabi ng kama mula ng umalis siya. Hindi ko naman talaga balak na umalis gusto ko lang lumabas sa kwarto niya. Hindi ko akalain na ganun pala kasama ang ugali niya. Nag-aalala din ako para kay Lola. Gustuhin ko man na batayan siya sa ospital baka kung anong isipin ni Rafael. Alam ko hindi niya ako tangap pero hindi ko naman inasahan na wala pala siyang alam tungkol sa akin dahil wala naman sinabi si Lola sa akin.
Pinahid ko ang nangingilid na luha ko. Harap-harapan niya akong tinangihan sa Lola niya, kaya wala akong choice kundi subukan na kausapin si Lola. Marami na akong pinagdaanang sakit lalo pa hindi ko pa rin mahanap ang mga taong nag-iwan sa akin sa bahay ampunan. Palagay ko ay kalahati ng buhay ko ang gusto kong buohin, pero kung mapipilitan akong pakasalan siya siguradong hindi rin ako magiging masaya.
Dahil hindi naman kagaya ko ang magugustuhan niyang babae. Kung pasadahan nga ako ng tingin ay lalong nangliit ang tingin ko sa aking sarili.
Malalim na ang gabi at ipinasya kong matulog na lamang. Upang magkaroon ako ng lakas na kausapin si Lola.
Kinabukasan tunog ng phone ang gumising sa akin. Pasikat pa lang ang araw kaya siguro inaantok pa rin ako.
“Hello?”
“Angela, bakita hindi mo sinabi sa akin.”
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ng Mathew. Kaagad akong tumayo at tinungo at binuksan ang glass na pintuan ng veranda. Pansin ko din sa boses ni Mathew na paos ito.
“I’m sorry Mathew, biglaan din ang lahat.” Wika ko.
“Ni minsan ba hindi rin ako naging mahalaga sayo?”
Naramdaman ko na umiiyak siya dahil naririnig ko pa ang pagsinghot niya.
“Ano kaba syempre mahalaga ka sa akin Mathew. Pero hindi ko kayang tangihan si Lola. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero pangako, kakausapin ko siya na pabalikin na lamang ako diyan dahil hindi naman ako gusto ng apo niya.” Paliwanag ko sa kanya.
“I love you, Angela. Kung alam ko lang na mangyayari ito noon ko pa sana sinabi ito sa’yo. Kung alam ko lang na aalis ka na lang dito na walang paalam man lang sa akin. Sana tinake ko yung risk ng friendship natin para masabi ko ang tunay kong nararamdaman.” Ramdam ko sa boses niya ang pag-sisisi at nasasaktan ako dahil alam ko kung gaano siya naging mabuti sa akin. Pero hindi ko inaasahan na aamin siya ng ganito.
“Mathew mahal din naman kita pe—“
“Matinong babae? Sinong matinong babae ang iiwan ang lalaking mahal niya kapalit ang kaginhawaan?”
Napalingon ako sa likuran ko dahil sa narinig. Hindi ko inasahan na nasa kwarto na pala siya at nakikinig sa usapan namin. Pero wala yun sa akin dahil kilala ko ang sarili ko at alam ko ang dahilan kung bakit ako naririto.
Pinatay ko ang phone at hinarap siya. “Hindi ko na kailangan tangapin pa ang paulit-ulit na pagtapak mo sa pagkatao ko Rafael. Kaya sabihin mo sa akin kung kailan uuwi si Lola para makapagpa-alam na ako.” Matalim ang titig na ipinukol niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Kailangan kong protektahan ang sarili ko dahil walang ibang may kakayahan gawin yun kundi ako.
Nang-uuyam niya akong tinignan. “Kaya ba atat ka ng umuwi dahil sa lalaki mo? Tapos kapag hindi pumayag si Lola sa gusto mo babalik ka rito? Anong palagay mo sa akin tumatangap ng second hand?” Lumapit ako sa kanya at nginisihan ko siya.
“Alam mo Rafael? Wag ka ng magtaka kung bakit iniwan ka ng girlfriend mo. Dahil kahit sinong babae walang makakatagal sa ugali mo!” Singhal ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari mabilis niya akong hinila at isinandal sa likod ng malaking pinto. Dinig ko pa ang malakas na paghampas ng likod ko kaya napangiwi ako. Hinawakan niya ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa leeg ko. Kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na nasa leeg ko.
“How dare you! Kagabi sinampal mo ako, pinalagpas ko yun! And now you’re talking to me like you know me?! Wala kang alam sa pinagdaanan ko Angela! At dahil ginalit mo na rin ako ng tuluyan magdasal ka na!”
“Bitawan mo ko! Ikaw ang magdasal dahil masama ang ugali mo!”
Marahas niya akong binitawan napaubo ako dahil napadiin ang hawak niya sa leeg ko.
“Malalaman mo ang tunay kong kulay kapag nakasama mo na ako. Sisiguraduhin kong gagapang ka paalis sa pamamahay na to.” Madiing sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng labis na pangamba. Pero hindi ko yun pinahalata kapag nakita niyang mahina ako siguradong lalo pa niya akong tatapakan.
Pagkatapos niya akong pagbantaan ay lumabas na siya ng kwarto. Napapikit pa ako dahil sa malakas na paglagabog ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa takot. Binigyan lang niya ako ng dahilan kaya lalong hindi ako pwedeng manatili ng matagal dito. Kailangan kong makaalis at bumalik sa bahay ampunan kung saan ako nababagay.
Hindi ako lumabas ng kwarto, pero may nagdadala sa akin ng pagkain. Kaya maghapon kong ikinulong ang sarili ko dahil baka makita ko na naman siya. SInabi din ni Manang sa akin na mamayang gabi daw uuwi si Lola pero mahina parin daw ito kaya hindi daw pwedeng ma-stress at bigyan ng sama ng loob. Hindi ko alam kung paano ako aalis kung ganun ang kalagayan niya pero susubukan ko parin dahil hindi ko na kayang tumagal pa sa malaking bahay na ito kasama ang lalaking yun.
Kinagabihan naghanda ako sa pagdating ni Lola. Pati mga gamit ko ay nakahanda na rin. Si Rafael daw ang nag-uwi kay Lola at nasa kwarto na daw ito. Dahan-dahan akong nagtungo sa kwarto niya at nakakailang katok pa lamang ako ay pinapasok na niya ako. Nurse ang nagbukas ng pinto at iniwan din kami.
"Lola?" Nangingilid ang luha akong lumapit sa kanya.
"A-apo! Mabuti naman at pinuntahan mo ako agad. Patawarin mo sana si Rafael hija. Masyado lang siyang nasaktan noon sa Ex niya kaya siya nagkakaganun. Pero alam mo napakabait non at masunurin." Mahinang sabi ni Lola. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo ako sa tabi niya.
"Okay na po ba kayo? Nag-alala po ako sa inyo. Patawarin niyo po ako Lola. Hindi ko po napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya." Naiiyak na wika ko sa kanya.
"Ano ka ba, apo. Tama lang ang ginawa mo para magising si Rafael. Paki-usap bigyan mo siya ng pagkakataon hija. Mabuting binata ang apo ko. Nagkaganun lang siya dahil iniwan siya ng girlfriend niya pero sigurado ako babalik din siya sa dati."
"Pero Lola, hindi niya po ako gusto." Nakayukong sagot ko sa kanya. Wala na kong choice kundi sabihin yun kay Lola dahil pakiramdam ko hindi siya papayag kung aalis man ako at babalik sa ampunan.
"Anong sinasabi mo apo? Nabigla lang daw si Rafael pero sabi niya payag na daw siya na maikasal kayo." Wika ni Lola na ikinagulat ko.
Ito ba yung sinasabi ni Rafael kanina?
Pagkatapos kong kausapin si Lola ay kaagad na akong bumalik sa kwarto. Gusto ko pa sanang ipagpilitan sa kanya na uuwi na lamang ako sa ampunan pero alam kong masama parin ang lagay niya. Hindi naman kaya ng konsensiya ko kung lumala pa siya dahil sa akin dahil napamahal na rin ako sa kanya.
Pagkarating ko sa kwarto bumungad sa akin ang mukha ni Rafael. Sa tingin ko ay katatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang katawan nito habang suot ang puting tuwalya na nakatali lang sa beywang nito.
Natigilan pa ako nang makita ko ang kabuohan niya dahil napakaganda din ng katawan niya. At ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng katawan. Wala man lang akong nakikitang taba kahit saan kundi puro muscles. Inaamin kung nakadagdag din yun sa appeal niya bukod sa gwapo niyang mukha pero nagtatago doon ang masamang ugali niya. Tama nga sila hindi lahat ng may perpektong anyo ay maganda ang pag-uugali.
“Rafael, pwede ba tayong mag-usap?” Seryosong saad ko nang maisara ko na ang pinto.
“Bakit?” Kunot noong tinapunan niya ako ng tingin.
“Please, ilipat mo ako ng ibang kwarto habang hindi ko pa nakukumbinsi si Lola. Ayokong nakikita kita dito kaya ako na lang ang lilipat.” Saad ko.
Tumingin siya sa akin at malalim na naman siyang nakatitig kaya kinabahan na naman ako.
“Hindi pa ba nasasabi sayo ni Lola na pumayag na akong magpakasal tayong dalawa?” Sagot niya na ikinagulat ko. Kahapon lang pinagtatabuyan niya ako tapos ngayon sasabihin niyang payag na siya sa gusto ni Lola Cynthia na ikasal kami?
“Rafael, kung tungkol ito sa pagbabanta mo sa akin ay huwag mo ng ituloy. Alam kong ayaw mo sa akin at ganun din naman ako sa’yo kaya susubukan ko pa din na kausapin si Lola Cynthia.” Wika ko sa kanya. Lalabas na sana ako ng pinto para hindi ko makikita ang pagbibihis niya nang bigla niya akong hawakan.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan pababa sa kanyang p*********i na ngayon ay wala ng tabing.
“Anong ginagawa mo!” Inis na singhal ko sa mukha niya. Pakiramdam ko ay nag-init ng tuluyan ang aking mukha dahil sa nakita ko. Bumilis din ang t***k ng aking puso sa di ko malaman na dahilan ng maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin.
“At sino ang gusto mo? Yung katawagan mong lalaki? I already told you baby. Hindi ako papayag na basta ka na lang umalis dito!”
“Bitawan mo ko!” Sighal ko sa kanya. Pero lalo niyang hinigpitan ang hawak ng kamay ko. Iniwasan kong mapunta ang mga mata ko sa baba niya dahil nararamdam ko na yun sa manipis na suot kong pajama.
“Ibibigay mo rin naman ang sarili mo sa akin, bakit hindi pa ngayon? Baka sakaling magbago ang isip mo at ma-realize mong mas magaling ako kaysa sa lalaking yun.”
Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko hindi lang sa batok nang kabigin niya pa ako palapit sa kanya. Sa uri ng tingin niya sa akin pakiramdam ko ay inaakit niya ako. Kakaibang pakiramdam ang unti-unting bumalot sa aking katawan. Ngunit pilit kong pinaglalabanan, pinigilan ko ang sarili kahit kahibla na lang ang layo ng mukha at katawan namin.
“Kung sa ugali lang ang pagbabasehan ko. Walang-wala ka kahit katiting sa kalingkingan Mathew.” Matapang na sabi ko sa kanya.
Nalusaw ang pang-aakit na titig niya at napalitan yun ng galit.
Galit na naghahatid sa akin ng matinding takot ng mabilis niya akong kabigin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang niya akong halikan.
“R-fa-el!” Pilit ko siyang nilalayo pero kayang-kaya niya akong ikulong sa matigas niyang braso.
“Wag na wag mo akong ikukumpara kahit kanino!” Galit na singhal niya sa akin. Naramdaman ko na lang ang marahas na paglapat ko sa malambot na kama.
“Tama na!” Naiiyak na pigil ko sa kanya. Mabilis siyang pumatong sa akin hinalikan ulit ako. Pilit kong tinitikom ang bibig ko dahil nararamdaman kong gusto niyang palalimin ang halik nya ngunit kinakagat niya ang labi ko. Nalasahan ko pa ang mainit at maalat na dugo ko sa labi. Kaya lalong akong napaiyak. Hindi ito ang gusto ko. Puro galit at pagnanasa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Lalo pa akong naiyak nang pilit niyang tinatangal ang saplot ko sa katawan.
“Tama na!” Sigaw ko. Kahit anong gawin kong suntok sipa sa kanya hindi ko magawang makawala nasasaktan na rin ako dahil sa marahas niyang pagkilos sa ibabaw ko. Hangang sa tuluyan na niyang matangal ang lahat ng saplot ko sa katawan.
Pinagyaman niya ang mga matang tignan ang kabuohan ko.
“Rafael, tama na.” Pagmamakaawa ko sa kanya pero naging bingi siya sa paki-usap ko. Inilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at hinalikan ang leeg ko. Habang ang dalawa niyang kamay ay walang sawa sa paghimas ng dibdib ko.
“Rafael!” Tinulak ko siya ng buong lakas ngunit lalo lang niyang inipit ang katawan ko nararamdaman ko na ang kahandahan niya na kumikiskis sa aking p********e. Bumaba ang marahas niyang halik sa leeg ko pababa sa dibdib ko. Patuloy parin ako sa pag-iyak ngunit tila magkaiba ang reaction ng katawan ko sa isip ko pero hindi maaring mangyari ito dahil aalis na ako sa mansyon nila.
Nanginig ang katawan ko sa ginagawa nang bumaba pa ang halik niya ay pilit ko na naman siyang itinutulak ang hangang sa umakyat ulit siya sa labi ko. Sinubukan na niyang ipasok ang p*********i niya sa gitna ng aking hita. Kaya napasigaw na ako sa sakit alam kong malaki yun at natatakot ako dahil wala pa akong karanasan.
“Ah! Rafael! Please wag mong gawin ito, maawa ka sa akin.” Umiiyak na paki-usap ko sa kanya. Sobrang sakit ng ginawa niyang pagpumilit na maipasok ang p*********i niya. Naramdaman kong natigilan siya at dumilat ako at nagtama ang paningin naming dalawa.
“Please, tama na.” Umiiyak at nanghihina kong sambit sa kanya.
“F*ck! I’m sorry…Pero hindi kita hahayaan na lumipat ng ibang kwarto.” Sambit niya. Hindi na niya itinuloy ang tangka niya sa akin bagkus ay mabilis siyang umalis sa kwarto suot ang roba. Naiwan akong umiiyak at naawa sa sarili dahil sa ginawa niya. Pero kahit ganun nagpasalamat na rin ako dahil hindi niya itinuloy ang balak niya. Ayokong sa ganitong paraan makukuha ang puring iningatan ko sa mahabang panahon.