I took a glance at the wall clock and saw that it’s just seven in the morning. Nagbuntong hininga ako bago umupo sa malambot kong kama at tumitig sa sarili ko sa salamin na nakadikit sa closet ko na nasa harap ko lang.
What happened between me and Elliot yesterday kept me up the whole night. Why did he kiss me? Ang pangyayaring iyon ay parang multo na hindi ako pinatulog. Paulit ulit akong ginulo at binalikan.
At ang pinaka-inaalala ko pa ay ang kung paano ko siya haharapin mamaya kapag nakita ko siya sa opisina. Sana lang ay natapos na nila kahapon ang kung ano mang business niya roon.
Hindi naman kasi talaga siya madalas sa opisina, minsan ay bumibisita siya kapag may mga products siya na kailangan naming i-ship abroad. He wants to see for himself how the work is done. Mariin akong pumikit bago huminga ng malalim at tumayo na ulit sa kama.
I just got off from my bathroom. Bihis na ako pero basa pa ang buhok ko. Normally I want to dry my hair up first before leaving the house, but not this time. I’m afraid that I’ll ran out of time and be late at work.
I can’t mess things up right now. Lalo na at pinagbantaan na ako ni Dad na makakita lang siya ng isang mali sa akin ay aalisin na niya ako agad sa trabaho. At hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi pa malaki ang naiipon kong pera, ni hindi pa nga sapat para makabili ng sarili kong sasakyan.
Pagkababa ko mula sa ikalawang palapag ay nakita ko sina Dad, Mom at Kuya sa hapag. Kasalukuyan silang kumakain ng agahan at mukhang masaya pa sa pinag-uusapan kasi nakangiti si Dad. Bagay na bihira ko lang na makita.
Nagdalawang isip tuloy ako kung lalapit ba ako para sabayan sila. Ayaw ko naman kasi na masira ang araw nila dahil sa presensiya ko.
“Hija, sabayan mo na ang pamilya mo sa agahan.” Nagulat ako nang makita ang nakangiting mukha ni Nanay Lorna, ang isa sa mga kasambahay namin na matagal nang naninilbihan sa pamilya namin.
Mas lalo naman akong kinabahan nang matahimik ang buong pamilya ko at sabay sabay pang lumingon sa gawi ko nang marinig ang sinabi ni Nanay Lorna. Nawala ang ngiti ni Dad, at alam ko na dahil iyon sa presensiya ko.
“Uhm…” sagot ko, hindi sigurado kung ano ba ang tamang salita na sasabihin.
Kung uupo ako kasama nila sa hapag ay alam kong mawawalan sila ng gana, kung tatanggi naman ako ay baka isipin nila na may ipinagmamalaki na ako at bastos ako. Madalas talaga ay ang hirap ilugar ang sarili ko sa pamilyang ito.
“Rome, have a seat,” nakangiti at marahan ang boses na saad ni Mom, pilit naman akong ngumiti sa kanya.
“I’m sorry, Mom. Inaya po kasi ako kumain sa labas ni Zoe. I can’t say no to her. Kailangan ko na pong mauna para hindi rin po ako mahuli sa trabaho,” mababa ang boses na sagot ko.
Pilit naman siyang ngumiti bago marahang tumango. Pamilya ko sila, pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
“Igagawa na lang kita ng sandwich saglit para kahit na papaano ay may laman ang tiyan mo at hindi ka magutom sa biyahe,” napalingon ulit ako kay Nanay Lorna nang sabihin niya iyon, ngumiti naman ako at umiling.
“Hindi na po, Nay. Pero salamat po,” magalang ulit na sagot ko. Tapos ay muli kong binalingan ang pamilya ko at nagpaalam sa kanila bago naglakad palabas ng bahay.
Wala naman talaga kaming usapan ni Zoe. Dahilan ko lang iyon para hindi ko masira ang mood nila. Kahit noong nag-aaral pa ako ay ganito na lagi ang nangyayari, hindi na bago sa akin ang lahat.
Madalas ay igagawa na lang ako ng sandwich ni Nanay Lorna. Bukod kay Zoe, si Nanay Lorna rin ang nagging kakampi ko sa lahat. Parang siya na ang tumayong magulang sa akin kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya.
Habang naglalakad palabas sa subdivision namin biglang sumagi ang ilang mga tanong sa isip ko. Ano kaya ang pakiramdam na kasamang mag-agahan ang pamilya ko? I mean, iyong agahan na kasama rin ako sa masaya nilang usapan at kuwentuhan.
Kapag nakakasama ko kasi sila sa isang hapag ay sobrang tahimik at wala halos nagsasalita. Kaya nakakawala ng gana kumain. Nagkibit na lang ako ng balikat at ngumiti. Today is a new day, and I shouldn’t start my day with negativity. I have to smile and stay positive!
Nang makalabas na ako sa subdivision ay pumara na rin ako agad ng isang tricycle. Madalas ay tricycle ang sinasakyan ko, minsan naman ay taxi. Basta kung ano ang unang dumaan para lang makarating ako agad sa opisina.
Sa tingin ko ay 7:30 iyon ng umaga nang makarating na ako sa opisina. Alas otso pa ang simula ng trabaho kaya may sapat pa akong oras para mag-agahan. Hindi naman ako nagdalawang isip na magpunta sa pantry para makakain muna. Mahirap na kasi magtrabaho na walang laman ang tiyan.
I just ordered a coffee and a cracker. Okay na ako rito. Basta kahit na papaano ay may laman ang tiyan ko. Habang kumakain ay bigla na namang pumasok sa isip ko si Elliot. Natigilan ako bumalik sa likod ng isip ko ang malambot at pula niyang labi.
