Chapter 6

1917 Words
Days turned real fast and I must say that everything just went well. Sa mga nakalipas na araw ay hindi naman ako nakitaan ni Dad ng mali. Kahit pa napapagalitan ako at napagsasabihan pa rin nitong mga nakaraang araw, madalas ay hindi naman iyon tungkol sa trabaho na siyang ikinatutuwa ko. These past few days, I felt like Elliot has also been clingier. Hindi nawawala ang araw araw na pag-send niya sa akin ng text message, o kung hindi kaya ay tatawag siya. Hindi ko pa rin talaga alam ang dahilan kung bakit ganito ang trato niya sa akin. May kung ano sa likod ng isip ko ang nagsasabi na baka may gusto rin siya sa akin, pero ayaw ko namang umasa. Lalo na at wala naman siyang sinasabi sa akin na kahit na ano. I don’t want to expect and assume too much, because I know for a fact that it can also cause too much disappointment especially if things didn’t end up the way I want to. “Girl, okay ka lang?” napalingon ako kay Zoe nang itanong niya iyon, tipid naman akong ngumiti bago marahang tumango. “Oo naman, bakit mo naitanong?” sagot at tanong ko rin pabalik. Kasalukuyan kasi akong nasa apartment niya dahil day off ko. Today is Saturday, and since I don’t have anything to do, I have decided to just visit her. Nakakatuwa naman na kahit pa kailangang nasa resto siya at nagpasya siyang samahan na lang ako. Bagay na hindi ko magawa sa tuwing gusto niya akong kasama, alam naman kasi naming pareho na hindi ako puwedeng basta basta na lang umalis sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam ng hawak mo ang mga sarili mong desisyon sa buhay, ano? Minsan ay parang gusto ko na lang din na magtayo ng maliit na business at kumuha ng kahit na maliit lang din na apartment para sa akin, pero alam ko na hindi ikatutuwa iyon ni Dad. I am fond of reading books. Sa katunayan at nagbalak na akong magtayo ng isang book café. I was even excited to share my thoughts about it with Dad, hoping that he’ll be proud and he’s going to help me. But I got my hopes up too high to the point that I broke down out of disappointment when he refused. Ang mga salitang sinabi niya sa akin noon ay sariwa pa rin sa alaala ko hanggang ngayon. Sinabi niya na magsasayang lang daw ako ng pera sa walang kuwentang bagay. Sinabi rin niya na babae ako at wala akong alam sa negosyo kaya humanap na lang ako ng mayamang lalaki na magtatiyaga sa mga kapalpakan ko. Even when I told him that I want to apply on some of the companies here and live independently, he refused. Ang sasabihin naman ng mga ibang tao ang inisip niya. Sinabi niya sa akin na ano na lang daw ang iisipin ng mga nakakakilala sa kanya kapag nagkita ako na nagtatrabaho sa ibang kompanya at wala sa bahay. Ikasisira daw iyon ng pangalan niya. So in the end, I had no choice but to still live with them. Kaya nga sobrang saya ko noong pumayag siya na magtrabaho ako sa kompanya, sa ilalim ng pamumuno ni Kuya. Akala ko nga noong una ay iyon na ang simula para makita niya na kaya ko, para maging maayos ang lahat. Pero hindi pa rin pala. “Eh, kanina ka pa kasi tahimik. Parang ang lalim ng iniisip mo,” sagot niya kaya napanguso ako. “Iniisip ko lang si El—Kuya Hans,” mababa ang boses na sagot ko habang nakatingin sa kanya. Para namang nagningning ang mga mata niya sa sinabi ko, malawak pa siyang napangiti at nagmamadaling umupo sa tabi ko na para bang interesado siya sa sasabihin ko. “Girl, ang guwapo niya! Magkuwento