Hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko habang naghihiwa ng sangkap. Kanina pa kasi tumutunog ang cellphone ko dahil paulit ulit na tumatawag sa akin si Elliot pagka-send ko sa kanya nung mensahe ko para sa kanya. Sa tingin ko kinikilig na naman ang isang iyon. Pero hindi ko sinasagot ang tawag niya. Ang alam naman niya ay matutulog at magpapahinga ako. “Anak, okay ka lang ba diyan? Hindi mo ba kailangan ng tulong?” napalingon ako kay Nay Lorna nang itanong niya iyon, ngumiti naman ako bago marahang umiling. “Kaya ko na po rito, Nay,” magalang na sagot ko naman. Marahan siyang naglakad palapit sa akin para tignan ang ginagawa ko. Ngumiti naman siya bago muling nagsalita. “Para kanino ba ’yang iluluto mo?” tanong niya. “Para kay Elliot po,” nakangiting sagot ko. “Si Hans?” tanong niy