Chapter 8

1638 Words
I feel like Elliot is the type of person who’s easy to be with. Hindi pa kasi nagtatagal ay nakuha na niya agad ang loob ng mga kasama ko. Halos nasa kanya na nga ang buong atensiyon. Pero hindi na rin ako magtataka kung bakit. Kahit noong high school at college sila ni Kuya ay kilala sila halos sa buong campus at university ng eskuwelahan na pinasukan nila. A lot of girls and gays want to be close to them, a lot of guys want to befriend them as well. Silang dalawa ni Kuya ang klase ng tao na kahit saan mo dalhin ay tatanggapin at pagtutuunan sila ng pansin. Hindi kagaya ko na hindi welcome sa lahat maliban sa apat kong kaibigan na kasama ko ngayon. “Hindi ba, Kuya Elliot, Political Science ang course niyo ni Kuya Aries?” tanong ni Ken kay Elliot, marahan namang tumango si Elliot dahil doon. “Call me Hans, please,” mababa ang boses na saad pa niya. “We both took up Political Science. Balak kasi naming mag-lawyer. But both of our families needed our help at an early age, kaya hindi na naming naituloy. Tumulong na kami agad sa negosyo ng pamilya,” dagdag pa niya. “Sayang na hindi natuloy ang pagl-lawyer niyo, pero okay na rin naman kasi naging successful kayo pareho ni Kuya Aries sa pag-handle ng businesses ng pamilya niyo,” saad naman ni Zoe kaya marahang tumango si Elliot. “I don’t consider myself successful just yet, though. Both my Dad and grandfather established the business. I also want to create my own name, I want to do something that I can be proud of,” sagot naman ni Elliot kaya bahagya akong namangha. Kahit sinong makakilala sa kanya iisipin na successful na siya. Oo, hindi talaga siya ang nagtayo ng business nila, pero dahil sa kanya ay mas lumago at nakilala ang negosyong iyon kaya malaki pa rin ang parte niya ro’n. It’s still something that he can be proud of. Kaya nakakamangha lang na ganito pa rin siya mag-isip kahit pa ang layo na ng narating niya. “Eh, Kuya Ell—Hans,” pagkuha ni Ken ng atensiyon ni Elliot. “Girlfriend? I mean, may girlfriend ka na ba?” may halong kaharutan na tanong niya. Nakuha naman ni Ken ang atensiyon ng lahat dahil sa tanong niya. Mukhang interesado silang lahat na malaman. Alam ko ang sagot pero hindi ako nagsalita, hindi naman kasi ako ang tinanong. Atsaka ayaw kong isipin nila na alam ko ang lahat tungkol kay Elliot, baka ako pa ang mapunta sa hotseat. “Wala pa sa ngayon,” sagot niya. Bahagya akong napatingin sa kanya, gano’n din naman ang ginawa niya kaya saglit na nagtama ang mga mata namin. Pero agad din naman akong umiwas na parang walang nangyari. Nakaka-inis lang na kahit ang simpleng tingin niya ay napapalambot ang mga tuhod ko. “Ano ba ang hinahanap mo sa isang babae?” may halong kaharutan na tanong ulit ni Ken. “Or… binabae?” humagikgik pa siya sa idinagdag niya kaya mahinang natawa si Elliot. Ang sarap lang pakinggan ng tawa niya. Parang musika sa pandinig. Ay ewan! Feeling ko mababaliw na ako dahil sa kanya. Sobrang lakas na talaga ng tama niya sa akin. “I mean… I don’t have anything against people who are part of LBGT community, but I don’t see myself being in a relationship into one. But if that’s God’s will, then, it’s okay. Hindi naman natin alam ang mangyayari sa hinaharap. Basta gusto ko ng taong malambing, selfless magmahal hindi lang sa akin, maging sa pamilya niya. Gusto ko iyong laging kinakabahan sa presensiya ko,” nakangising sagot niya. “And oh, I also want a woman with a long hair,” dagdag pa niya. Para naman akong nabulunan dahil sa isinagot niya. Wait, did he just describe me? Obvious ba masyado na kinakabahan ako lagi sa presensiya niya? Muntik ko nang sampalin ang sarili ko dahil sa naisip ko. Bakit ko pa naisip na ako agad ang tinutukoy niya ngayong general naman ang mga sinabi niya? Hindi lang ako ang taong may mahabang buhok. Oo, aaminin ko na madalas ang kinakabahan sa presensiya niya pero hindi naman ako selfless… “Ay wala na, ligwak na ang beauty ko. Magpapahaba na nga ako ng buhok,” saad naman ni Ken kaya natawa ulit ang mga kasama namin sa mesa. “Bakit ang tahimik mo, Rome?” tanong naman ni May, napalingon ako sa kanya at napansin ko na napatingin sa akin ang lahat dahil sa tanong na iyon. “Uh, iniisip ko lang kung wala ba akong nakalimutang tapusin na trabaho,” pagsisinungaling ko naman. Hindi ko naman kasi puwedeng aminin na ginugulo ni Elliot ang utak ko. “Ano ba naman ‘yan, nandito tayo para mag-enjoy pero trabaho pa rin ang iniisip mo?” may halong pagtatampo na tanong ni Zoe. “Ang dalang mo na nga lang akong makasama ganyan ka pa,” dagdag pa niya kaya napangisi ako. “Hindi na, sorry na,” malambing naman na saad ko kaya natawa ulit ang mga kaibigan namin, maliban kay Elliot, pero ramdam ko ang titig niya sa akin. “Hanggang ngayon sobrang sweet niyo pa rin,” natatawang saad naman ni Ana. “Girl, baka nga hindi na mag-asawa ang dalawang ‘yan. Hindi na ako magtataka kung aamin sila isang araw na may relasyon pala talaga sila,” natatawang sagot naman ni Ken. “Really…” mababa ang boses na saad ni Elliot habang nakaktingin pa rin sa akin. “H-Hindi, ‘no! Huwag ka ngang masyadong nagpapaniwala sa mga kalokohan ni Ken,” sagot ko naman. Alam ko na bakas sa boses ko ang kaba, mabuti na lang at hindi nila iyon napansin dahil sa malakas pa rin na tugtog ng musika sa bar. Nagpatuloy pa rin ang kuwentuhan pagkatapos no’n. Nang maubos nga ang iniinom namin ay tumawag si Elliot ng isang waiter para um-order ulit ng alak at pulutan. Ramdam ko na medyo nahihilo na ako pero pinilit ko ang sarili ko na maging okay. Malakas naman talaga ang tolerance ko sa alak, iyon nga lang, siguro ay dahil na rin sa tagal ng panahon na hindi ako naka-inom ay humina na ako. Ayaw ko naman na sirain ang gabi na masaya at nag-eenjoy si Zoe kaya pinipilit ko pa rin. Siguro ay konti konti na lang ang iinumin ko, para kahit na papaano ay makasabay pa rin ako sa kanila. Hindi na rin naman siguro nila mapapansin iyon. “Uhm, I’ll just use the washroom,” saad ko sa kanila. Medyo nagulat ako nang makitang tumayo rin naman si Elliot pagkasabi ko no’n. Ang akala ko ay para mabigyan lang niya ako ng sapat na daan, kasi nga nakapagitna ako sa kanilang dalawa ni Zoe. “I’ll also use the washroom,” saad naman niya kaya marahan akong tumango. Nauna na akong maglakad palayo sa kanya, ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin. Medyo napapangiwi pa ako kapag may mga tao akong nakakabunggo kahit na hindi sinasadya. Nang malapit na ako sa banyo ay naramdaman ko ang magaspang at malapad na kamay na humawak sa kaliwang braso ko, tapos ay marahan ako nitong pinihit kaya napalingon ako. Napalunok naman ako nang makita ang seryosong mukha ni Elliot. Napalingon pa ako sa may bandang likod niya, mabuti na lang at walang masyadong tao sa hallway papunta sa banyo. “W-What?” kinakabahang tanong ko. “Are you in a relationship with Zoe?” mababa ang boses na tanong niya kaya napanganga ako. “H-Hindi, Elliot! Wala kaming relasyon,” agad na sagot ko naman. “Just like you, I don’t have anything against people who are part of LGBT community, pero hindi ko rin nakikita ang sarili ko na makikipagrelasyon sa kapwa ko babae,” pagpapaliwanag ko naman. Hindi ko naman alam kung bakit nagpapaliwanag pa ako sa kanya. Wala naman akong dapat na ipaliwanag. Siguro ay dahil natatakot din ako sa puwede niyang isipin tungkol sa akin. “But why do I feel like your friend is correct when he said that you might be in a relationship with Zoe?” tanong ulit niya kaya napabuntong hininga ako. “Look, Elliot, kahit noong college pa ay lagi na nilang sinasabi iyon, okay? That was just part of their jokes. Atsaka hindi kami gano’n ni Zoe,” paliwanag ko ulit. Nakita ko namang nagtiim ang mga bagang niya bago siya marahang tumango. Tapos ay binitawan na rin niya ang braso ko. “Alright, I’m sorry for overreacting,” mababa ang boses na saad niya kaya napanguso ako. Bakit nga ba siya nag-over react? Hindi ko alam. At ayaw ko naman siyang tanungin. “Are you still okay? Pulang pula na ang mukha mo. I guess you need to stop drinking,” dagdag pa niya. “M-Medyo nahihilo na nga ako. But I don’t want to spoil the night. Don’t worry, Elliot, hindi na ako masyadong iinom,” sagot ko. Siguro ay ginagawa niya ito kasi nga kapatid ako ng matalik niyang kaibigan. Tama. Iyon lang iyon. Ayaw lang niya na mapahamak ako lalo na at mas matanda siya sa amin at siya pa ang kasama namin ngayon. “Good girl,” sagot niya kaya napanguso ulit ako. “Now, go inside the washroom and do what you have to do. I’ll wait for you here,” saad pa niya kaya marahan akong tumango. Marahan naman akong tumalikod at ipinagpatuloy na ang paglalakad papasok sa banyo. Nang makarating doon ay agad aakong humarap sa lababo at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Pulang pula ang mukha ko. Ramdam ko rin na parang nag-iinit ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa tama ng alak, o dahil pa rin kay Elliot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD