I sighed heavily and took a glance at the wall clock. Naiinip na ako kasi kaninang umaga pa kami narito sa opisina ni Kuya. Puro paper works ang mga tinatrabaho niya ngayon kaya hindi kami lumabas.
It’s already 11:00, and there’s still an hour left before lunch time. Napanguso pa ako nang marinig ang bahagyang paggalaw ng tiyan ko, may mahina pa iyong tunog indikasyon na nagugutom na ako.
Sino ba namang hindi magugutom, eh, kape at crackers pa lang ang kinakain ko mula kagabi, hindi ba? Ang ipinagdadasal ko ngayon ay bumilis na ang oras para makakain na ako.
While thinking about lunch time, Elliot suddenly came inside my head. Naalala ko lang kasi na inaaya nga pala niya akong mag-lunch ngayon. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung tuloy pa. Nahihiya naman ako na i-text siya dahil nga sa nangyari kahapon.
I took my phone out of my pocket to check if he sent me a message, and he did. Hindi naman ako nagdalawang isip na buksan iyon.
Elliot:
Send me a message on your lunch time, Rome. I want to eat with you.
Napanguso ako kasi hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko sa kanya. Kaya sa huli ay nagpasya ako na ibaba na lang sa mesa ang cellphone ko. Mamaya ko na lang siguro siya ite-text kapag dumating na ang lunch time ko.
“Uh, Kuya, may meeting ka with one of our possible clients after lunch. It’s 1:00pm, to be précised,” saad ko.
Nag-angat naman ng tingin sa akin si Kuya bago marahang tumango. Tapos ay tumingin pa siya sa wall clock bago muling bumaling sa akin.
“You can have your lunch now, Rome. Be back before 1:00pm,” bahagya akong natigilan sa sinabi niya.
“H-Hindi na, Kuya. Hintayin ko na ang alas dose,” sagot ko naman.
Natatakot ako na baka bumalik bigla si Dad. Ayaw kong mapagalitan na naman dahil tiyak na mawawalan na ako ng trabaho. Ayaw ko rin naman na madamay pa si Kuya sa galit niya sa akin kung sakali.
“Don’t worry about Dad, Rome. He won’t be back just yet. Kung sakaling bumalik man siya, sasabihin ko na inutusan kitang magpunta kay Hans. Inaaya ka niyang mag-lunch, hindi ba?” mahabang sagot naman ni Kuya.
Bahagya akong napanguso sa sinabi niya bago marahang tumango. Matamis naman na ngumiti si Kuya dahil doon.
“Take your lunch now, Rome,” ang utos ulit niya kaya marahan na lang akong tumango.
Nakaka-irita rin kasi ang ngisi na meron siya. Iyong ngisi na ibinibigay niya sa akin ay parang nagsasabi na may alam siya.
Inabot ko ulit ang cellphone ko para mapadalhan ng mensahe si Elliot. Tinanong ko lang siya kung saan kami kakain kasi lunch time ko na. Nakakagulat nga kasi pagka-send ko ng text message sa kanya, siguro ay sampong segundo lang tumatawag na siya agad.
Napalingon ulit sa akin si Kuya dahil doon, pero kahit pa nahihiya ay sinagot ko naman agad ang tawag.
“H-Hello?” nahihiyang bati ko.
“I’m at your company’s lobby, Rome. I’m waiting for you,” saad niya, tumango naman ako kahit pa hindi niya nakikita.
“Alright, I’ll go down in a bit,” sagot ko tapos ay ibinaba ko na ang tawag.
Hinila ko na ang shoulder bag ko at muling nagpaalam kay Kuya, tapos ay naglakad na ako papunta sa lobby para mapuntahan si Elliot.
Malayo pa ako sa kanya ay nakita ko na agad siya na prenteng nakaupo sa isang mahaba at L-shaped na sofa. How can he be so handsome even when he’s just sitting and doing nothing? I shook my head to brush the thought off my mind. Tapos ay huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa kanya.
Nakita naman niya ako at agad na rin siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Ngumiti naman siya sa akin na agad kong sinuklian.
“Let’s go?” anyaya niya.
Marahan ulit akong tumango. Tapos ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng building, ako naman ay hindi na nagdalawang isip pa na sumunod sa kanya.
Pagkalabas naming ay sabay pa rin kaming naglakad papunta sa parking lot kung saan niya ipinarada ang BMW niya na kulay itim, at nang naroon na kami ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok at sumakay sa loob ng sasakyan.
“Saan tayo kakain?” tanong ko, kasabay no’n ay binigyan niya ng buhay ang makina ng sasakyan.
“I made a reservation on a restaurant own by a close friend. Panalo ang steak nila roon,” sagot naman niya kaya marahan ulit akong tumango.
“Basta hindi masyadong malayo, ah? Alam mo naman na kailangan ko ring bumalik agad. Hindi ako puwedeng magtagal baka kasi bumalik si Dad tapos wala ako,” may halong pag-aalala na saad ko naman kaya ngumisi siya, bagay na ikinalito ko kung bakit.
“Can you see the folder on the backseat?” tanong niya, nilingon ko naman ang tinutukoy niya at marahang tumango.
“Yes, what are those?” tanong ko rin.
“Those are the sample business proposal that Aries made. Naibigay na niya sa akin kahapon pero hindi pa alam ng Dad niyo. So, Aries and I had decided to use that as an excuse so we can have our lunch longer than your usual lunch time. Don’t worry, alam na ni Aries ang gagawin kung sakaling dumating man ang Dad niyo,” mahabang sagot at paliwanag niya kaya napanganga ako.
