Pagkatapos kumain ng dinner ay nagpasya kaming magpahinga at magpahangin sa isang kubo na malapit sa dagat. Nakakatuwa ngang pagmasdan ang resort kasi kahit pa gabi na ay maliwanag pa rin sa dami ng ilaw. Ang mga bisita at turista ay mukhang hindi naman napagod sa maghapong pag-eenjoy kasi marami pa rin sa kanila ang naliligo sa pool. Wala nang naliligo sa dagat kasi sa pagkakaalam ko ay hanggang alas cinco lang puwede. Tama naman iyon, mas mabuti nang makasigurado na safe ang lahat. Lalo na’t kahit pa maraming ilaw sa resort ay madilim na sa may bandang tubig dagat. “Bro,” saad ni kuya, sabay kaming napalingon ni Elliot sa kanya. Inihagis ni kuya ang isang beer in can na agad namang nasalo ni Elliot. “Where did you get this?” tanong naman ni Elliot bago binuksan ang beer. “Hiningi ko