Magkatabi kaming nakaupo ni Elliot sa silya na gawa sa kawayan habang nakaharap sa lawa. Ang ganda talaga ng lugar. Sobrang gaan sa pakiramdam. Malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa aming mga katawan. “I’m so happy,” mababa ang boses na saad niya, hindi ako nakatingin sa kanya pero ramdam ko sa salita niya ang kanyang ngiti at sinseridad. “Ako rin, Elliot. Hindi ko nga alam kung paano kita mapapasalamatan,” pabulong na sagot ko naman. “You don’t have to thank me. Masaya na ako na nasa tabi kita,” aniya. “Paano kung dumating ang araw na ma-realize mo na infatuated ka lang pala sa akin? Na… hindi pala ako iyong gusto mong makasama habang buhay?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon sa kanya. Pero masyado kasi akong natatakot sa ideyang iyon. “Hindi mangyayari