Chapter 3

2133 Words
I ate a lot. Sobra akong nabusog. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang nabanggit pero paborito ko talaga ang goto at street foods. Ito madalas ang kinakain ko lalo na kapag pinapagalitan ako ni Dad. I don’t know why but I feel like somehow, this type of foods is giving me comfort. Napangiwi naman ako nang bumaling ako sa harap ko, kung saan nakaupo si Elliot. Ni hindi man lang niya nakalahati ang isang mangkok ng goto at hindi rin niya halos nabawasan ang mga street foods na nasa harap niya. “Alam mo ikaw? Napaka-arte mo! Daig mo pa ang babae,” saad ko kaya napangiwi siya. “You can’t force me to eat things that I don’t like, Romina,” sagot naman niya. Napangiwi naman ako. Hindi dahil sa isinagot niya kung hindi dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi ako sanay na ibang tao ang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan. “Bahala ka nga, ayaw na kitang isama rito sa susunod. Hindi ka masayang kasama, masyado kang KJ,” saad ko ulit kaya sinamaan niya ako ng tingin. “I can always bring you to a five star restaurant,” napabuntong hininga ako sa sinabi niya. “Alam mo, Kuya Hans—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad niya iyong pinutol. “Elliot, Romina. Call me kuya Hans once more and I’ll shut you up in a way you wouldn’t like,” may halong pagbabanta na saad niya kaya napangiwi ako. Teka, sa paanong paraan ang ibig niyang sabihin? Nagkibit na lang ako ng balikat at nagpasyang huwag na iyong pansinin. “Elliot,” saad ko naman. “Alam mo, Elliot, masyadong maiksi ang buhay para mag-inarte ka. Dapat subukan mo ang lahat ng hindi mo pa nasusubukan lalo na kung minsan lang naman iyon mangyayari. You should live your life to the fullest and without any regrets. Trust me, once day you’ll look back and wish to turn back time just so you can do these things again,” mahabang saad ko pa. “May gusto ka pa bang puntahan pagkatapos nito?” tanong naman niya, hindi pinapansin ang mahabang pagda-drama ko. “Wala na, uuwi na rin ako. Alam mo naman na hindi ako puwedeng late umuwi kasi magagalit si Dad,” may halong pag-aalalang saad ko kaya napabuntong hininga siya. “Bakit hinahayaan mo na gano’n ka itrato ni Tito?” nalilitong tanong naman niya kaya napangiti ako. “He just want what’s best for me,” sagot ko. I actually find it odd how I still can stand up for Dad. I mean, kahit pa alam ko naman na hindi na magbabago ang turing niya sa akin ay ayaw ko pa rin na maging pangit ang tingin sa kanya ng ibang tao. He’s still my father, after all. At kahit pa hindi niya maibigay sa akin ang atensiyon na gusto ko ay kailangan ko pa ring magpasalamat kasi binuhay nila ako ni Mom. “I’ve known you for years, Rome. I have seen your efforts. I’ve witnessed how you tried so hard just to make him proud. At nakita ko rin na parang wala lang iyon sa kanya. I’m not asking you to rebel or go against his will, but I want you to remember that you are more than what he thinks of you,” mahabang pahayag naman niya. I fell silent with his words. Tama siya. Totoo ang lahat ng sinabi niya at sobra akong tinamaan sa mga salitang iyon. I can only wish to have the courage so I can face Dad with my head held high. But what can I possibly do? Nothing. “He’s not that bad…” pagtatanggol ko ulit kay Dad. “Ayaw lang talaga niya na wala akong mapatunayan sa buhay ko. Mataas ang expectation niya kasi magaling si Kuya,” dagdag ko pa kaya sarkastiko siyang natawa. “Gusto niya na may mapatunayan ka sa buhay mo pero hindi ka niya hinahayaan na gumawa ng sarili mong desisyon. He keeps on comparing you to Aries when in fact, you both have different capabilities. Hindi dapat gano’n ang isang ama, Rome. And you keep on taking his sides regardless of all