Chapter 1

1907 Words
Five Months Ago… I woke up abruptly as the sunlight passing through the un-curtained window of my room touched my face. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at sumulyap sa orasan na nasa bedside table ko. Gulat akong napabangon at nanlaki ang mga mata ko nang mapansing alas siete pasado na. Mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo ako papasok ng banyo para makagayak na. May trabaho ako ng alas otso! What an epic day to start the week! Hindi ako puwedeng ma-late sa trabaho lalo na’t lunes ngayon. Isa ito sa mga iniiwasan ko dahil ayaw kong makitaan ako ng mali ni Dad. I’m currently working as my older brother’s secretary on Santos Shipping Lines, ang kompanyang itinayo ni Dad. Pagka-graduate ko nga ng college ay gustong-gusto ko nang pumasok at magtrabaho sa kompanya namin, umaasa na matutuwa sa akin si Dad pero hindi siya pumayag. He told me that the company isn’t for me, and I would only bring a lot of troubles. Masakit iyon para sa akin, kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko naman, pero ni minsan ay hindi niya ako nagawang pakinggan. Kaya naman laking tuwa ko nang sa wakas ay pumayag siyang magtrabaho sa kompanya bilang sekretarya ni Kuya Aries, sa kung anong dahilan ay hindi ko alam. Iyon nga lang, hindi matatapos ang araw na hindi niya ako mabubulyawan o mapagsasabihan. Tinatanggap ko na lang ang lahat kahit na madalas ay wala naman akong nagagawang mali. I’ve been working as Kuya Aries’ secretary for roughly two months now, and I love my job so much because I get to earn money through my own hardwork, and I also get to know a lot about how our company works. Mabilis lang ang ginawa kong pagligo, at nang makapagbihis na ay patakbo akong bumaba para maka-alis na. Natigilan pa ako nang makitang nasa hapag pa rin si Dad, kasama niya si Mama, pero wala na si Kuya Aries. Nakaramdam ako ng kaba nang taasan ako ng isang kilay ni Dad. “This is exactly the reason why I don’t really want you to be part of SSL, Romina. You are so incompetent!” ang maanghang na saad niya. “Dad, I’m… sorry. H-Hindi na po mauulit, uhm, a-aalis na po ako,” kinakabahang saad ko. Napa-iling na lang siya at hindi na sumagot. Kahit pa ramdam ko ang gutom ay nagpasya na akong lumabas ng bahay. I don’t have my own car because Dad told me that driving isn’t for women, but I know how to drive and I’m saving money hoping that I’ll be able to buy my own car, too. Masakit sa akin halos lahat ng kilos ko ay parang pinapanuod, na hindi napapansin ang mga magagandang nagawa ko, at laging napupuna ang mali ko, pero okay lang. I’m not taking it as demotivation, in fact, I’m taking it as my motivation to be better. Noong una ay sobra akong nagseselos kay Kuya Aries, kasi lahat ng atensiyon ni Dad ay nasa kanya. Tatlong beses na nga rin siyang niregaluhan ng sasakyan, samantalang ako wala pa siyang naibigay na kahit na ano sa akin. Pero okay lang ulit, ang importante ay binihisan at binigyan pa rin nila ako ng pamilya. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umaasa na darating ang araw na ituturing din niya akong anak, kasi kahit na papaano ay may parte sa puso ko ang naniniwala na mahal niya ako at nahihiya lang siyang ipakita iyon. Patakbo akong lumabas ng subdivision namin at agad na pumara ng taxi. Nang makarating naman sa SSL building ay agad akong dumiretso sa opisina ni Kuya Aries. “Kuya, sorry,” agad na saad ko pagkapasok ko pa lang. Bahagya pa akong nagulat nang makitang kasama niya si Hans Elliot sa loob at mukhang masaya silang nag-uusap. Natigilan lang sila sa biglaan kong pagpasok. “S-Sorry, naabala ko pa kayo. Tawagin mo na lang ako, Kuya, kung may kailangan ka,” nahihiyang saad ko, ngumiti naman siya at mabilis na umiling. “It’s okay, Rome,” sagot niya. Kung iisipin ay maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Kuya. Madalas lang na nagbabago iyon kapag kasama niya si Dad. Naiintindihan ko naman siya. Just like me, he’s also afraid to disappoint our father. “Mukhang napuyat ka na naman ng mga K-Drama na pinapanuod mo, ah?” ang nakangiting tanong ni Elliot. “H-Hindi po, Kuya,” ang nahihiyang sagot ko. I’ve known Hans Elliot since I was in high school. College naman sila noong mga panahong iyon. Matagal na silang magkaibigan ni Kuya, at aaminin ko na magaan ang loob ko sa kanya kasi napakabait niyang tao. “Call me Elliot, Rome, I don’t like it when you’re calling me ‘Kuya’,” saad niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil doon. Ilang beses na rin niyang sinabi sa akin na tawagin ko siyang Elliot, pero masyado akong nasanay na tawagin siyang Kuya. Iyon naman kasi talaga ang tawag ko sa kanya simula noong High School pa ako. Napalingon ako kay Kuya Aries at napansin kong nakangisi siya, nagtaas pa siya ng kilay bago umiling. “Alright, let’s get going, Elliot,” ang nang-aasar na saad naman ni Kuya Aries, binigyan diin pa niya ang Elliot kaya sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. “Call me Hans, Aries,” may halong pagbabantang saad naman ni Elliot. Marahang humalakhak si Kuya Aries at muling napa-iling bago tumayo sa swivel chair na kinauupuan niya. “We’ll check some of the products that we are shipping abroad, Rome, you can just stay here and relax,” saad naman ni Kuya. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya. Ayaw kong gawin iyon kasi natatakot ako na baka biglang pumasok dito si Dad at isipin pa niyang tatamad-tamad ako. “Pero, Kuya—” “Dad won’t be here, so don’t worry. Pupunta sila ng Pangasinan ni Mama para dumalo sa kasal ng anak ng kaibigan nila,” saad niya na para bang nababasa ang nasa isip ko. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Halata ba masyado na sobra ang takot ko kay Dad? Oo, takot na takot ako sa kanya. Dad’s words are unstoppable especially if he doesn’t like something. Masakit siyang magsalita. At kahit pa simula pagkabata ay madalas ko nang maranasan ang makatanggap ng maaanghang na salita mula sa kanya ay hindi pa rin ako nasasanay. “I’ll see you later, Rome,” saad naman ni Elliot at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Hindi ko alam kung ako lang pero puno ng lambing ang boses niya sa tuwing ako ag kausap niya. Ayaw ko namang umasa dahil nga mabait iyong tao. Pero ayaw ko rin namang magsinungaling sa sarili ko. I have to admit that I adore him a lot. At first, I thought that I only like him as my older brother, and I just woke up one day with the realization that I like him more than that. I like him romantically, to be précised. But unfortunately, I don’t have the courage to admit it. Hindi ko naman alam kung may gusto ba sa akin ang tao o sadyang kapatid lang talaga ang turing niya sa akin kaya madalas kung lambingin niya ako. Quota na ako sa mga pamamahiya sa akin ni Dad madalas, at ayaw ko nang madagdagan pa ng pagkapahiya mula sa ibang tao. Umupo ako sa sofa na nasa loob ng office ni Kuya at napabuntong hininga na lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sana pala ay sumama na lang ako kina Kuya. Ilang minuto rin akong nakaupo lang bago magpasyang sundan na lang sila. Pero bago pa ako makatayo ay tumunog na ang cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Zoe Leviste Calling… Hindi naman ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag. “Hello, Rome?” bati niya mula sa kabilang linya. “Zoe, kumusta?” nakangiting tanong ko kahit na hindi naman niya nakikita. “I’m good, but I’m kind of bored. Are you busy? Shopping tayo?” marahan akong natawa sa sinabi niya. “Zoe, may trabaho ako ngayon. But we can meet later, after work,” sagot ko naman. “And you can also call whoever you want during your breaks,” hindi ko na narinig ang sinabi ni Zoe dahil agad kong ibinaba ang cellphone ko at natatakot na tumayo para harapin si Dad nang marinig ko ang boses niya. Akala ko ba hindi siya pupunta rito? “D-Dad,” utal na tawag ko sa kanya. “Hindi ka na talaga matututo, Romina,” madiing saad niya. Nakita ko si Kuya Aries sa likod niya na nakatingin sa akin na may halong pag-aalala, maging si Elliot ay gano’n din. “D-Dad, I was the one who asked her to relax for a bit since wala pa naman pong gagawin—” “And if she’s using her brain she would choose to be productive instead of wasting time!” madiing saad naman ni Dad, pinuputol ang paliwanag ni Kuya. “I-I’m sorry, Dad,” natatakot at nahihiyang saad ko. “Ilang libong sorry ang maririnig ko sa ‘yo buong araw, Romina?” sarkastikong tanong niya. Napayuko naman ako dahil sa hiya. This is one of the things that he’s not afraid to do. Iyong pagsabihan at pahiyain ako kahit pa may ibang tao ang nakaharap sa amin. “If you’re just going to waste your time here doing nothing, might as well, just quit! Or do you want me to fire you?” dagdag pa niya, nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na umiling. “No, Dad, please… hindi na po mauulit,” ang pakiusap ko na lang. Napailing naman siya sa sinabi ko. “Just one more stupidity and you’re out of the company!” madiing saad niya at naglakad na palabas ng opisina ni Kuya. Nang wala na siya sa harap ko ay saka ko lang naramdaman na parang nanginig ang mga tuhod ko. May kakaibang kirot sa puso ko dahil sa nangyari. “Rome, I’m really sorry,” ang mahinang saad ni Kuya, tipid naman akong ngumiti sa kanya at marahang tumango. “It’s not your fault, Kuya, Dad’s right,” nanghihinang sagot ko naman. “Stop treating her like a baby, Aries. Let her realize her mistakes! Huwag niyong sayangin ang oras ko!” narinig kong saad ni Dad. Saka lang namin napagtanto na hindi pa pala siya nakakalayo. Hindi naman na nagsalita si Kuya, naglakad na lang siya palabas ng opisina niya at sumunod kay Dad. “Hey,” napalingon ako kay Elliot nang banggitin niya iyon, naglakad pa siya palapit sa akin at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ko, saka ko lang napansin na may luha na palang kumawala sa mata ko. “T-Tara na, sumunod na tayo sa kanila,” nanghihinang saad ko naman. Akmang maglalakad na ako paalis nang higitin niya ako sa braso. Hanggang sa naramdaman ko na lang na yakap na niya ako. Hindi ko naman na napigilan ang sarili sa paghikbi. “Everything’s going to be okay, Rome. I’m just here to help you if you need my help, okay?” ang malambing na bulong niya. Kailan ba ako masasanay sa ganitong trato sa akin ni Dad? Puwede bang hilingin na maging manhid na lang ako sa mga salita at pangmamaliit niya sa akin? Hindi ko na alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD