Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang nakasisilaw na ilaw at kulay puting kisame, nang igala ko ang paningin ko sa paligid ay kulay puti rin ang dingding ng lugar. “Zoe…” mahinang pagtawag ko sa pangalan ng kaibigan ko nang makita ko siyang nakaupo sa isang sofa. “Hey,” saad niya at mabilis akong dinaluhan. “Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong pa niya kaya marahan akong tumango. “What happened?” tanong ko at pilit na umupo sa kama. Alam ko na nasa hospital ako ngayon kaya pinilit kong alalahanin ang mga nangyari. Biglang bumalik sa likod ng alaala ko na nag-uusap kami ni Zoe, tapos ay tumayo ako para magpaalam na para makauwi na muna sana pero bigla akong nawalan ng malay. “You lost consciousness, Rome,” aniya. “But the doctor said that it’s nothing serio