ka naman tungkol sa kanya bilis!” malawak ang ngiting saad pa niya na parang kinikilig kaya napangiwi ako. “Ano ba ang gusto mong malaman?” nalilitong tanong ko, kahit pa ang totoo ay kinakabahan ako. Kasi mukhang tama ang hinala ko na may gusto nga siya kay Elliot. Kung totoo man iyon, ayaw ko na isang lalaki ang maging dahilan ng pag-aaway namin. Kung kinakailangan na iwasan ko si Elliot ay gagawin ko. Kasi alam ko na si Zoe lang ang tanging tao na hindi ako iiwan kahit na kailan. Laging nasa tabi ko si Zoe, kahit pa noong mga panahon na pakiramdam ko ay nag-iisa ako at walang kuwenta, siya ang lagi kong kasama. “Kahit na ano lang. Nakaka-curious kasi ang kaguwapuhan niya. I mean, ang tahimik niya. Feeling ko nga kayong dalawa lang ni Aries ang nakakausap niya lagi. Alam ko na close kayo kasi super close sila ng kuya mo,” mahabang saad naman niya. “H-Hindi ko alam, Zoe…” mahina ang boses na sagot ko. “Pero parang wala namang espesyal sa kanya. Oo, madalas ay protective siya sa akin dahil nga kaibigan niya si Kuya. Noong kumain kami sa resto mo, he wanted to cheer me up that time kasi pinagalitan ako ni Dad,” dagdag ko pa. Kasinungalingan… Ramdam ko na iba ang turing sa akin ni Elliot, pero hindi ko iyon sasabihin kahit na sa matalik na kaibigan ko pa. “Girl, baka naman puwede mo akong i-set up sa kanya!” kinikilig na saad niya. “Alam mo iyon? Braso pa lang ulam na! Parang ang sarap lang sa feeling kapag yakap ka ng mga brasong iyon. Tapos ang pula ng labi, parang ang lambot lambot!” may halong kahalayan na saad pa niya kaya napangiwi ako. “Zoe!” pagbabawal ko na idinaan lang niya sa mahinang pagtawa. “Girl, ano ba? Hindi na uso sa panahon natin ang mga pa-demure. Kung hindi ka haharot, hindi ka magkaka-jowa. Kaya tigilan mo ako kung ayaw mong tumandang dalaga!” may halong pang-aasar naman na saad niya kaya mas lalo akong napasimangot. “Sino bang nagsabi na naghahanap ako ng jowa, aber?” tanong ko naman kaya ngumisi siya. “Hindi sa ngayon, pero alam ko na darating ang araw na maghahanap ka ng kalinga ng isang lalaki na mahal ka,” sagot naman niya habang nakangiti at nakatingin sa kawalan na parang nananaginip ng gising. “Ewan ko sa ‘yo,” sagot ko na lang. “Ano na, gawan mo ng paraan para makapag-date kami, ah?” pamimilit pa niya kaya napabuntong hininga na lang ako at marahang tumango. “Fine!” pagsuko ko. “I’ll see what I can do, but I am not making any promises, Zoe,” dagdag ko pa, mabilis naman siyang tumango sa sinabi ko. “Thank you, sis! You’re the best!” masayang sagot niya. “Oo nga pala, iyong mga college friends natin nag-aaya ng inuman mamayang gabi. Sama tayo, ah?” dagdag pa niya. “Hindi ko alam, Zoe,” nahihiyang sagot ko. “Ano ba ‘yan, hindi puwedeng hindi ka kasama! Ang dalang mo na nga lang akong maka-bonding, eh. Ako na ang tatawag kay Tita at sasabihin ko na sa akin ka matutulog ngayong gabi,” mahabang saad naman niya. Tumayo pa siya mula sa pagkakaupo at kinuha sa lamisita ang phone niya para siguro matawagan si Mom. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Alam ko rin naman kasi na hindi ko siya mahihindian lalo na kapag namilit na siya. “Juice, Rome?” tanong pa niya habang hawak sa kaliwang tenga ang phone, ngumiti naman ako at marahang tumango. “Yes, please. Thank you,” sagot ko, ngiti lang ang isinagot niya sa akin at naglakad na papunta sa kusina ng apartment niya. Napabuntong hininga naman ako pagkatapos. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko si Elliot, maging ang naging pag-uusap naming ni Zoe ngayon lang. Paano na ito? Bakit ba kasi hindi ko na lang sinabi sa kanya na may gusto rin ako kay Elliot? Pero para saan pa? Hindi rin naman ako sigurado kung may gusto ba talaga sa akin si Elliot. Kung sakaling tutulungan ko si Zoe sa kanya, baka sila pa ang maging end game. At least, kung nagkataon ay natulungan ko pa ang kaibigan ko na maging masaya. Habang hinihintay naman si Zoe ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa bulsa ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon para makita kung sino ang tumatawag. Baka kasi si Kuya o Dad iyon at may iu-utos sila, mahirap nab aka mapagalitan na naman ako. Pero bahagya akong nagulat nang makita ang pangalan ni Elliot sa screen ng phone ko. Saglit akong tumingin sa direksiyon ng kusina bago sinagot ang tawag. “Hello?” mababa ang boses na sagot ko. “Hey, uhm… do you have any plans for today?” narinig kong tanong ni Elliot. “I have plans with Zoe. Why?” tanong ko naman. “Oh, I thought you’re just going to stay home. Aayain sana kitang lumabas. I kind of feel bored since I don’t have anything to do, so…” paliwanag naman niya. “Uh, the truth is, mamayang gabi pa talaga ang lakad namin. But Zoe held me hostage today. Hindi iyon papayag na umalis ako sa paningin niya lalo na alam niyang day off ko. Pasensiya ka na,” medyo nahihiyang sagot ko naman. “No, no… it’s okay,” puno ng lambing na saad naman niya. Hindi ko maintindihan pero parang may mga paruparo na nagsiliparan sa tiyan ko sa paraan ng pagsabi niya ng salitang iyon. Pero pinigilan ko ang sarili ko na makaramdam ng kahit na ano. “Uhm, s-sige na, ibababa ko na,” nahihiyang saad ko ulit. “One more thing,” saad niya bago ko pa maibaba ang tawag. “Ano iyon?” tanong ko. “Puwede bang… sumama na lang sa inyo mamayang gabi? If it’s not too much to ask,” para naman akong mauubusan ng hininga sa sinabi niya. “I… have to ask Zoe first, Elliot. Nakakahiya kasi sa kanila,” sagot ko, naramdaman ko naman ang pagtango niya mula sa kabilang linya. “Sure, no worries, Rome. I’ll wait for your call,” saad naman niya. “Take care, okay?” dagdag pa niya kaya marahan kong kinagat ang ibabang labi ko. “B-Bye,” ang tanging naisagot ko na lang at pinutol na ang tawag. Nang maputol na ang linya ay napahawak ako sa dibdib ko na malakas ang kabog. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Sa totoo lang ay dahilan ko lang iyon kaninang sinabi ko sa kanya na itatanong ko muna kay Zoe. Hindi lang kasi ako sigurado kung tama ba na makasama naming siya. Sigurado naman na matutuwa si Zoe kung malalaman niya. Pero paano naman ako? Mariin akong pumikit ang umiling. Hindi ko na dapat isipin ang sarili ko. Tutulungan ko si Zoe sa kanya, hindi ba? “Sino ang kausap mo?” napalingon ako kay Zoe nang marinig ang boses niya. “Si Kuya Hans, mukhang naiinip ata. Nagtatanong kung puwede raw siyang sumama sa atin mamayang gabi,” sagot ko naman, nakita ko kung paano nagliwanag at mukha ni Zoe at agad na tumango. “Yes na yes!” masayang sagot niya kaya napangiwi ako. “S-Sige, ite-text ko na lang siya mamaya para makasunod siya,” saad ko. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari mamaya. Wala rin akong ideya kung ano ang mararamdaman ko lalo na kapag magkausap na sila. Pero bahala na…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD