I went out of the house with a heavy heart. Hindi na ako umiiyak pero ramdam ko pa rin ang bigat ng lahat sa akin. Mabigat ang mga mata ko dala ng sobrang pag-iyak, mabigat sa loob ng dibdib dahil sa sakit na nararamdaman, tapos pakiramdam ko rin ay may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Pagkalabas ko ng subdivision namin ay agad akong pumara ng taxi at sinabi ang destinasyon ko. Isa iyong kilalang restaurant sa lugar. Doon kasi ang sinabing lugar ni Tita Hanna para makapag-usap kami tungkol sa kasal. Habang nasa biyahe ay pinag-iisipan kong mabuti ang mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit gusto akong makausap ni Tita pero kailangang makumbinsi ko siya na kausapin din si Elliot tungkol dito. The whole situation is definitely not a joke. I can feel that it’s slowly taking its toll