“Are you okay?” marahan ang boses na tanong ni Leroy nang nasa isang restaurant na kami at kumakain. Halos kalahating oras na kami rito pero tahimik lang kami. Siguro ay nagpapakiramdaman kung ano ang dapat at tamang sasabihin. Ako kasi ay wala namang maisip na topic at medyo nahihiya rin akong magtanong ng kahit na ano sa kanya kaya nanatili akong tahimik. “Yes, Leroy. Thank you for asking,” sagot ko naman. “Pasensiya ka na, ah? Boring talaga akong kasama,” dagdag ko pa at pilit na ngumiti. Mahina naman siyang natawa bago marahang umiling. “Not at all,” aniya. “It’s actually feels good to see you,” dagdag pa niya kaya marahan akong tumango. “How have you been, by the way?” tanong ko para lang magpatuloy ang usapan namin. “Never been better,” aniya. “What about you? I mean, don’t take