Chapter 2
Napabuntong hininga ako nang matapos na ang oras ng trabaho. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagawa ng maayos ang mga trabaho ko gayong masyado akong ginugulo ng nangyari kaninang umaga.
Kagaya ng sinabi ko ay hindi na rin naman bago sa akin ang makatanggap ng masasakit na salita at pamamahiya mula kay Dad, pero wala, eh. Nasasaktan pa rin ako.
Nang maayos ko na ang mga gamit ko sa office table ko ay agad kong hinila ang shoulder bag ko at naglakad papunta sa banyo. Nang nasa harap na ako ng lababo ay saglit akong tumitig sa repleksiyon ko sa salamin.
Napabuntong hininga ako bago nagpasyang hilamusan muna ang mukha ko. I don’t put makeups on my face. Okay na ako sa face powder at liptint. Hassle kasi ang makeups lalo na kapag gusto kong maghilamos kagaya nito.
Pagkatapos ay lumabas din ako agad par asana makauwi na, pero agad din akong natigilan nang makita si Elliot na prenteng nakatayo sa labas ng banyo at nakasandal pa sa pader na parang may hinihintay.
“Uhm, hindi ka pa uuwi?” mababa ang boses na tanong ko sa kanya.
“Hinihintay kita,” sagot naman niya kaya bahagya akong napanguso.
“M-May kailangan ka ba?” medyo nahihiyang tanong ko pa.
“Kailangan ba may dahilan ako para hintayin ka?” pagbabalik naman niya ng tanong sa akin.
“Hindi ba?” nalilitong tanong ko rin kaya napabuntong hininga siya.
“Alright, I’m worried about you, okay? Hindi na kita napuntahan kanina kasi busy kami ng Kuya mo sa trabaho. Ayaw naman kitang abalahin kasi nandito si Tito, baka mas lalo ka lang mapagalitan,” saad naman niya kaya mapait akong napangiti.
“I’m okay, Kuya Hans. I’m used to it,” pagsisinungaling ko naman.
“Elliot, Rome. Call me Elliot. How many times do I have to tell you that?” mababa ang boses na tanong niya kaya napanguso ulit ako.
What’s with Elliot, anyways? Bakit gusto niya na iyon ang itawag ko sa kanya? Atsaka bakit ako lang ang gusto niyang tumawag no’n sa kanya? Napabuntong hininga na lang ako at nagpasya na huwag na iyong isipin.
“Uuwi na ako,” pagpapaalam ko.
“I’m hungry,” sagot naman niya kaya napangiwi ako.
“Oh, eh bakit hindi ka kumain?” nalilitong tanong ko naman.
Nakita ko kung paano siya pumikit ng mariin na parang hindi natutuwa sa mga isinasagot ko sa kanya. Pero napabuntong hininga na lang siya sa huli bago marahang tumango.
“Let’s go out and eat, Rome. Ihahatid kita pagkatapos,” saad ulit niya.
Saglit akong natahimik at nag-isip bago nagkibit ng balikat at ngumiti sa kanya.
“Basta libre mo, ah?” nakangiti at masayang tanong ko, marahan naman siyang natawa dahil doon.
“Kailan ba kita pinagbayad?” tanong naman niya.
Nagsimula na siyang maglakad palabas ng building habang ang magkabilang kamay ay nakapasok sa bulsa ng pants niya. He’s walking his way outside the building with so much grace. Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming empleyado ang napapalingon sa kanya, lalo na ang mga babae at binabae.
Hindi ko naman ikakaila na guwapo talaga siya. Siguro isa na rin sa dahilan kung bakit nagustuhan ko siya. Aaminin ko na noon pa lang ay may crush na ako sa kanya, tapos siguro ay mas lalo lang na-develop ang feelings ko kasi sobrang bait at maalaga niya sa akin.
Just like this very moment, he even waited for me to finish my work so he can take me out. Samantalang si Kuya, sa tinagal tagal na naming magkasama sa bahay ay hindi niya pa ako nagawang ilibre kahit na minsan.
Ni wala nga akong natanggap na kahit na anong regalo mula sa kanila ni Dad. Si Mommy ang laging nagbibigay ng regalo sa akin tuwing pasko o kung hindi kaya ay kapag kaarawan ko.
