“Alright, Love. I’ll be there in a few.” Para akong baliw na kanina pa iniisip ang narinig mula kay Elliot. May girlfriend na ba siya? Gano’n ba siya kabilis nakahanap ng ipapalit sa akin? Hindi naman nakapagtataka, pero hindi lang talaga ako makapaniwala. Kung tutuusin ay balak ko pa talagang bumalik sa hospital ngayon pero hindi ko na nagawa. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nawala sa mood. Pupunta si Elliot sa Pangasinan kasama ang ‘Love’ niya. Sigurado ako na doon sila sa bahay niya mag-stay kasama sina Anica at Lester. Saan niya patutulugin si ‘Love’ kung gano’n? Sa parehong kuwarto ba kung saan niya ako pinatulog? Kung saan unang beses naming pinagsaluhan ang mainit na gabi? Ay ewan! Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito. Mahina akong natawa sa sarili ko