Iyak ako nang iyak habang nasa sasakyan kami ni Elliot. Pagkaalis ni dad kanina ay nilapitan ako ni kuya. Niyakap niya ako at humingi siya ng sorry bago niya sinundan si dad. Si Elliot naman ay agad akong hinila palabas ng hotel at papasok sa sasakyan niya. Sobrang nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko. Sobrang bigat din ng nararamdaman ko. Ang sakit… Hindi ko naman kasalanan, hindi ba? Pero bakit ako na naman ang sinisi niya? How can a father humiliate his own daughter in front of so many people? He even called me a disgrace. “Hush now, baby…” malambing na bulong ni Elliot habang yakap ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Gustuhin ko mang huminto ay hindi ko magawa. Sobra akong nasasaktan. Ni hindi ko rin magawang magsalita kasi hirap na ako sa paghinga dahil sa