But it’s okay. I’m not asking for anything. Masaya na ako na binuhay nila ako, pinakain, binihisan, binigyan ng magandang tahanan at pamilya. Kahit pa hindi ko naman ramdam na may pamilya pa rin ako, at least may matatawag pa rin akong pamilya.
Nang makarating na kami sa harap ng sasakyan ni Elliot sa parking lot ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan, hindi naman ako nagdalawang isip na pumasok at sumakay doon, tapos ay pinanuod ko siyang maglakad papunta sa kabilang banda para makasakay na rin.
“Where do you want to eat?” tanong niya pagkatapos buhayin ang makina ng sasakyan niya.
“Gusto ko ng streetfoods, Kuya Hans!” masayang sagot ko.
Na-excite ako sa naisip. I don’t know why but streetfood is somehow, my comfort food. Sa tuwing stress ako, malungkot, nasasaktan at kahit na masaya pa, lagi akong naghahanap ng streetfoods.
“Romina!” may halong pagbabantang saad niya sa akin kaya agad akong napalingon sa kanya, napansin ko na masama ang tingin niya sa akin nang magkasalubong ang titig naming dalawa kaya agad akong napanguso.
“E-Elliot,” mahinang sagot ko kaya napangiti siya.
“Good girl,” mababa ang boses na sagot niya at pina-andar na ang sasakyan. “Pick a decent restaurant, Rome. There’s no way I’ll let you eat dirty foods,” dagdag pa niya kaya napangiwi ako.
“Grabe ka naman sa dirty foods, Elliot. Ang judger mo sa part na iyon. May alam akong restaurant na puro streetfoods ang nasa menu, okay? Masarap at malinis pa,” sagot ko naman kaya napabuntong hininga ulit siya.
“Fine!” pagsuko niya. “Show me the way,” dagdag pa niya kaya malawak akong napangiti.
Gano’n naman ang ginawa ko. Itinuro ko sa kanya ang daan papunta sa restaurant na sinasabi ko. Nang makita ko na ang malaking logo ng restaurant na ang pangalan ay Zoe’s ay napangiti na naman ako.
Yes, Zoe, my bestfriend owns this restaurant. Bago niya pinagawa ang business niyang ito, nabanggit niya sa akin na ako ang inspirasyon niya. Nakakatuwa naman kasi unti-unti nang nakikilala ang resto. Marami na siyang mga customers.
“Let’s go!” masayang saad ko at nagmamadali pang bumaba nang maiparada na niya ang sasakyan niya.
“Rome!” matinis ang boses na tawag sa akin ni Zoe nang makita ako, patakbo naman akong lumapit sa kanya at yumakap pa.
“Dami nating customers, ah?” nakangiting saad ko habang nakatingin sa ka-buo-an ng lugar.
“Girl, kumusta? Hindi ka naman ba sinaktan ng Daddy mo?” may halong pag-aalala na tanong niya sa akin, hindi pinapansin ang sinabi ko.
“Hindi naman gano’n si Dad, Zoe. Hanggang salita lang siya,” sagot ko naman.
“Let me remind you, girl, na mas masakit ang salita,” sagot naman niya.
“Oo na, huwag na nating pag-usapan! Wala naman na iyon, eh,” natatawang saad ko. “Kasama ko si Kuya Hans, alam mo na ang order ko, ah? Doblehin mo para sa kanya,” masayang dagdag ko pa kaya malawak siyang napangiti.
“Kumakain siya ng streetfoods?” tanong niya, napangiwi pa ako kasi parang nagningning ang mga mata niya nang itanong iyon, iyong para bang sobrang interesado siya.
Bahagya akong kinabahan sa ideya nab aka may gusto rin ang matalik kong kaibigan kay Elliot. Si Zoe lang ang kakampi ko sa lahat ng bagay. Siya ang nagparamdam sa akin na may pamilya pa rin ako.
Siya ang patunay na madalas, kung sino pa ang hindi natin kadugo ay sila pa ang mas may pakealam sa atin. Kaya paano kung may gusto nga siya kay Elliot? Napabuntong hininga ako sa naisip.
“Hindi ko alam, Zoe, eh. Pinilit ko nga lang na dalhin ako rito. Pero gutom daw siya, mukhang kakain din naman siya,” sagot ko na lang.
“Sige, girl, ako na kukuha ng order niyo at maghahatid sa mesa niyo,” may halong kilig na sagot niya at nagmamadali nang pumasok sa kusina.
Kung may gusto siya kay Elliot ay tutulungan ko siya. I will set aside my own feelings. Ang nararamdaman ko para kay Elliot ay mananatiling sikreto hanggang sa kusa na lang itong mawala para maprotektahan ang kaibigan ko.
Naglakad na ako papunta sa isang bakanteng mesa at umupo ro’n. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Elliot at agad na umupo sa tabi ko.
“Are you sure we’re going to eat here?” mababa ang boses na tanong niya kaya napangiti ako.
“Si Zoe ang may-ari ng restaurant na ito, Elliot,” sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
“Zoe? Who’s Zoe?” nalilitong tanong niya kaya napanganga ako.
“Huh? Hindi mo kilala si Zoe? Iyong bestfriend ko! Grabe ka, ilang beses mo na rin kaya siyang nakasama lalo na kapag nasa bahay siya,” sagot ko naman.
“Oh, I know her face but not her name,” nagkibit pa siya ng balikat nang sabihin iyon.
Hinayaan ko na lang siya at tahimik na hinintay ang order namin. Napangiti ulit ako nang makita si Zoe na paparating na habang dala ang isang tray na lulan ang mga paborito ko.
Nang ilapag niya iyon sa mesa ay agad akong natakam. May dalawang mangkok ng goto na may laman ng baka, tapos may mga plato na naglalaman ng betamax, isaw, paa at ulo ng manok at balat ng baboy.
May mga maliit ding mangkok kung saan nakalagay ang sauce at suka.
“H-Hi, Elliot,” medyo nahihiyang saad ni Zoe kaya napangiwi ako. Nagkibit na lang ako ng balkat at nagpasyang kumain na.
“Hans,” saad naman ni Elliot. “Call me Hans,” dagdag pa niya kaya napasinghap ako.
“Uhm, e-enjoy your food!” masayang saad ni Zoe. “Tawagin niyo lang ako kapag may kailangan pa kayo,” nakangiting dagdag pa niya, ngumiti naman ako sa kanya at marahang tumango.
“Thank you, girl! The best ka talaga!” saad ko kaya mahina siyang natawa.
“Gaga!” sagot naman niya. “Hindi mo na kailangan pang mambola kasi libre ka naman dito,” dagdag pa niya kaya humalakhak ako. Totoo iyon. Kahit pa gustong gusto kong magbayad ay hindi niya kinukuha. Minsan nga ay nahihiya na ako at parang hindi ko na gustong magpunta rito, pero wala na akong magawa kapag nag-crave ako lalo na at favorite ko ang streetfoods.
Tapos ay nagpaalam na ulit siya at naglakad napabalik sa kusina. Ako naman ay ipinagpatuloy na ang pagkain. Napalingon pa ako kay Elliot na ngayon ay mukhang nagdadalawang isip kung kakainin ba niya ang pagkain na nasa harap niya.
“Alam mo, walang mangyayari kung mag-iinarte ka. Kumain ka nga!” saad ko naman kaya napangiwi siya.
“Paano kapag sumakit ang tiyan ko?” mahina at halos pabulong naman na tanong niya sa akin.
“Ang OA mo!” medyo naiiritang sagot ko naman. “Malinis nga ‘yan, okay? Halos araw araw kung kumain ako rito at hindi sumakit ang tiyan ko kahit na minsan, kaya kumain ka na,” dagdag ko pa.
“Hindi ako sanay sa ganitong pagkain, Rome. Kahit na minsan ay hindi pa ako nakakakain nito. Kaya paano nga kung sumakit ang tiyan ko?” tanong pa niya ulit.
“Edi dadalhin kita sa hospital,” sagot ko naman at kumagat sa isaw na nasa stick.
“I hate hospital,” sagot naman niya at agad na hinawakan ang kutsara, tapos ay tumingin siya sa akin at ngumisi. “Kapag sumakit ang tiyan ko, alagaan mo ako,” dagdag pa niya kaya nagkibit ako ng balikat.
“Sure,” agad na sagot ko.
Pero teka lang, bakit parang nakakakilig ang ideya na ako ang mag-aalaga sa kanya? Huminga na lang ako ng malalim at nagpasyang huwag nang isipin iyon.