He’s my first kiss…
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa pantry. Pero hindi ko pa nauubos ang kape ko nang mapansin si Dad, kasama si Kuya. Bahagya na naman akong kinabahan lalo na nang magtama ang mga tingin namin ni Dad.
“Rome, let’s go,” anyaya naman ni Kuya. Mabilis akong tumango at tumayo na mula sa pagkakaupo. Lumapit muna ako sa counter para makapagbayad at ibalik ang mga ginamit ko.
Tapos ay halos patakbo na along sumunod kina Kuya at Dad sa opisina ni Kuya. Pagkapasok ko nga ay medyo nagulat pa ako nang makitang naroon din sa loob si Elliot. Medyo nagtaka ako kasi hindi ko naman siya nakitang kasama nila Dad kanina.
“Ganyan ka na ba talaga kabastos, Romina?” mahina pero puno ng diin na tanong ni Dad. Natigilan ako dahil doon at tinignan ko siya na may halong pagtataka.
“P-Po?” nalilitong tanong ko.
“Your mother asked you to eat breakfast with us, but you refused. Tapos dito ka kakain ng agahan? Ano ba ang gusto mong isipin ng mga tao? Na ginugutom ka naming sa bahay? Ano ba ang ipinagmamalaki mo?” tanong ulit niya kaya napalunok ako.
“M-Magb-breakfast po sana kami ni Zoe, p-pero hindi po natuloy kaya dito na lang ako kumain,” mahina at may halong takot na sagot ko.
Sarkastiko naman siyang natawa at napa-iling bago binalingan si Kuya.
“I won’t be here for the whole day, Aries. Huwag na huwag mong kukunsintihin si Romina sa mga kabobohan niya,” madiing saad ni Dad.
“Yes, Dad,” sagot naman ni Kuya.
Binigyan ulit ako ni Dad ng isang masamang tingin bago naglakad palabas ng opisina. Nang wala na siya sa harap ko, pakiramdam ko ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
“Rome naman, eh! Umagang umaga!” may halong iritasyon na saad ni Kuya kaya napalingon ako sa kanya.
“What did I do?” tanong ko naman sa kanya.
“Sana kasi kumain ka na lang kasabay namin! Alam mo naman na lahat napapansin ni Dad,” sagot naman niya kaya mapait akong napangiti.
“Nakita ko kasi na masaya kayong nagkukuwentuhan,” sagot ko kaya tinignan niya ako ng may halong pagtataka. “Ayaw ko naman na masira ang araw niyo dahil sa presensiya ko,” dagdag ko pa kaya natahimik siya.
“Rome…” may halong pag-aalala na saad ni Kuya kaya agad akong ngumiti at umiling.
“It’s okay, Kuya. I’m used to it,” nakangiting saad ko.
Pinilit kong umakto na hindi na ako apektado, kahit pa alam ko naman na hindi sila maniniwala.
“Rome, sa susunod sumabay ka na lang. Malay ba natin kung gusto lang mag-reach out ni Dad pero nahihiya siya,” mababa ang boses na saad ulit ni Kuya
“Trabaho na tayo!” nakangiting saad ko tapos ay naglakad na papunta sa maliit kong mesa.
Ayaw ko nang pag-usapan ang mga iyon. Wala rin naming magbabago, at ayaw ko na ring umasa na magiging maayos ang trato sa akin ni Dad.
“Did you not read my message?” mababa ang boses na tanong ni Elliot, nag-angat naman ako ng tingin at nakita ko siya na nakatayo sa harap ko.
Both of his hands and placed inside his two pockets and he looks so damn cool.
“Message?” nalilitong tanong ko tapos ay agad na inilabas ang cellphone ko mula sa shoulder bag ko.
May dalawang text messages nga siya sa akin. Hindi naman ako nagdalawang isip na buksan iyon para mabasa. Ang una ay ‘Breakfast?’ iyon lang ang nakalagay. Ang pangalawa naman ay nagtatanong kung nasaan ako at kung gusto ko raw ba na sunduin niya ako.
“Ah, pasensiya na, hindi ko napansin,” nahihiyang saad ko, matamis naman siyang ngumiti at marahang tumango.
“It’s okay, Rome. But let’s have our lunch together, okay?” pilit ulit akong ngumiti at marahang tumango.
Hindi ko alam kung paano ko talaga siya haharapin o kung paano man lang siya kausapin ng normal. Nahihiya ako. Naaalala ko ang paghalik niya sa akin kahapon.
“S-Sige na, magtatrabaho na ako,” nahihiyang saad ko ulit.
“I won’t leave you alone, not until you change my name on your contact list, Rome,” saad naman niya.
Napalingon ulit ako sa cellphone ko at nakita ko na ‘Kuya Hans’ ang naka-save na pangalan niya sa contact list ko. Napilitan naman ako na i-edit iyon at palitan ng ‘Elliot’, tapos ay ipinakita ko iyon sa kanya kaya ngumiti siya.
“Okay na?” tanong ko pa kaya mabilis siyang tumango.
“Good girl,” sagot niya. “Now, I want you to check your phone from time to time. I might send you a message whenever I feel like it. You should also text me whenever you have a free time,” dagdag pa niya kaya napangiwi ako.
Hala, bakit ang demanding ng isang ito? Hindi ko naman siya boyfriend, ah? Nagkibit na lang ako ng balikat sa sinabi niya para hindi na humaba pa ang usapan.
“I’ll see you later, Rome,” saad ulit niya.