“Rome…” napalingon ako kay mom nang makitang lumabas din siya sa hospital room. Umiiyak siya nang sinundan ko. Nasa likod naman niya si kuya na namumula rin ang mga mata. Mapait naman akong napangiti sa kanila. “H-Hindi niyo po ba talaga ako anak? Hindi po ba talaga ako parte ng pamilyang ito?” umiiyak pa rin na tanong ko. “R-Rome…” saad na mom na parang hindi alam ang isasagot. “Mom, please…” pakiusap ko naman. “I have the right to know!” desperadang saad ko pa, nakita ko na napalunok si mom na halatang nasasaktan din bago marahang tumango. Hindi naman ako makapaniwala dahil doon. So it’s true, huh? I wasn’t really part of their family. I thought dad only said it out of spite and anger, but it’s actually true. “Alam mo rin kuya?” tanong ko naman kay kuya, nakita ko nag-iwas siya ng