Napabuntong hininga ako nang ihinto ni Elliot ang sasakyan niya sa parking lot ng hospital. Sobra akong tinatamad ngayon, siguro ay dahil na rin pagod pa rin ako sa ginawa namin ni Elliot kaninang madaling araw. Oo, alas kuwatro na kami ng madaling araw nakatulog dahil naulit pa iyon ng dalawang beses. Tapos alas siete naman kami nagising. Kulang na kulang pa ako sa tulog tapos ay medyo mahapdi ang pagitan ng mga hita ko. Pagkagising namin kanina ay kumain kami agad ng agahan, tapos ay sabay na naligo at umalis na para makapunta sa bahay at maipag-ayos ng gamit si Kuya. Humihirit pa nga ang loko kanina sa banyo ng isang round bago daw kami umalis, pero sinabi ko na mahapdi ang pagitan ng mga hita ko. Naiintindihan naman niya. Ni hindi nga siya tumitigil sa paghingi ng sorry kasi siya da