Rafael's POV
Katatapos lang ng meeting ko with the investors nang magpasya akong bumalik sa office. Mas ginugol ko kasi ang oras ko sa pagtatrabaho kaysa kausapin si Lola. Sinabi niya sa akin na kailangan ko ng magpakasal. Nahanap na raw niya ang babae para sa akin at sa ayaw at sa gusto ko ay i-uuwi daw niya 'yon sa mansyon. Tumutol ako sa gusto niyang mangyari. Wala pa sa isip ko ang magpakasal at kung meron man si Lalaine ang gusto kong makasama habang buhay. She was my first love. We’ve been together for almost five years. I was happy being with her. She’s not just a girlfriend material but also a wife material. She’s perfect for me.
Pero isang araw, bigla na lamang siyang nagbago. Nawala na ang kinang na nakikita ko sa kanyang mga mata. Then she break-up with me, without any reasons. Hindi ako pumayag, how can you break-up with someone just like that? I’ll fight for her because I love her very much. I’ll proposed to her that day she wanted to leave me. But she rejected my proposal and leave me without saying goodbye.
I was lost, scared, and depressed. But when I saw grandma staring at me, she was crying with pain. Siya na lang ang meron ako. I almost forgot I have my own life to live.
Then I forced myself to move-on. Ginagawa ko ang lahat ng bagay para makalimutan ko siya. Alak, kaliwa’t kanang babae ang bumuhay sa akin. Tinulungan din ako ni grandma maibangon ang sarili ko. And now I want to start my life again. Pero hindi sa babaeng gusto ni Grandma para sa akin. Hindi ko siya kilala and I want to choose my own happiness. Nasa tapat na ako ng opisina when my secretary approach me.
“Sir. Rafael. Sorry po, pinapasok ko po sa office niyo si Miss. Enriquez.” She said.
Kaagad akong pumasok sa opisina umaasang hindi siya ang tinutukoy ni Sandra. Pero natigilan ako nang bumungad sa akin ang babaeng naging dahilan ng pagkadurog ko. Nasa harapan ko ang babaeng nang-iwan sa akin sa loob ng dalawang taon.
“Lalaine?”
“Rafael!”
Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. God knows how much I missed her. But why? Kung yakapin niya ako parang hindi niya ako iniwan noon? Parang wala lang sa kanya ang relasyon namin. Parang hindi niya ako tinapon na parang basura.
“Rafael, I missed you so much!” Umiiyak na wika niya habang nakayakap pa rin sa akin.
“Why? Why you’re here?” Malamig na tugon ko sa kanya. Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa.
“Hindi ka ba masaya nakita mo ako ulit? Galit ka pa rin ba sa akin?” Sambit niya sa pagitan ng pag-iyak niya.
“What do you expect me to do? Welcome you and treating you like there’s nothing happening between us?”
“Rafael, I’m sorry.”
“Sorry? That’s all? Alam mo ba ang pinagdaanan ko nang iwan mo ako? Tapos babalik ka kung kailan handa na akong mag-umpisang muli?” Sumbat ko sa kanya. Pinahid ko ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mata. Ayokong makita niya kung gaano ako ka miserable noong iwan niya ako. Ayokong isipin niyang hangang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit yun ang totoo. I still loved her!
“Rafael, I know mahal mo pa rin ako. Please give me a chance to expla—“
“No! Lalaine! Kahit ano pa ang rason na ibigay mo sa akin. Hinding-hindi kita mapapatawad!”
Tuluyan na akong lumabas sa opisina punong-puno ng hinanakit ang puso ko ng dahil sa kanya. Kaya hindi ko siya kayang patawarin. Kahit ano pang rason ang ibigay niya nangyari na ang lahat. Nasaktan na niya ako. I almost lost my life because of her!
Kaagad kong tinungo ang bar na lagi kong pinupuntahan. Umaasang mabawasan ang sakit na pilit bumabalik sa akin noon. Paano niya naatim na magpakita sa akin ng ganun na lang! Na parang walang nangyari! I know, I still loved her. Pero mas nangibabaw ang sakit!
Sunod-sunod kong tinunga ang alak sa aking harapan. Ngunit kahit anong inom ko hindi ko maramdaman ang pagkamanhid. Gusto kong ilabas lahat ng galit sa puso ko! Gusto kong sigawan siya at saktan siya baka sakaling malaman niya kung gaano niya ako pinaasa araw-araw noon. Umaasang pagising ko ay makikita ko siya muli at makakasama pero lumipas ang dalawang taon hindi na siya bumalik. Pero ngayon? Kung kailan gusto ko ng tapusin ang kahibangan ko sa kanya at magsimulang muli babalik siya?
“Sh*t! Damn!”
Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pag-iwan sa akin!