the pain he’s inflicting you. It’s not that it’s bad, in fact, I adore you for that. Pero huwag mo sanang hahayaan na mapuno ka, Rome,” mahabang pahayag ulit niya. “Wala naming mangyayari kung mapupuno ako, hindi ba? I’ll just silently take all the pain, sleep and wake up with a smile as if nothing happened. That’s my life cycle for years now, and I think I got a little bit used to it,” saad ko at nagkibit balikat pa. Kunware ay hindi ako apektado kahit pa ang totoo ay nasasaktan ako sa usaping ito. Nasasaktan ako kasi nga totoo ang mga sinasabi niya, at kahit pa gaano katotoo ang mga iyon ay wala naman akong magagawa. “You’re wrong, Rome. People who are in deep pain tend to do things and decisions they don’t really mean. Huwag kang matakot sa sakit na puwedeng idulot sa ‘yo ng mga tao, matakot ka kapag hindi mo na makontrol ang sarili mong emosyon kapag sobra ka nang nasasaktan,” may halong pag-aalala na saad niya kaya natahimik ako. Ano nga ba ang magagawa ko kapag napuno na ako sa sakit? Hindi ko rin alam. Pero totoo ulit ang sinabi niya. Maraming nagsasabi na iba ang nagagawa ng mga tao dahil sa sobrang sakit. Sana lang ay hindi ako umabot sa puntong iyon. Kahit naman kasi nasasaktan ako madalas ni Dad ay ayaw ko pa rin na masaktan ko siya, kapag nangyari iyon ay alam kong masasaktan ko rin si Mom. Madadamay ang buong pamilya namin. So I guess, it’s better to just stay this way. It’s better to keep things the way they are. Iyon lang naman ang paraan para maging maayos ang lahat at hindi na lumala ang sitwasyon. “Tara na, hatid mo na ako,” saad ko, tapos at pilit pa akong ngumiti sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw ko pa talagang umuwi. Pero gusto ko nang matapos ang usapang ito. I feel like I’m going to break down any moment because of this conversation. Mataman naman niya akong pinagmasdan bago siya muling nagbuntong hininga at tumango. “Alright, let’s go,” aniya. He took out a one thousand peso bill in his pocket and put it on the table. Hinayaan ko naman siya sa ginawa niya tapos ay sabay na kaming tumayo at naglakad palabas ng restaurant ni Zoe. Nang makasakay na kami sa kotse niya ay agad kong inilabas ang cellphone ko para i-text ang kaibigan ko. Ako: Zoe, umuwi na kami. Hans left a one thousand peso bill on the table. Pasensiya na kung hindi na ako nakapagpaalam ng personal. Something came up. I’ll see you when I see you. Iyon ang dahilan ko. Nakatanggap naman ako ng reply sa kanya. Sinabi niya na sana raw ay hindi na kami nagbayad, may mahaba pa siyang mensahe pagkapos no’n at tinamad na akong basahin kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko. “Don’t be afraid to speak up sometimes, Rome. Especially if you know that you are right. Hindi masama na ipaalam sa kanila ang punto mo,” saad ulit ni Elliot habang nasa daan na kami. Napangiwi ako kasi ang akala ko ay tapos na ang usapan naming tungkol doon. “Hindi ko naman kayang gawin iyon,” saad ko. “Atsaka gusto mo bang palayasin ako kapag sumagot ako sa kanila?” natatawang sagot ko, biro ko lang iyon pero sineryoso naman niya. “You’re welcome to stay in my house if they kicked you out, Rome. I’ll help you,” seryosong sagot niya kaya napangiwi na naman ako. “Biro lang iyon. Alam ko naman na hindi nila ako palalayasin kahit pa ano ang mangyari,” sagot ko naman. “They may sometimes act cold towards me, but deep inside, I know that they love me,” depensa ko naman. “Just remember that I am always here for you, Rome,” sagot ulit niya kaya pilit na lang akong ngumiti at marahang tumango. “Thank you,” puno ng sinseridad na sagot ko. “Anything for you,” aniya. “Oo nga pala, I spoke with your Dad and Aries just a few days ago about business. Nabanggit na ba nila sa ‘yo?” tanong pa