“How was it?” may halong kaba na tanong ko nang sumubo na siya ng pagkain. Matamis siyang ngumiti sa akin bago tumango. “Jesus, this tastes better than to those five restaurants that I’ve been to,” may halong pambobola na sagot niya kaya mahina akong natawa. “Bolero!” sagot ko. “Totoo nga,” pamimilit naman niya. “Hindi pa ako nakakakain ng kare-kare na ganito kasarap. You’ll be the best wife in the future,” malambing na dagdag pa niya kaya natawa ulit ako. “Wife agad? Hindi ba puwedeng cook or chef muna?” may halong pagbibiro na tanong ko naman. “Do you want to become a chef?” kuryosong tanong niya, tipid akong napanguso dahil doon. “It was just a joke,” sagot ko naman kaya marahan siyang tumango. “But I want to open my own business in the future. Gusto ko sana book café. It’s going