Elliot and I had decided to just stay inside the hotel room. Pareho pa rin kaming nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Naka-akbay naman siya sa akin habang nangyayari iyon kaya nakakatuwa. “Oo nga pala, hindi ka nag-text o tumawag nitong mga nakaraang araw. Tapos narinig kong sinabi ni kuya kay Dad na may ka-date ka raw,” saad ko. Nakatitig ako sa kanya habang sinasabi iyon, siya naman ay nakatingin sa pinapanuod niya. Bahagya siyang lumingon sa akin bago ngumisi. “Iyon ang sinabi kong idahihan ni Aries kapag nagtanong ka,” sagot niya. “You asked to date other girls, Rome. What do you want me to do?” tanong pa niya kaya napanguso ako. “But did you really date some other girls?” mahina at halos pabulong na tanong ko naman. “Of course not,” agad na sagot niya. “I just gave you some ti