niya, napalingon naman ako sa kanya at marahang umiling. “What about it?” tanong ko rin. “We’re planning to make a partnership. I mean, siya rin naman na laging kompanya niyo ang nagsi-ship ng products namin. But I’m still trying to study the pros and cons of it. We’re going to discuss a lot more about it after a few weeks, I guess,” sagot niya kaya marahan akong tumango. “Hindi nila nasabi sa akin. Wala naman silang binabanggit sa akin na kahit na ano tungkol sa mga desisyon nila sa kompanya. But anyways, hindi na ako nagulat. Lalo na matagal na rin kayong magkaibigan ni Kuya, I’ve already seen it coming,” saad ko naman. “It’s just a matter of time, I guess,” tumatangong saad pa niya kaya napangiti ako. “You’ll definitely be a good business partner,” saad ko kaya mahina siyang natawa. “That’s what Aries said,” sagot naman niya. “But you see, it’s not really that easy. I might benefit or not. Hindi sa wala akong tiwala sa Dad at Kuya mo, but you understand business, right?” tanong pa niya kaya marahan akong tumango. “Yep,” sagot ko. “And don’t worry, I’m not going to say anything to them. It’s not like they will listen, anyways,” dagdag ko pa na may halong pagbibiro pero hindi siya tumawa. Kaya sa huli ay napanguso na lang ako at tumingin sa labas ng sasakyan. “Truth is, I want more than a partnership,” saad niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. “What do you mean?” medyo nalilitong tanong ko kaya nagkibit siya ng balikat. “I want something more…” he replied in a husky tone of voice. Nalilito ako sa isinagot niya. Gusto ko mang magtanong ulit pero hindi ko maintindihan kung bakit natatakot o kinakabahan ako sa puwede niyang isagot sa akin. “Uhm…” ang tanging nasabi ko na lang kaya napalingon siya sa akin at mahinang natawa. “Don’t worry, Rome, I’m not planning any monkey business here. One day, you’ll understand what I really want to convey,” mababa ang boses na sagot niya kaya marahan na lang akong tumango. Ilang sandal lang ay napansin ko na ipinasok na niya ang sasakyan sa loob ng subdivision namin. Natahimik na kami pagkatapos no’n. Nang nakarating naman sa harap ng bahay namin ay agad niyang ipinarada sa harap ng gate ang sasakyan niya. Hindi naman ako nagdalawang isip na buksan na ang pinto at bumaba doon. Medyo kumunot pa ang noo ko nang mapansin na bumaba rin siya ng sasakyan. Ang akala ko kasi ay didiretso na siya pauwi. “Uh, do you want to say hi to kuya Aries?” medyo nahihiyang tanong ko at itinuro pa ang gate namin, ngumiti naman siya at umiling. “Nope,” sagot niya. “I just want to see you get inside in a clear view,” dagdag pa niya kaya napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi niya. “P-Papasok na ako,” mababa ang boses na saad ko na lang kaya marahan siyang tumango. “T-Thank you ulit, Kuya Hans,” saad ko pa. Nakita ko kung paano nagtiim ang bagang niya dahil sa huling sinabi ko. Saka ko lang naalala na ayaw nga pala niyang tinatawag ko siyang Hans o Kuya Hans. “Uh, I mean, Elli—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay nag-ugat ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. I just found his lips next to mine… Yes, he’s kissing me right now. It wasn’t that deep. The kiss was so soft and mellow. “I told you, I’ll shut you up in a way you wouldn’t like once you called me Kuya Hans,” bulong niya nang humiwalay nang magkahiwalay na ang mga labi namin. “Now, go inside and make sure to call me Elliot from here on,” dagdag pa niya. Nanatili pa rin naman akong nakatanga lang at nakatitig sa pula niyang labi. Kung hindi ko lang napansin ang mayabang niyang ngisi ay baka hindi pa ako bumalik sa ulirat. Dala ng hiyang nararamdaman ay patakbo na akong pumasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD