Chapter 7

2097 Words
I spent my whole day with Zoe. We went shopping and whatnots just like the old times. Sobra kong na-miss ang bonding naming dalawa. Simula kasi noong magtrabaho ako ay bihira na namin ito magawa, kaya naman pagkauwi namin sa apartment niya pagkatapos ay pagod na pagod kami sa dami ng aming ginawa. Pagkapasok nga namin sa loob ay ibinagsak ko na agad ang sarili ko sa malambot niyang sofa, tapos ay binitawan ko sa lapag ang mga binili ko para sa akin. “Don’t you dare fall asleep, Romina! May lakad pa tayo kasama si Daddy Elliot!” may halong pagbabanta at kaharutan na saad niya kaya napangiwi ako. “Magpapahinga lang ako saglit. May oras pa naman tayo, eh,” sagot ko. “And oh, don’t call him Elliot in front of him. Hindi niya gusto,” dagdag ko pa kaya nagkibit siya ng balikat. “Yeah, I know. Ikaw lang ang hinahayaan niya na tumawag sa kanya no’n,” makahulugang saad naman niya. “Teka, hindi kaya sa ‘yo siya may gusto, girl?” dagdag na tanong pa niya kaya mabilis akong napatingin sa kanya. “H-Hindi, ‘no! Wala kasi iyong nakababatang kapatid, kaya gano’n siya sa akin,” pagdadahilan ko naman. “Eh, ikaw? May gusto ka ba sa kanya?” tanong ulit niya kaya saglit akong natahimik. “A-Anong klaseng tanong ba naman ‘yan? Wala ‘no!” sagot ko naman pagkatapos, nagkibit na lang siya ng balikat dahil sa sinabi ko. “What do you want to have for dinner? O sa labas na lang tayo kakain?” tanong ulit niya. “Sa labas na lang siguro, Zoe. Para hindi ka na rin maabala. Lalo na kakakain lang halos natin, busog na busog pa nga ako,” sagot ko kaya mabilis naman siyang tumango. “Alright. I’ll go take a bath now, Rome. Huwag mo akong tatakasan kasi naipagpaalam na kita kay Tita,” saad pa niya kaya mahina akong napahalakhak. “Zoe, kailan ba kita tinakasan?” natatawang tanong ko pa kaya napanguso na lang siya. “Mabilis lang ako, para makaligo ka rin pagkatapos,” saad ulit niya kaya marahan na lang akong tumango. Pinanuod ko pa siya na maglakad papasok sa kuwarto niya kung saan ang bathroom. Kung tutuusin ay may isang banyo pa naman dito malapit sa kusina, pero kulang kasi sa mga gamit kaya hihintayin ko na lang siyang matapos. Habang nakahiga naman sa sofa ay kinuha ko ang cellphone ko at saglit na tumitig sa screen nito. Tapos ay nagpasya ako na padalhan ng mensahe si Elliot. Ako: Okay lang daw kay Zoe na sumama ka. Iyon lang ang sinabi ko. Wala naman kasi akong ibang alam na sabihin kaya iyon na lang. Atsaka hindi ko pa rin naman kasi alam kung saan kami pupunta. Mamaya ko na lang ulit siguro siya ite-text. Medyo nagulat na naman ako nang makita ang pangalan niya sa screen ng phone ko, kasabay no’n ay ang pag-vibrate nito. Siguro ay tumitig ako do’n ng mga limang segundo bago ako huminga ng malalim. Then I slid my phone’s screen into answer button. “What about you?” agad na tanong niya pagkasagot ko, nalito ako dahil doon. “H-Huh?” nalilitong tanong ko. “You said that Zoe’s fine with me, tagging along, right? What about you? Okay lang din ba sa ‘yo?” paliwanag at sagot niya. “O-Oo naman, bakit mo naman naitanong?” “Because I don’t want to make you feel uncomfortable by my presence, Rome,” sagot niya kaya napanguso ako. “Bakit naman ako hindi magiging kumportable?” tanong ko ulit. “I don’t know… I just feel so,” sagot ulit niya kaya mahina akong natawa. “Okay lang talaga, Elliot,” sagot ko naman. “Pero hindi pa kasi sure kung saan tayo mamaya, eh. Ite-text na lang ulit kita, okay?” dagdag ko pa. “Alright, Rome. I’ll see you later,” saad naman niya. “Y-Yeah,” ang kinakabahang sagot ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit, pinutol ko na agad ang tawag. Kailangan ay umakto ako mamaya na hindi ako apektado sa presensiya niya. Kailangan sanayin ko na rin ang sarili ko na hindi ako kinakabahan sa tuwing kinakausap niya ako. Feeling ko kasi ay ito na ang simula ng love story nila ng kaibigan ko na si Zoe, at hindi ko puwedeng sirain iyon. Pagkatapos maligo ni Zoe ay hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na maligo na rin. It’s actually a good thing that I also have a few of my dresses here. Si Zoe talaga ang nag-suggest no’n, para kung sakaling mag-sleep over daw ako ay hindi na ako mamroblema ng susuotin kinabukasan. Naging mabilis lang naman ako sa banyo. Right after I’m done, I went out and wore a combination of black and green dress. Sakto naman na kulay itim ang doll shoes ko kaya bagay na bagay sa dress na napili ko. “You look hot, girl. I think you’ll find yourself a boyfriend tonight!” nakangising saad ni Zoe kaya napalingon ako sa kanya. Kasalukuyan akong nakaupo naman ngayon sa kama niya at pinapatuyo ang basa kong buhok. I have a straight and long hair. Kaya medyo hassle din kapag pinapatuyo ko ito kasi pahirapan talaga. But I like it this way so it’s fine. Si Zoe naman ay may mahaba at medyo kulot na buhok. Bagay na bagay sa maliit at maganda niyang mukha. Mukha kasi siyang Barbie doll. Hindi sa ibinababa ko ang sarili ko pero aminado ako na kumpara sa kaibigan ko ay walang wala ako. Hindi naman ako panget, pero hindi rin kasing ganda ni Zoe. Siguro ay alas otso iyon ng gabi nang matapos kami sa pag-aayos. Like I said, I’m not really fond of makeups. Gano’n din naman si Zoe, parehong face powder at lip tint lang ang nilagay namin sa mukha at labi naming pareho. Ang nakakapagpatagal lang talaga sa kilos naming ay ang pagpapatuyo ng buhok at minsan, pagpili ng susuotin na damit. “Dreamers, here we go!” masayang saad ni Zoe pagkapasok namin sa sasakyan niya. Mahina naman akong natawa kasi para siyang bata. “Bruha ka, masyado kang nagpa-miss! Kaya walang uuwi nang hindi tayo lasing,” dagdag pa niya kaya sabay kaming natawa. “Baka ikaw ang unang sumuko,” pagbibiro ko naman, pero iyong tono ay naghahamon, napalingon naman siya sa akin at malawak na napangisi. “That’s my girl!” masayang saad niya at pinaandar na agad ang sasakyan. “Uh, ite-text ko pala si Hans para sabihing sa Dreamers tayo,” saad ko habang nasa biyahe kami, ngumiti naman siya at marahang tumango. I took my phone out of my pocket and sent Elliot a message. Kagaya kanina ay hindi ko na pinakahaba pa. Basta ang sinabi ko na lang ay sa Dreamer na kami magkita kita. Nang maipalik ko sa shoulder bag ko ang phone ko ay naramdaman ko na naman ang pag-vibrate nito, alam ko na tinatawagan ako ni Elliot pero nagpasya ako na huwag na lang sagutin lalo na’t katabi ko si Zoe. Baka kasi ipa-loud speaker pa niya at marinig kung gaano kalambing ang boses ni Elliot madalas kapag kinakausap ako. Ayaw ko naman na kung ano ang isipin niya. Nang nakarating sa Dreamers ay pumasok din kami agad pagkaparada ng sasakyan. Agad naman kaming sinalubong ng pinaghalong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Medyo malakas din ang udyok ng musika at maraming tao ang halatang nasisiyahan sa lugar. “Mga bakla, dito!” sabay kaming napalingon ni Zoe nang marinig ang boses ng kaibigan naming si Ken. Lima kami na laging magkakasama noong college. Ako, si Zoe, sina May, Ana at si Ken. Si Ken ay isang binabae. Kung tutuusin ay kung hindi mo siya maririnig na magsalita, iisipin mo talaga na lalaki siya. Agad naman kaming lumapit ni Zoe sa kanila. “Mga bakla!” masayang sigaw ni Zoe at agad na nakipagbeso sa mga kaibigan namin, gano’n din naman ang ginawa ko. Siyempre, ang unang sampong minuto ata ay naubos sa kumustahan. At hindi pa kami nagtatagal sa kinauupuan namin ay may lumapit na agad na isang lalaki sa amin, matamis siyang nakangiti kaya napangiwi ako. Well, the guy is not that bad. Kung tutuusin ay may hitsura siya at malakas ang dating niya, pero wala akong tiwala sa mga lalaki na nagpapakilala sa amin sa mga bar. Wala rin akong ine-entertain kahit na isa man lang sa kanila simula noon pa. Siguro ay dahil na rin dati pa lang ay si Elliot lang talaga ang gusto ko. “Uh, puwede ba kitang maisayaw?” tanong sa akin nung lalaki, humalakhak ang mga kaibigan ko at tinudyo pa ako. “Masakit kasi ang paa ko. Maybe later,” sagot ko naman. Nakita ko na parang bahagya siyang napahiya sa sinabi ko pero pilit pa rin na ngumiti at tumango. “S-Sure, not a problem. Pero sana puwede na mamaya,” nahihiyang saad pa niya kaya pilit na lang akong ngumiti at tumango. Pagkatapos no’n ay umalis na rin naman siya. Akmang magsasalita na ako nang makita kong paparating si Elliot. “Holy s**t…” ang narinig kong saad ni Ken, napalingon ako sa kanya at nakita ko ang titig niya sa paparating na si Elliot. “Bakla, naglalaway ka na,” saad naman ni Ana kaya natawa silang lahat, maliban sa akin na kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. “T-Teka, sa atin ba siya lalapit? Baka naakit siya sa beauty ko?” may halong kaharutan na tanong pa ni Ken kaya natawa ulit sila. “Malakas na ang tama mo, bakla, patingin ka na,” saad naman ni May. “Dito nga siya papunta. Nagtanong kasi siya kanina kay Rome kung puwede raw ba siyang sumama sa atin, kaya pinayagan na namin,” sagot naman ni Zoe. “Oh, yeah! Bigla kong naalala na bestfriend nga pala sila ng Kuya mo, Rome, hindi ba?” tanong sa akin ni Ken, ngumiti naman ako at marahang tumango. “Hey,” bati ni Elliot sa amin pagkarating niya kaya napalunok ako. Bakit ba pati ang boses niya ay ang guwapo? Lalaking lalaki ang dating. “Uh, u-umupo ka rito,” saad ko tapos ay itinuro ang bakanteng puwesto sa tabi ni Zoe, mataman naman niya akong pinagmasdan dahil doon. “Rome, masyado akong malaki para sumingit pa riyan. Why don’t you move instead?” tanong naman niya. “Malaki nga…” may halong kahalayan at kaharutan na saad ni Ken. “Okay lang kung sa akin—este, dito ka sa tabi ko sisingit,” dagdag pa niya kaya mahinang natawa si Elliot. “He’s right, Rome,” segunda naman ni Zoe kaya wala akong nagawa kung hindi ang umusog palapit kay Zoe, si Elliot naman ay agad na umupo sa tabi ko pagkatapos. Para akong kinilabutan nang magtama ang balat naming dalawa. Napaka-init. Nakakapaso. He’s only wearing a white tee shirt and he matched it with a jeans. Kaya naman bakat na bakat ang biceps niya, hindi nakakapagtaka na halos maglaway na si Ken kakatitig sa kanya. “Why don’t you introduce me to your friends, Rome?” mababa pa ang boses na tanong niya kaya napanguso ako. “They already know you,” sagot ko naman. “Really,” saad niya at tinignan pa isa isa ang mga kaibigan ko, halos sabay sabay naman silang tumango dahil doon. “Si Zoe, kilala mo na. She’s Ana, and then, May and the last one is Ken. Mga college friends namin ni Zoe,” saad ko pa. “Okay lang ba sa inyo na nandito ako?” medyo nahihiyang tanong pa niya. “Okay na okay lang, Kuya Hans. Okay nga lang din sa akin kung sa susunod sa bahay ka naman bumisita,” maharot na sagot ni Ken kaya natawa na naman kami. “Pagpasensiyahan mo na, palabiro lang talaga siya,” bulong ko naman kaya ngumiti sa akin si Elliot at marahang tumango. “Yeah, I know. Don’t worry,” pabulong na sagot din naman niya. “Order anything you want, it’s on me,” nakangiting saad pa niya. Parang nagningning naman ang mata ng mga kaibigan ko dahil doon. Sana pala ay sa dulo na lang ako ng leather na couch umupo, para hindi kami magkatabi ngayon. Masyado kasi akong naco-conscious lalo na’t laging nagkakadikit ang mga balat namin. Tapos amoy na amoy ko pa ang mabango niyang katawan. Ay ewan! Lord, ikaw na ang bahalang tumulong sa akin na makapagpigil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD