“Are you okay?” tanong ni Elliot sa akin. We’re currently on a drive bound to Pangasinan. Mga bandang alas seis ng umaga kami nagising, gumayak, kumain ng agahan at umalis na. Tapos na rin naman kasi kaming mag-impake ng mga gamit kagabi. “I’m okay, Elliot. Thank you for asking,” mahinang sagot ko naman at pilit pang ngumiti. Hindi ako okay. At hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. Pero ayaw ko naman na pati siya ay maapektuhan dahil sa dami ng drama ko sa buhay. Last night, I wasn’t to sleep well. Tahimik din akong umiiyak sa madilim na silid ni Elliot. Pigil na pigil ang bawat hikbi ko na siyang sobrang sakit sa puso. Ayaw ko naman na magising siya dahil sa akin. Kaninang umaga ay wala akong ganang kumain, pero pinilit ko kasi alam ko na kailangan ko. Wala naman kasing mangya