“Kapag ako napahamak na naman kayong dalawa talaga ang sisisihin ko. Kilala niyo naman si Dad. Atsaka narinig niyo ang sinabi niya, hindi ba? Na makitaan lang niya ako ng isang mali aalisin na niya ako sa trabaho,” nag-aalalang sagot ko naman.
“If he fired you, I’m willing to hire you as my secretary. I need one, anyways,” sagot niya tapos ay nagkibit pa siya ng balikat.
“Nakakahiya naman kapag nagkataon. Tapos ano, kapag may business ka kasama sina Dad isasama mo rin ako? That’s awkward, Elliot,” sagot ko at mahina pang natawa.
“You can be successful under my supervision, Rome. I’ll help you grow and learn more about business if that’s what you want. I won’t limit you for the things that you can do,” saad ulit niya kaya napangiwi ako.
“Hindi rin naman siguro ako hahayaan ni Dad na magtrabaho sa ibang kompanya kung sakali. Huwag na nga lang nating pag-usapan,” sagot ko na lang.
At mabuti na lang pagkatapos no’n ay natahimik na rin kaming pareho. Nang makarating sa restaurant ay agad siyang humanap ng puwesto sa parking lot, nang maiparada naman na niya ang sasakyan ay sabay kaming bumaba ro’n.
Jag’s…
That’s the name of the restaurant. I know this restaurant. I mean, isa ito sa mga kilalang restaurant sa buong bansa. Ilang ulit na rin akong nakakain dito kasama si Zoe, hindi ko alam na kaibigan pala ni Elliot ang may-ari nito. Iyon kasi ang sinabi niya kanina, hindi ba?
Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso pa si Elliot papasok sa isang silid. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumunod sa kanya. Napangiti pa nga ako nang makita nan aka-serve na ang pagkain.
“Wow, this looks good,” saad ko at umupo na.
Parehong medium rare ang luto ng steak namin. That’s how I want it, anyways. There are also side dishes but I like the caesar salad more.
“You need to eat more, Rome,” saad ni Elliot sa kalagitnaan ng pagkain namin.
“Hindi mo dapat laging ginagawa ito,” saad ko naman na siyang ikinakunot ng noo niya.
“Ang alin?” tanong naman niya.
“Ito, iyong lagi mo akong inaaya na kumain sa labas at inililibre. People might misunderstand, Elliot. At isa pa, sa susunod huwag kang basta basta nanghahalik, okay? Puwede mo ‘kong sabihan ng maayos,” seryosong sagot ko naman.
Nakita ko kung paano nagtiim ang bagang niya dahil sa sinabi ko. Feeling ko ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya gano’n.
“Ano ba ang pakealam ng iba tao sa atin, Romina?” tanong niya kaya napanguso ako. “They can think and gossip about us all they want and I don’t care. So long as I can take good care of you, then, I’m good with it,” dagdag pa niya kaya napalunok ako.
Muntik pa akong mabulunan dahil puno ng pagkain ang bibig ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na abutin ang isang baso ng tubig tapos ay agad na uminom doon.
“H-Hindi pa rin tama, Elliot. I appreciate that you want to take good care of me because I am your bestfriend’s little sister, and I thank you for that. Pero ayaw ko kasi na madawit sa kahit na anong issue ang pangalan ko. Ayaw kong bigyan ng dahilan si Dad para magalit na naman sa akin,” sagot ko naman.
“Would he be mad if I date you?” tanong niya kaya nabulunan na naman ako at agad na inubo.
“Elliot!” may halong reklamo na pagbabawal ko pa kaya mahina siyang natawa.
“I’m just asking, Rome,” natatawang saad pa niya.
“Whatever,” sagot ko na lang.
“Malapit na ang birthday mo. Ano ang balak mo?” tanong niya kaya natigilan ako at napatitig ulit sa kanya.
“A-Alam mo kung kailan ang birthday ko?” mababa ang boses na tanong ko naman pabalik.
“Rome, we’ve known each other for years now. Of course I know your birthday,” sagot naman niya na parang hindi makapaniwala sa tanong ko.
“Uh, n-nasanay kasi ako na si Zoe lang ang laging nagpapaalala sa akin. Twelve midnight pa lang ay tatawagan at babatiin na niya ako, so…” saad ko at nagkibit pa ng balikat, marahan naman siyang tumango.
“Ano ang plano mo sa birthday mo?” tanong ulit niya.
“Baka ilibre ko lang si Zoe at ang ilan pa sa mga kaibigan namin. Nothing special, Elliot. Hindi naman ako nasanay na magpa-party,” sagot ko ulit.
Mapait akong napangiti dahil doon. But it’s true. Natatandaan ko pa nga noong debut ko, nag-expect ako na may party kahit na papaano. Umasa ako na isasayaw ako ni Dad at ni Kuya, pero wala. Nakalimutan nilang lahat.
Pero okay lang. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob. At isa pa, hindi naman nila obligasyon na gastusan ang birthday ko.
“File a vacation leave on your birthday, Rome. Celebrate it with me,” puno ng lambing at sinseridad nsa saad niya.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili na tumitig sa guwapo niyang mukha. Bakit ba niya ito ginagawa? Gusto ko tuloy umasa na may nararamdaman siya para sa akin… pero hindi puwede. Mahirap na umasa.
Pero grabe lang talaga, dahil sa ganitong trato niya sa akin ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kung magtutuloy tuloy ito, sa tingin ko ay hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na mahalin siya ng sobra.