The next day, I woke up groggily and feeling empty. Pagkalabas ni Elliot ng kuwarto ko kagabi ay nagpasya akong magpahinga na. But the situation didn’t let me sleep at all. Para akong tanga na mulat sa madilim na silid, tapos ay nakatitig sa kawalan. Ni hindi ko nga rin alam kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko kagabi. Basta sa tingin ko ay alas tres na iyon ng madaling araw nang makatulog ako. I actually find it quite odd because I woke up early today. Nang tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader ko ay alas siete pa lang ng umaga. It’s not like I have a job. Kaya ang in-expect ko ay bandang alas nueve o alas diez pa ako magigising. Gano’n pa man ay nagpasya akong maligo na at magbihis. Balak ko kasi na puntahan si Zoe ngayon. Tatambay na lang siguro ako sa resto niy