Napabuntong hininga ako at tumingin sa wall clock na nakasabit sa pader ng opisina. It’s already 10:00 AM and Elliot is still not here. He even said yesterday that he’ll see me at work today. Ano iyon, hindi siya makakapunta kasi busy pa sila nung ‘Love’ niya? Nakakainis talaga! Wala akong matapos tapos na trabaho dahil masyado niyang ginugulo ang isip ko. Napabuntong hininga ako at agad na ibinagsak ang noo ko sa office table. “Aw!” reklamo ko kasabay ng pagngiwi nang mapalakas ang impact no’n. Ginamit ko ang cellphone ko bilang salamin para tignan ang noo ko. Napansin ko na bahagya iyong namula at nagkaroon pa ng maliit na gasgas. “Nakakainis talaga! Magsama kayo ng ‘Love’ mo,” napipikong saad ko. Agad naman akong natahimik dahil sa sinabi ko. Teka, ako ang may dahilan kung bakit na