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa kalasingan. Mabuti na lang at may kasama akong driver na maghahatid sa akin pauwi. Kaya ko pang lumakad pa-akyat ngunit umiikot na ang aking paningin. Ilang beses na akong umuuwing ganito kaya kabisado ko na ang lahat ng dadaanan ko papunta sa kwarto ko.
Pagkabukas ko ng kwarto ay kaagad kong inilapat ang aking katawan sa malambot na kama. Hangang sa may naramdaman akong kakaiba. Pinilit kong idinilat ang aking mata nang gumalaw ang unan na yakap ko.
“Aah!”
Malakas na sigaw niya na nagpabalikwas sa akin sa kama.
“What the hell?! Who are you?!” Sigaw ko sa kanya. Mabilis na rin siyang tumayo at iniyakap niya ang puting kumot sa kanyang katawan.
“Sino ka?! Bakit narito ka sa kwarto ko?!” Galit na sigaw niya sa akin. Pakiramdam ko ay nahimasmasan ako dahil sa mga nangyari.
“Kwarto mo?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Kaagad kong binuksan ang lahat ng ilaw at tumambad sa akin ang kabuohan niya. Nakaterno pajama siya at mukha naman siyang hindi magnanakaw.
“Kwarto ko ‘to! Bakit ka nandito?!”
“Kwarto mo ‘to? Sabi sa akin ni Lola Cynthia ito na daw ang magiging kwarto ko.” Wika niya na halatang natatakot na. Dahil siguro sa pagsigaw ko sa kanya.
“Bakit mo tinatawag na Lola si Grandma?”
Sh*t! Hindi kaya siya ang sinasabi ni Lola? My fiancé?
Galit na tinungo ko ang kwarto ni Grandma. Hindi ko akalain na dadalhin niya ang babaeng yun ngayon sa mansyon. And what the Hell! Sa kwarto ko pa mismo pinatulog ang babaeng yun.
“Grandma! Open this door!”
Paulit-ulit kong kinatok ang pintuan ni Grandma. Alam ko kabastosan yun, pero hindi ko kayang makasama ang babaeng yun sa kwarto ko. Nakailang katok pa ako bago niya ako pagbuksan ng pinto.
“Grandma, sino ang babaeng nasa kwarto ko? Bakit nasa kwarto ko siya?” Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Rafael, napag-usapan na natin to diba? Susunduin ko ang mapapangasawa mo at matutulog na kayo ng magkatabi. So what’s wrong with that?”
Napasinghap ako sa sinagot niya sa akin. “Grandma, wala akong naalala na pumayag ako sa sinasabi niyo. Why are you doing this to me? Can you just stop controlling my life?”
“Rafael! Ginagawa ko lang ito para sa’yo.” Galit na singhal ni Lola. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang magalit siya at makasama pa sa kanya kapag pinagpatuloy ko ang galit ko.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang nararamdaman kong init ng ulo. Napansin ko na lang na nasa likuran ko na ang babaeng umaangkin sa kwarto ko.
“Grandma, seryoso ba talaga kayo? Ipapakasal niyo ako sa babaeng yan? Tignan mo nga ang itsura niya? Wala pa nga sa kalingkingan ni Lalaine yan? Mukhang basta mo na lang siya pinulot sa kung saan at inalok ng kendi para sumama dito.”
“Rafael! Hindi mo kilala si Angela, kaya wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan. Galing siya sa ampunan at pinalaki ng mga madre kaya alam kong mabuti siyang babae! At wag mo siyang ikukumpara sa Ex mong nang-iwan sayo!” Galit na sigaw ni Lola sa akin. Malinaw naman na mas kinakampihan niya ang babaeng ito kaysa sa akin na apo niya.
“Ampunan? I can’t believe na ipapakasal niyo ako sa babaeng galing lang sa ampunan Grandma? Kung mga anak pa ng stocked holder’s natin baka ma-intindihan ko pa. Pero sa ampunan? Ni hindi niyo nga alam baka kriminal ang mga magulang niyan kaya siya pinabayaan sa ampunan!” Galit na sigaw ko napatid na kasi ang katiting na pasensiya ko at gusto ko din ipamukha sa babaeng ito na hindi kami bagay sa isa’t-isa.
Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niya akong sampalin. Napamaang akong nakatingin sa kanya. Wala pang babaeng nanakit sa akin kahit si Grandma ay hindi pinagbubuhatan ng kamay.
“How dare you!” Hinigit ko ang kwelyo ng pajama niya. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya pero hindi siya natinag.
“Hindi porke mayaman ka, pwede ka ng mang-apak ng taong hidni mo kilala. Oo ulila ako. Pero kahit walang magulang na nagpalaki sa akin ay hindi ako kasing basura ang pang-unawa gaya mo.” Mahina ngunit madiin niyang sabi sa akin.
“T-tama na yan.” Hinihingal na sambit ni Grandma. Kaagad ko siyang binitawan dahil nakita ko ang hirap sa paghinga ni Grandma.
“Grandma?”
“Lola?” Sambit niya. Nakita ko ang paglambot ng mukha niya habang nakatingin sa Lola ko. Ang kaninang matalim na tingin na ipinukol niya sa akin ay napalitan ng pag-alala.
“H-hindi ako makahinga.” Wika ni niya sa akin, habang nakahawak sa kanyang dibdib.
“Grandma, dadalhin kita sa ospital!” Nag-aalalang sambit ko. Kaagad ko siyang binuhat at bumaling ako sa babae.
“Wag kang aalis dito, hindi pa tayo tapos.” Banta ko sa kanya. Kaagad akong bumaba sa mahabang hagdan bitbit si Lola.
“Manang! Pakitawag si Samuel!” Utos ko sa kasambahay. Kaagad naman itong lumabas ng mansyon upang puntahana ng driver namin.
Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin ng Doctor na okay na si Lola. Bawal lang daw na ma-stress. Senior citizen na si Lola kaya lang lagi niya pa ring sinasabi na fifty years old pa rin siya.
Marami na rin siyang nararamdaman kaya palagi kong iniiwasan na magtalo kaming dalawa. Kaya lang hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit, dahil sumabog na ako nang tuluyan. Idagdag ko pa ang pagdating ni Lalaine na ngayon ay nagbibigay sa akin ng matinding stress.
Iniwan kong mahimbing na natutulog si Lola sa kwarto. Kaagad akong umuwi sa mansyon. Pinuntahan ko agad ang babae sa kwarto ko. Nadatnan ko siyang nakaupo sa kama at nakayuko habang sapo ang mukha niya. Nag-angat siya ng tingin kaya nagkatinginan kaming dalawa.
“K-kumusta na si Lola?” Paos na boses na tanong niya sa akin. Nakita ko pa ang pangingilid ng luha niya. Hindi ko siya kilala pero hindi naman siya mukhang umaakting lang.
“Bakit ka pumayag sa sinabi ni Grandma? May karapatan kang tumangi diba? Nakikita mo ba ang pagkakaiba ng mundong ginagalawan natin? Nakikita mo ba ang itsura mo?” Nang-uuyam na wika ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. Sobrang bata pa niya para sa akin. Hindi ko nga alam kong tatagal siya sa kama dahil sa nipis ng katawan niya.
“Malaki ang utang na loob ko kay Lola Clara.” Mahinahon na sagot niya sa akin. Marahas akong napabuntong hininga. Nilapitan ko siya pero umatras siya.
“So kaya ka lang pumayag dahil sa utang na loob? Sa pagtawag mo palang na Lola sa Lola ko ay tangap na tangap mo na siguro ang maging bahagi ng pamilya namin.”
Sunod-sunod siyang umiling. “Si Lola din ang may gusto na tawagin ko siya ng ganun. Kung pwede ko lang tangihan ang alok niya. Gagawin ko. Hayaan mo, kukumbinsihin ko si Lola na wag ng ituloy ang plano niya.” Wika niya sa akin.
“At sino ka para gawin yun? Isa ka lang hamak na ulila! Sa tingin mo ba papakingan ka ni Lola? Sa akin nga hindi siya nakikinig sayo pa?”
Tinalikuran niya ako at kinuha niya ang maleta niya. Pumasok siya sa closet at inilagay na niya ang mga gamit niya.
“Makiki-usap ako sa kanya na pabalikin na ako sa ampunan. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga kagaya nila kaysa sa walang puso na kagaya mo. Kung kailangan kong lumuhod kay Lola, gagawin ko. Pabalikin lang niya ako.” Saad niya.
Walang puso? Ako? Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang maleta sa kamay niya.
“At anong gagawin mo? Aalis ka na lang ngayon? Gusto mo ba talagang lumala ang kalagayan ng Lola ko pag nadatnan ka niyang wala rito!?” Singhal ko sa kanya. Pero malamig niya lang akong tinignan.
“Kwarto mo to diba? Tao akong tinangap ni Lola dito. Kaya tao akong aalis. Magpapalipat na lang ako ng ibang kwarto total malaki naman itong bahay niyo. Pero kung ayaw mo kahit sa labas ako matulog at antayin ang pagbabalik ni Lola. Okay lang din sa akin.” Sagot niya sa akin. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Sumobra lang ba ako? Hindi ako ganito. Simula nang iwan ako ni Lalaine naging ganito na ako. Anong nangyari sa akin?
Pinilit kong maging mahinahon. Pagod na rin ako. Hindi ko na kaya pang makipagtalo sa kanya. Madaling araw na din kaya kailangan ko ng magpahinga. Pero kailangan kong balikan si Lola sa hospital.
“Stay here, kailangan kong bumalik sa hospital. Hintayin muna natin maging okay si Grandma bago mo siya kausapin.”
Hindi ko na inantay ang sagot niya. Naiintindihan naman siguro niya ang ibig kong sabihin.